Into Your World

נכתב על ידי moisel

59.8K 1.3K 244

EXO Fanfic. Luhan said he loves me. 1 minute ago via DREAMS. <//3 עוד

Into Your World
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7: Friends.
Chapter 8: Ringtone >///<
Chapter 9: Sablay na naman!
Chapter 10: Heaven
Chapter 11: LH
Chapter 12: Hinga ng malalim.
Chapter 13: Hello, Kisses.
Chapter 14: Fan.
Chapter 15: For us.
Chapter 17: Last chance.
Chapter 18: Concert
Chapter 19: Second last chance.
Chapter 20: Gusto kita.
Chapter 21: Nangyari na.
Chapter 22: Walang pag-asa.
Chapter 23: Good night.
Chapter 24: Masasabi ko rin.
Chapter 25: I'm serious.
Chapter 26: Hindi sapat.
Chapter 27: Sobra.
Chapter 28: Truth.
Chapter 29: Soon.
Chapter 30: I love you.
Chapter 31: Fries.
Chapter 32: Chocolates.
Chapter 33: Ngayon na.
Chapter 34: Parents.
Chapter 35: Gagaling si Kisses.
Chapter 36: Shaw Hershey.
Chapter 37: Lahat para sa'yo.
Chapter 38: Tama na.
Chapter 39: No, Kisses.
Chapter 40: Into Your World
Epilogue: Into Your World

Chapter 16: Coffee Shop.

1.3K 32 9
נכתב על ידי moisel

 Chapter 16

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tinignan ko sandali si Kuya Toby bago ko binalik ang tingin ko sa ginagawa kong assignments. "Nagugutom ka ba?"

"Hindi, kuya." Malamig na sabi ko sa kanya. 1 month na yung lumipas mula nung 'marinig' ko sa kanila yung tungkol sa sakit ko. Ang galing noh? Sarili kong sakit, hindi ko alam. At kung hindi ko pa narinig, hindi ko malalaman.

"Kelangan mong uminom ng gamot."

"Para san? Para mapatagal pa ang buhay ko? Kung oras ko na, oras ko na."

"Kisses... for us."

Damn those words. Bakit pa kelangang ipilit kung alam kong wala nang pag-asa?

"And Hyunah is looking for you." Lumabas siya ng kwarto ko. I sighed. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong lumaban pero natatakot ako.

After 15 minutes, lumabas na ko ng kwarto ko. Nakita ko sina ate sa baba. Halata pa ring malungkot si Kuya. Si Hyunah naman busy sa paglalaro sa mga laruan na natanggap niya nung birthday niya.

"Baby Hyunah..." nakuha ko rin ang atensyon ng kapatid ko.

"Mwaa..."

"Anong nilalaro ni baby?" Tumabi ako sa kanya sa may carpet. "Laro din si Tita?"

Inabutan niya ko ng small pillow na heart ang shape. Heart.

"Kumain ka na, Kisses?" Nabitawan ko yung hawak ko. Tumingin ako kay ate May tapos umiling.

"Kain ka na... sabayan ka na namin ni Toby."

"Pwede bang magpahangin muna ako sa labas?"

"Kisses... kumain ka muna."

"Sa labas na lang ako kakain."

"Hayaan mo na siya May." Narinig ko si kuya sa likod ko. "Wag kang magpapagabi, Kisses."

Tumango lang ako sa kanya tapos nagkiss kay Hyunah.

"Babalik agad ako." Nakatingin sakin sina ate at kuya. "Kuya..."

"B-bakit?"

"Lalaban ako. Lalaban ako para sa inyo."

Nakita kong tumulo na yung luha ni ate May. Si kuya naman nakangiti pero hindi pa rin kumpleto. Halata pa ring malungkot siya.

Lumapit sakin si ate May at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat, Kisses... nandito lang kami."

~~

"Ma'am Kisses! Antagal niyong nawala ah? Kamusta na Ma'am?"

Ngumiti ako kay ate Ning. "Ayos lang po ako. Medyo busy lang po sa school."

"Namayat kang bata ka. Kumakain ka ng maayos?"

"Opo naman. Uhh... blueberry cheesecake nga po tsaka iced tea."

"Sure, ija. Sandali lang ah?"

Inasikaso na ni ate yung inorder ko. Uupo na sana ako sa favorite na pwesto ko dito sa loob ng coffee shop pero nahagip ng paningin ko yung tv sa may right side. Nakatitig lang ako sa tv. Siya yon. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Ma'am, diba sila yung nagpunta dito last year?"

"H-ha?" Napatingin ako kay Ej. Isa sa mga waiters dito sa coffee shop.

"Yan pong nasa news ngayon."

Mapatingin ulit ako sa tv. Oo. Sila yon. 1 week rin akong hindi nakabalita sa kanila. Ang dami ko kasing iniisip eh. Pati sila nakalimutan ko na. :(

"Oo... bakit naman nasa news sila?"

"Ma'am, may concert sila dito sa pagkakaalam ko. Bukang bibig po kasi yan ng kapatid ko eh. Alam niyo na, fan din. Hindi ko lang masabi sa kanya na nakita ko na rin sila. Baka mapatay ako sa inggit nun." Ngumiti lang ako sa kanya. Yun din gagawin ko kung ako yung kapatid niya. Just kidding.

"EXO lang ba pupunta dito?"

"Hindi Ma'am, alam ko po may kasama pa silang ibang kpop groups."

"Kelan ba concert?"

"Bukas po, Ma'am."

"Ahh..."

Kahit na gusto kong pumunta, alam kong hindi ako papayagan nina kuya. Medyo mas naging oa na rin sila katulad ko.

"Pupunta kayo, Ma'am?"

"Baka po hindi na."

"Eh diba Ma'am sobrang fan kayo nyan?"

"Oo. Pero hindi na ako papayagan nina Kuya eh."

"Ayy. Sayang naman po. Pupunta po yung kapatid ko. Gusto pa nga pong dagdagan ko yung pambili niya sa ticket eh. Gusto niya daw face-to-face."

"Pssh. Ganyan din naman ako eh. Kaya lang kelangan ko na bawasan."

"Bakit po?"

"Ito na po Ma'am Kisses." Napatigil kami sa paguusap nung dumating si Ate Ning dala yung order ko. "Ej, ginugulo mo na si Ma'am?"

"Naku ate Ning, hindi po."

"Psshh. Bumalik ka na sa trabaho. Baka nagpapapansin ka pa kay Ma'am."

"Hala, hindi naman ate Ning. Naguusap lang kami nung tungkol sa news ngayon."

"Ano bang news--ohh, sila yung nagpunta dito dati!"

"Opo... yun lang naman ang pinaguusapan namin ni Ma'am Kisses."

"Sorry naman noh?" Tumingin ulit si ate Ning sa tv. "May concert pala sila dito. Punta kayo, Ma'am Kisses?"

"Hindi po..."

Parang napansin naman nilang ayoko nang pag-usapan kung bakit kaya hindi na sila nagtanong.

"Sige po Ma'am. Balik na po kami sa trabaho, enjoy your foods."

"Salamat..."

Pero sa halos dalawang oras kong pagtigil sa coffee shop, hindi ko naubos yung inorder kong cake. Kahit na pilit kong kalimutan yung nalaman ko, bumabalik pa rin sa isip ko.

Totoo yung sinabi ni kuya na halos kinalimutan ko na yung buhay ko nung nalaman kong may sakit ako dati. Hindi ako kumakain. Halos hindi na ko lumalabas ng bahay, tumigil ako sa pag-aaral. Kung hindi pa nila ko pupuntahan sa kwarto ko hindi nila malalaman na inaatake na pala ako.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi kinokontrol nila ang buhay ko. Ayokong sila ang magdesisyon para sa'kin. Hindi ko nakitang malungkot sina kuya noon. Doon nila pinapakita na masaya ang buhay kaya kelangang kong mabuhay. Kaya lumaban ako. Medication. Surgery. Halos lahat na yata pinagdaanan ko. Akala ko tapos na. Pero mali ako. Maling mali ako.

Pinunasan ko agad yung luha ko. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako.

Ngayon, nakikita kong malungkot na si kuya. Alam na rin nina Mommy na alam ko ang tungkol sa kalagayan ko. Humingi sila ng tawad. Syempre, mahal ko sila kaya mabilis lang magpatawad pero mahirap makalimot. Hindi lang ako lalaban para makita ulit kung gano kaganda ang buhay, lalaban ako dahil hindi ko gustong makitang malungkot ang pamilya ako. Lalaban ako hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko.

...at alam kong hindi ako nag-iisa.

~~

Luhan's Point of view

"Sandali lang Manager. Daan lang tayo sa coffee shop."

"Kelangan niyo na magpahinga. May rehearsal pa kayo bukas."

"Sandali lang talaga, Manager." Manly ako pero kelangan kong gawin to. *puppy eyes*

"Goodness! Ano bang mga alagang to? Oo na. Bibilisan lang natin."

"Yown!"

Binatukan ako ng mga kasama ko. Sino pa bang kasama ko?

"Kung maka-manly ka sa mga interviews, kapag naman nasa loob ng van, todo puppy eyes. Problema mo, Luhannie?" Sabi sakin ni Xiumin.

"Bakit ba? Manly pa rin ako."

"Manly your face."

"Eepal pa ka Chen eh. Yaan niyo na. Ililibre ko kayo ng kape."

"Bakit naman kape, Luhan? Sa tingin mo papayag kami?" Si Xiumin sabay tingin sakin.

"Syempre naman Baozi. Coffee shop nga pupuntahan natin diba? Gusto mo ilibre kita ng burger?"

"Ayan! Ganyan nga! May natututunan ka pala sakin." Sabi ulit ni Chen.

"Aish. Bala nga kayo."

"Luhan, san nga tayo pupunta?" Bigla namang tinanong sakin ni Lay. Napailing nalang ako. Di ko na alam ang gagawin ko sa mga kaibigan ko. Buti napagtitiisan pa kami ni leader.

Hiwalay kami sa van ng EXO-K. Baka sila dumiretso na sa hotel, kami naman dadaan pa sa coffee shop. Para kasing gusto ko ng kape ngayon.

"Ito na Luhan, ako nalang oorder para sa inyo." Napatingin ako sa bintana. Nanlaki ung mata ko sa nakita ko.

"Yah! Manager! Hindi dito."

"Bakit? Coffee shop to."

"Aish." Halos tumayo na ko sa loob ng van para makalipat malapit sa pwesto ng driver. "Ako nalang po magda-drive para hindi kayo mahirapan."

"Luhan... 2nd time palang natin makakapunta dito. Hindi mo saulo ang daan dito. San ba kasing coffee shop yon? Bakit kelangan pang mamili? Pwede na dito ah?"

"Ahhh! Alam ko na kung bakit!" Sigaw ni Tao. "Hahahaha! Hyung! Nakalimutan ka na non."

Kung kanina medyo maayos pa yung mood ko ngayon biglang nagbago na. Tinignan ko ng masama si Tao.

"Joke lang! Ito naman di mabiro. Sa Toby's Kisses Coffee Shop po tayo, kuya!" Sigaw ni Tao sa driver.

"Toby's Kisses Coffee Shop..." parang nagliwanag yung mundo ni Lay pero maya-maya rin... "San yon?"

Napailing na lang ako. Napatingin ako kay leader dahil pakiramdam ko nakatingin siya sakin. At hindi naman ako nagkamali.

"It has been a year..." he smiled.

Oo nga. Halos isang taon na. Pero kapag naaalala ko kahit pangalan lang niya, napapangiti na ko.

Kamusta na kaya siya? Sinundan ko siya palabas ng coffee shop nung huli kaming magkita pero nawala na agad siya. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang nararamdaman ko kapag nakikita o nakakausap ko siya. Pakiramdam ko buo ang araw ko.

Sinusubukan ko siyang tawagan pero mukhang nagbago na siya ng number. Wala naman akong ibang kilala dito na makakapagbigay sakin ng contacts ni Kisses.

Kisses. Shaw Hershey. So sweet.

"Iba na ngiti ni Luhan oh." Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.

"Ewan ko sa inyo. Dami niyong napapansin."

"Gwapo ko talaga." Napailing nalang ako kay Chen.

~~

"Ako nalang ang bahalang umorder. Ano bang gusto nyo?" Tanong samin ni manager. Sumilip muna ako sa labas. Konti lang ang tao.

"Sasama ako manager."

"Wag na. Dito nalang kayo."

"Manager..."

"Ikaw talagang bata ka. Tara na. Bilisan lang natin at baka may makakita sa inyo."

"Yes! Thank you manager." Sumunod agad ako kay manager pagkababa niya ng van. Isasara ko na sana pero pinigilan ni Chen.

"Sama rin ako."

Sabay sabay kaming naglakad papasok ng coffee shop.

"Ano ba talagang meron sa coffee shop na to at dito niyo pa naisipan bumili ng kape?" Biglang tanong ni Manager.

"Kisses..." sabi ko.

"Kisses? Yung chocolate?" Tanong ulit ni manager.

"Yung matamis." Sagot ko nalang sabay ngiti.

Pumasok na kami sa loob. Konti lang ang customer at mga busy sa mga ginagawa nila. Binati naman kami ng mga staff. Tinignan ko ang paligid, marami nang nagbago pero alam kong nasa Toby's Kisses coffee shop nga ako.

"Ano sa inyo?" Tanong ni manager nung nasa may counter na kami.

"Kayo na po bahala."

Nagtatakang tumingin sakin si manager. Bakit nga ba dumayo pa kami dito tapos kahit ano naman pala ang pipiliin ko?

"Excuse po sir" umisod ako ng konti para makadaan yung waiter pero napatigil siya at napatitig samin ng matagal. "Kayo po yung nasa news..."

Patay.

"Uhh..."

"Good afternoon po." Masayang bati niya samin.

"Sa inyo rin po." Bati namin ni Chen sa kanya.

"Akala ko po namamalikmata lang ako. Kakabalita lang po kasi sa inyo kanina tapos nandito na kayo ngayon. Super fan po ninyo ang kapatid ko."

"Pasabi po salamat." Sabi ni Chen.

Si Chen na yung nakipagusap sa kanya. Kasi may gustong makita ang mata ko. Nilibot ko ulit yung tingin ko sa buong shop.

"Fan niyo din po yung isa sa mga boss ko dito." Dun na naagaw yung atensyon ko. "Sabi niya rin po gusto niyang manood ng concert pero busy siya eh."

"Sino?" Hindi ko napigilan itanong.

"Ah, kapatid po ng owner nitong shop." Bumilis ulit ang tibok ng puso ko katulad nung nangyari ng niyakap niya ko bago kami maghiwalay. "Ayy, pasensya na po kung andami kong nasasabi. Para mainggit ko lang po yung kapatid ko."

"A-ayos lang..." sht, Luhan. Ano bang nangyayari sayo? "Pwede... pwede na kong magtanong?"

"Sige lang po." Masaya nyang sagot.

"N-nandito ba yung sinasabi mo?"

"Si Ma'am po? Opo! Ayun po siya oh." Tumuro siya sa may parte ng coffee shop na hindi nadaanan ng mata ko kanina. Dahan dahan akong tumingin don... "Siya po yung isa sa mga boss namin. Si Ma'am Kisses."

Napatitig ako ng matagal sa kanya. Kung hindi lang ako siniko ni Chen siguro tititigan ko nalang talaga siya.

"Lapitan mo na..."

Humakbang ako ng isa palapit pero agad akong napatigil nung bigla siyang tumayo. Napatingin ako sa mata niya na hindi nakatingin sakin.

Parang may kakaiba. Hindi yun ang mga matang nakikita ko dati. May nagbago sa Kisses na nakilala ko...

“Kisses…”

המשך קריאה

You'll Also Like

20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
11.5K 662 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
38.4K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"