Chapter 31

6.1K 133 12
                                    

Mabilis ang pangyayari dito. Para bang fast forward.

-----

CHAPTER 31 - Headlines

“AAAAAAAH! Bullshit!” sigaw ko sabay hampas sa foam na binagsakan ng likod ko kanina dahil sa pagtalon ko. Ilang araw ko ring ikinundisyon ang sarili ko bago ulit subukan talunin yung 2M and 30CM na latest record ko pero wala pa rin.

Hindi ko pa rin nagawa. Kinuyom ko ang palad ko at pinagsusuntok ang foam. Pawis na pawis na ako at nag-iinit na ang dugo ko. Naiinis ako sa sarili ko. Pesteng Yips Syndrome!

Tumigil ka Taejoon, wala kang mapapala sa ginagawa mong yan. Kumalma ako at marahang bumaba ng landing foam. Susubukam ko ulit. Kung hindi ko pa rin magagawa, edi sisimulan ko ulit sa pinaka-umpisa. Hardwork... Hardwork lang, Taejoon.

Dalawang buwan na din ang lumipas simula nang umalis si Jaehee. Sa dalawang buwan na yun, wala akong ibang pinagtuunan ng pansin kundi itong high jump. Bwisit nga kasi tinanggal talaga ako ni Coach sa list ng high jumpers sa school. Wala na akong sports kaya wala na akong ginagawa tuwing Wednesdays at Fridays na training days dapat sa school. Kumalat na nga din ang tungkol sa Yips Syndrome ko.

Instant HEADLINES agad ako sa lahat ng dyaryo nung kumalat ang tungkol sa kondisyon ko.

Nasa school ako noong araw na yun at halos ayaw pang ipakita nila Taemin sa akin yung laman ng dyaryo. Lahat kasi ng mga estudyante, may hawak na dyaryo noong araw na yun at malalagkit ang tingin na sa akin. May mga bulungan pang rinig na rinig ko naman.

“Ano bang nakalagay diyan? Tungkol ba sa akin?!” hindi ko na napigilang sumigaw. Nanginginig naman na iniabot ni Taemin sa akin ang dyaryo.

 

“High Jumper, Kang Taejoon, revealed to be suffering under Yips Syndrome...”

Unang basa ko palang, agad kong kinusot ang dyaryo. Tumakbo ako at umakyat sa roof top. Gusto kong mapag-isa. Alam ko naman na malalaman ng publiko ang tungkol sa sakit kong ito, pero hindi ko pa rin mapigilan ang masaktan ang ego ko. Hindi ko alam bakit sa dinami-dami ng athlete sa buong mundo, ako pa ang dinapuan ng hindi maipaliwanag na sakit na to.

Kakarating ko palang sa tuktok ng career ko, pero bigla nalang naputol ang mga pakpak ko at agad akong bumalik sa pinaka-mababa. Baka naman, karma yan, Taejoon? Karma? Karma saan? Dahil sa kagaguhan ko kay Jaehee noon? Iniwan ko siya dahil sa high jump, dahil sa pangarap ko, tapos ngayon wala rin pala akong mapapala sa high jump dahil sa sakit kong ito. Paano kaya kung hindi ko siya iniwan noon? May difference kaya?

“Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Hindi karma yan. Kung karma yan, sana pati ako wala na din sayo ngayon. Dapat, wala na lahat sa iyo ngayon. Pero hindi naman diba?” kausap ko si Jaehee ngayon sa Skype pagkatapos kong magpahinga after kong magtraining at wala ring napala sa gym namin. Sinabi ko sa kanya, na baka nakakarma ako dahil iniwan ko siya noon.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon