Chapter 25

5.8K 130 25
                                    

CHAPTER 25 - Bakit Taejoon?

Jaehee’s POV

Medyo may ngiti akong naglakad papunta sa classroom. Hindi ko mapigilang ma-excite sa kung anong sasabihin sa akin ni Taejoon mamaya sa rooftop. Bakit may pa-note note pa siyang nalalaman. Iba na talaga yung nararamdaman ko. Nawala na yung galit ko sa kanya. Mabuti pala at tinanggap ko na sa sarili ko yung totoo, yung kapalaran ko, ang ending ko pa rin ay kasama si Kang Taejoon na ex ko.

“Parang ang saya natin ngayon ah, Pareng Jaehee!”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Pareng Taemin pala.

“Hindi naman masyado. Masaya pa rin siguro kasi champion ang dorm namin.” Nakangiti kong sabi, sumibangot naman siya. Talo sila eh.

“Alam namin, nanalo kayo. Kayo na. Kayo na talaga.” Sabi naman niya.

“Dibale, ang galing mo naman sumayaw eh.” Sabi ko. Miyembro rin kasi ng Dance Club itong si Taemin. Nabansagan na nga rin siyang ‘dancing machine’ sa sobrang galing nito. Kahit anong sayaw ay kaya niya. Nakakamangha talaga ang lalaking ito, para ring kabute na sumusulpot nalang kung saan. Parang ang buhok niyang mushroom style.

Pagkarating namin sa classroom ay bumungad sa amin ang mga kaklase naming nakabilog at tila iniinterview si Hanna at Eungyeol, ang Mr. and Miss Genie 2013. Agad namang kumaway at ngumiti si Eungyeol nang makita niya ako. Napansin ko, yung iba naman naming classmates nakaupo lang. May nagbabasa, nagsosoundtrip at may natutulog agad.

Ang aga pa para matulog!

Inilagay ko ang mga gamit ko sa desk ko saka naki-sama sa kumpulan nila.

“Anong kaganapan ito?” tanong naman ni Pareng Taemin.

“Iniinterview namin ang pinaka-bagong Mr. and Miss Genie natin.” Sagot ng isa naming kaklase na hindi ko masyadong alam ang pangalan, dalawang letra yun eh. AJ ata? Ay teka, si author yun ah! D:

“Ano namang pinagtatatanong niyo sa kanila? Ano kayo, media?” sabi ni Taemin.

“Hindi naman. Uhm… Katulad ng… may pag-asa bang maging sila?” sabi nito sabay tawa. Maiintriga naman itong babaeng ito.

“Anong may pag-asa, eh mag-asawa na nga yang dalawang yan eh!” sabi ko.

Sandaling natahimik ang lahat tapos nagtawanan sila bukod sa amin nila Hanna, Eungyeol at Taemin. Mukhang hindi ata naniniwala itong mga ito ah.

“Bakit kayo tumatawa?” tanong ko.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now