Chapter 14

6.4K 133 12
                                    

CHAPTER 14 - Jeju Island Part III

Taejoon's POV

Third day sa Jeju Island pero walang matinong nangyayari. Chineck ko ang phone ko, 6:50 na pala ng umaga. Bumangon ako at as usual, wala na naman si Jaehee. Ni hindi ko rin alam kung natulog ba siya dito pero malamang, kasama niya si Eungyeol.

Naligo at nagready, hindi ako papayag na sa huling araw ay hindi ko pa rin makasama si Jaehee. Bumaba ako at nagbreakfast.

Saktong paglabas ko naman ng kainan ay nakita ko si Jaehee at Eungyeol na may dalang mga maleta at bags. Saan punta nila?

"Goo Jaehee!" tawag ko. Tumingin naman sila sa akin.

"Uy Taejoon, ikaw pala." sabi ni Eungyeol eh hindi naman siya ang kinakausap ko. Tss.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Jaehee.

"Babalik ako sa Seoul, may emergency lang." si Eungyeol na naman ang sumagot.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." kalamadong sabi ko kay Eungyeol.

"Sasamahan lang ako ni Jaehee dalhin ito sa kotse. Wag kang mag-alala, hindi ko siya isasama. Sabay pa rin kayong uuwi ng soon-to-be wife mo." sagot na naman ni Eungyeol. Ano bang problema bakit parang na-pipi ata si Jaehee. Pero deep inside, medyo sumaya ako, aalis si Eungyeol ibig sabihin ay solo ko si Jaehee sa araw na ito!

Hindi na ako sumagot at binitbit na ulit nila ang mga maleta... Ang dami naman niyan. Gamit lang ni Eungyeol yan?

"Cha Eungyeol!" napatingin naman kaming tatlo sa babaeng sumigaw.

Hanna?

Lumapit siya. "Di mo man lang ako hinintay."

Tumingin ako kay Eungyeol, tapos tumingin ulit sa kanya. Magkakilala sila? Kailan pa?

"Oh, Taejoon! Nandito ka pala." sabi naman sa akin ni Hanna.

"Magkakilala kayo?" turo ko sa kanila ni Eungyeol.

"Oo..." matipid na sagot ni Hanna, tapos yumuko siya.

"Uhh... Dalian mo na, Hanna. Malelate tayo sa flight." sabi ni Eungyeol. So magkasama silang uuwi sa Seoul.

"Saka ko na ikwekwento sa iyo lahat, Joon. Una na kami. Bye." tapos ngumiti sa akin si Hanna. Mukhang nakita niya ang confusion sa mukha kong nagtatanong ng "what's going on?"

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now