Chapter 24

5.7K 125 8
                                    

CHAPTER 24 - School Fest Part III

Eungyeol’s POV

“Anong hindi si Jaehee ang kapartner ko?!” halos pasigaw kong tanong kay Seungri.

“Hindi kaya ni Jaehee. Paika-ika nga maglakad yung tao oh.” Sabi naman niya.

“Eh sinong partner ko?”

“Ayan na pala sila Jaehee eh.” Napalingon naman ako sa likod.

A..ang ganda niya.

Kahit na naka-cap siya at nakadamit panglalaki ang ganda niya pa rin. Bakit kasi tumibok itong puso ko sa bestfriend ko pang tomboy. =__=

“Ang ganda niya diba?” naka-ngiting sabi ni Jaehee. Napatingin naman ako sa katabing babae nito, ang asawa ko. Nalaglag ang panga ko. “Kami ni Victoria nag-ayos diyan.”

DUG-DUG. DUG-DUG. DUG-DUG. Teka, anyare sa puso ko? O____O DUG-DUG. DUG-DUG. Lagi ko namang nakikita si Hanna, araw-araw nga eh, pero bakit biglang nag-iba yung bilis ng tibok nito nung nakita ko si Hanna ngayon. Kahit nga noong kasal namin, walang ganitong tibok. Bakit…

Tumango naman ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong madevelop na feeling kay Hanna. Kasal na kami! Nakatira sa iisang bahay, laging magkasama, pero wala pa rin! Kay Goo Jaehee lang talaga iba ang tibok ng puso ko.

Pero mukhang ngayong gabi, mag-iiba na.

“Maiwan na namin kayo dito ha. Sumunod lang kayo sa sasabihin ng organizer. Nandoon yung ibang contestants oh.” Turo ni Seungri.

“Bye Hanna. Bye Eunggoy. Galingan niyo! Fighting!” tapos ngumiti siya. Ahhhh. Goo Jaehee >___<

Sinundan ko ng tingin si Jaehee hanggang sa makalabas sila ng backstage.

“Ehem…” napatingin naman ako kay Hanna.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now