Rina's POV
Bakit parang hindi na malamig?
Pagmulat ko ng mga mata ko, may kumot na ako.
Teka? Lumilipad na yung eroplano? Bakit hindi ako nagising?
Nagulat ako ng may biglang nagsalita.
"Gising ka na pala" parang pamilyar yung boses ah…
Pagkalingon ko, nakita ko yung lalaking kinabubuwisitan ko. Ren ba yung pangalan nya?
"ikaw ba nagkumot sa akin?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung buhok ko.
"oo ako nga, mukhang giniginaw ka kanina eh."
"salamat"
Ngumiti sya. "sakto gising mo Rina, nagseserve na sila ng food." nag nod lang ako.
Teka…
"paano mo nalaman ang pangalan ko?hindi ko naman sinabi sayo ah." Nung tinanong ko sya, parang ninerbyos sya kaya medyo nagalit ako "kinalkal mo ba yung bag ko?"
"hindi, hindi." tapos may kinuha sya sa bag nya.
"eto nga pala." inabot nya sa akin yung libro ko. "bago ko nailagay sa bag ko yan, may nahulog na sulat galing dyan sa libro. Nandoon ung pangalan mo kaya nalaman ko. Sorry kung binasa ko."
Sulat? Binuklat ko yung libro at may sulat nga.
Pagkatapos kong basahin yung sulat, napangiti nalang ako.
"Ah! Ngumiti ka na rin" sabi ni Ren tapos ngumiti sya.
Dug dug...
Dug dug...
Bakit ganito?
Nakakainis pag ngumingiti sya ng ganyan….
Pero ngayon ko lang napansin na dark brown pla ang buhok nya... at ngayon ko lang din napansin...
"Rina?"
...ang Gwapo pala nya...
"uy" nagulat ako ng tinapik nya yung kamay ko.
"huh?"
"okay ka lang ba? Bigla ka nalang kasing natulala eh. Masama ba pakiramdam mo?"
"hindi, okay lang ako"
Ano ba iniisip ko? Umayos ka nga Rina!
"Rina, saan ka pala sa Japan? Ako tiga Nara-ken ako" Nara-ken? Sasabihin ko ba?
Teka, bakit ko sasabihin?
"you don’t need to know."
"hala bumalik na naman ang pagiging masungit mo. Sige na, sabihin mo na please?"
"Nagoya. Happy?" nakasimangot kong sinabi sa kanya. Nakakainis, ang kulit kulit nya
"wag ka namang sumimangot, ang ganda mo pa naman."
Dug dug…
Dug dug…
Letche naman itong puso na ito. Marami ng lalaki ang nagsasabi na maganda ako kaya sanay na ko pero bakit ako kinikilig nung sinabi nya yun? kainis.
"Nagoya? Saan banda doon? Doon kasi ako mag-iistay mamaya hanggang bukas eh. Baka malapit lang doon yung bahay nyo, ihatid na kita."
"you don’t have to. My driver will pick me up" nakasimangot pa rin ako.
"ah. Pero saan ka nga doon?"
Bago pa ko makapagsalita, lumapit yung flight attendant na nagtutulak nung trolley. Napatingin nalang ako sa bintana.
"what would you-eh? Rina?" napatingin ako sa flight attendant.
"y-yumi?anong ginagawa mo dito?"
"insan, nagtatrabaho ako, flight attendant ako hindi ba?"
"oo nga pala." sabi ko sabay ngiti.
"kamusta ka na? hindi ka na tumatawag sa akin. Buti pa si JayR." boyfriend kasi ni Yumi si kuya Jay R " Nakwento nya sa akin yung tungkol kay Brian."
Ang daldal naman ni kuya. Pati yung kay Brian kinuwento.
"insan?"
"ah. Sorry, busy lang kasi ako kaya hindi ako nakakatawag alam mo naman na kakatapos ko lang grumaduate at inasikaso yung mga documents na kailangan ko. Si Brian… yaan mo na yun, masaya na sya kasama si Geneva."
"sorry."
"bakit ka nagsosorry? Wag ka nang mag-alala, ok naman na ko eh." medyo nagsmile ako
"pero paanong hindi ako mag-aalala sayo kung babalik ka na ng Japan? Alam mo na pagbumalik ka-"
"oo alam ko pero kailangan kong gawin ito. Ayoko nang tumakbo dahil kahit malayo man ang takbuhin ko, babalik at babalik din ako dahil wala akong choice. Para sa business naman to at para kay otou-sama. Basta masaya sya, ok na ako."
"ok ka pero hindi ibig sabihin masaya ka."
"hindi naman kailangan na masaya ako sa gagawin ko. Dahil wala naman akong karapatang sumaya eh. Kung maging masaya man ako, hindi permanente. Sa buong buhay ko, hindi ako naging masaya ng lubos. Isang moment lang ang alam kong nagpasaya sa akin ng sobra… nung nakilala ko 'sya'... Kilala mo naman kung sino tinutukoy ko di ba? pero sana lang hindi na sya makita ulit dahil ayoko ng masaktan..."
"Rina…"
"kaya wag ka nang mag-alala. Worry about yourself. Mapapagalitan ka na pag hindi ka pa nagserve,"
"oo nga pala XD" kumuha sya ng tray na may pagkain sa trolley. "beef w/rice and orange juice right?"
Napangiti ulit ako "alam mo talaga?"
"syempre :)" napatingin sya kay Ren "I'm so sorry. What would you like sir? Chicken or beef?"
Ngumiti si Ren "can I have the same?"
"I understand." sagot ni Yumi then kumuha ulit sya ng tray at nilagay sa table ni Ren tapos tumingin sya sa akin "sana tama ang desisyon mo" medyo nag bow sya sa min ni Ren. "enjoy your food, ma'am, sir" at umalis na sya.
Tinanggal ko yung seatbelt ko at tumayo. "excuse me, pupunta lang ako sa CR." inangat ni Ren yung tray at itinupi yung table para makadaan ako.
Nang nakapasok na ako sa CR, bigla kong naalala yung sinabi ni Yumi.
Sana tama ang desisyon mo.
Tama? Kelan pa naging tama ang desisyon ko?