Chapter 4

12K 227 16
                                    

CHAPTER 4 - Utos Agad-Agad

Jaehee's POV

Edi no choice, umuwi ako ng Korea. Ano namang magagawa ko? Alangan namang magrebelde ako sa mga magulang ko. Nagrebelde na nga ako dati diba, nung ginawa kong ganito ang sarili ko? Paulit-ulit nalang?

Habang lumilipad ang eroplano, hindi ko mapigilang isipin kung anong magiging reaksyon ni Taejoon kapag nakita niyang ganito ako? Mandiri kaya siya sa akin? Eh dahil nga sa kanya kaya ako nagkaganto eh! Psh.

Teka, alam na kaya niyang ikakasal kami?! Kainis naman kasi. Sana hindi niya nalang ako iniwan dati, sa kasal rin naman pala ang bagsak namin.

Eh paano kung may bagong girlfriend na siya?!

Aish. Ano ka ba, Jaehee? Bakit kung ano-anong iniisip mo? Ano naman sa iyo kung may iba siya? Iniwan ka nga niya diba, para sa pangarap niya?

Pero pwede ring iniwan niya ako dahil hindi ako sapat o baka nakakita siya ng higit sa akin.

Hindi ko namalayan, naglanding na pala ang eroplano. Pagbaba ko, chineck ko ang phone ko. Puro messages ni Mommy! Kaya tinawagan ko siya.

 (*riiiiiiiiiiing* *riiiiiiiiiing*)

 

(Hello? Jaehee?)

 

"Mom!"

 

(My Princess! Nakababa ka na ba?)

 

"Opo.”

 

(Good. Nandiyan ngayon si Kang Taejoon, para sunduin ka.)

 

 

 

"Po?!"

Napatingin ako sa paligid baka nakikita na niya ako. Napahinto ang mata ko sa isang lalaking nakatayo sa isang tabi, at may kasamang isa pang lalaking may hawak na picture. Nakaformal attire siya...

 Ngayon na ba ang kasal namin?

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now