Chapter 12

7.5K 141 5
                                    

CHAPTER 12 - Jeju Island Part I

Taejoon’s POV

One week nalang, back to school na kami. Tapos around 1 month, babalik na sila Daddy at ikakasal na kami ni Jaehee. Tapos mukhang wala pang progress sa amin ni Jaehee? Sinusungitan pa rin niya ako. Matigas pa rin siya. Batong bato pa rin.

Nanonood lang ako ng TV habang pinapaliguan naman ni Jaehee si Sangchu. Palipat-lipat lang ako ng channel, wala akong mahanap na magandang palabas. Hindi ako mapakali kasi sobrang ikli nalang ng time. Tumayo ako pinatay ang TV saka lumabas kung saan pinapaliguan ni Jaehee si Sangchu.

“Ang cute cute mo talaga, Sangchu!” masayang sabi ni Jaehee habang sinasabon ang alaga naming aso.

Ano kayang itsura niya kapag anak na namin ang pinapaliguan niya? Tanong ko sa sarili ko. Sumandal ako sa pader habang pinapanood siya. Hindi pa rin niya siguro alam na nandito ako.

“Buti ngayon, behave ka na pag pinapaliguan kita. Noon kasi, noong medyo maliit ka pa, ayaw mo pag ako ang nagpapaligo sa iyo! Si Taejoon lang ang gusto mo. Choosy ka ha. Tapos kapag papaliguan ka namin, pati kami naliligo din.”

“Arf! Arf! Arf!”

Tahol ni Sangchu sa sa akin. Kaya napatingin naman si Jaehee sa akin.

“Kanina ka pa diyan?”

“Hindi naman masyado.” Lumapit ako at sinamahan siya sa pagpapaligo kay Sangchu. Hinaplos haplos ko ng sabon ang balahibo ni Sangchu na gustong-gusto naman niya. Bigla nalang ako may nakapang kakaibang bagay sa ilalim ng balahibo ni Sangchu. Tapos biglang nagulat si Jaehee, akala mo kung nakuryente. Mga 1 minute and 34 seconds din kaming tahimik doon saka ko narealize na kamay pala niya yung nahawakan ko.

Agad ko namang binawi yung kamay ko at naghugas na ako. SPELL AWKWARD.

“Arf! Arf!” tahol na naman ni Sangchu.

“Magbanlaw ka na Sangchu. Nageenjoy ka na masyado sa haplos ni Jaehee.” Sabi ko at nilapit ko ang mukha ko kay Sangchu at binelatan ko siya. Ganyan talaga pag kausap si Sanchu, shunga-shungahan lang.

Hindi agad ako nakapagreact dahil bigla nalang shinake ni Sangchu ang katawan niya dahilan para tumalsik sa mukha ko ang sabon at tubig galing sa katawan niya. At syempre pati si Jaehee, basang-basa din.

Natawa nalang kami sa mga itsura namin. Pinahid ko yung sabong nasa pisngi ni Jaehee dahilan para matulala na naman siya. Ang hilig talaga matulala ng babaeng ito tapos magbblush. >w<

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now