Chapter 5

10.8K 216 7
                                    

CHAPTER 5 - Indirect Kiss

Taejoon’s POV

Sinundo ko si Jaehee sa bahay nila, na nasa tapat ng bahay namin, at sabay kaming pumunta sa Byeokjae Galbi para sa Dinner namin. Hindi naman formal dinner yun, kasi barbecue restaurant ang pinili ng babaeng ito, kaya hindi kami nagformal attire.

Nagulat nalang kami ni Jaehee dahil pagdating namin doon, nandoon na ang mga parents namin, nagkwekwentuhan. Sigurado, tungkol sa business na naman.

Humalik ako kay Mom at kay Tita Sojeong.

 

“Goo Jaehee!” lahat kami ay napatingin kay Tita Sojeong. Kitang galit na galit siya. Siguro ay dahil sa itsura ni Jaehee. Si Tito Minwoo naman, gulat na gulat pero kalmado pa rin.

“Excuse me, for a while.” Sambit ni Tita Sojeong. Tumayo ito at lumapit kay Jaehee.

“My princess, anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?” may halong lungkot ang boses ni Tita. Tumayo rin si Tito Minwoo at lumapit sa kanila.

“M-mom…” nag-aalalang sagot ni Jaehee. Ako rin, gusto ko rin sanang marinig ang explanation ni Jaehee. Bakit ganyan na siya.

 

“Honey, nandito tayo para sa dinner. Kalma lang.” sabi ni Tito Minwoo sa asawa niya.

Bumalik nalang sa upuan niya si Tita Sojeong, at ngumit siya nung tumingin ako sa kanya, pero halatang galit siya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang nagiisang anak mong babae, maging lalaki. (Alam niyo na ang ibig kong sabihin.)

“Kumain na tayo. Mamaya ka nalang magpaliwanag pag-uwi, okay?” sabi ni Tito Minwoo kay Jaehee.

“Yes, dad.” Sagot naman ni Jaehee.

Umupo na sila sa mga upuan nila at nagsimula nang magdatingan ang mga orders namin. Kung ano-anong pagkain na talaga namang nakakagutom.

Medyo awkward nga ang atmosphere kasi tumahimik si Tita Sojeong.

“It’s been a long time simula nung huli akong kumain ng barbecue.” Sabi ni Mommy, to break the silence.

“Ako rin.” sagot naman ni Dad. Tapos nagsimula na naman silang magkwentuhan ng kung ano-anong bagay na hindi ko naiintindihan, regarding business/

Si Jaehee, na nasa harap ko, hindi umiimik, ni hindi nga siya masyadong kumakain. Nakayuko lang siya.

“Congratulations nga pala, Taejoon.” Sabi ni Tito Minwoo. “Napanood namin sa TV ang competition. Ang galing mo talaga.”

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now