The XL Beauty (PUBLISHED)

By superjelly

22.5M 355K 53.2K

Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya? More

The XL Beauty
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty four
Twenty five
Twenty six
Twenty seven
Twenty eight
Twenty nine
Thirty
Thirty one
Thirty two
Thirty three
Thirty four
Thirty five
Thirty six
Thirty seven
Thirty eight
Thirty nine
Forty
Forty one
Forty two
Forty three
Forty four
Forty five
Forty six
Forty seven
Forty eight
Forty nine
Fifty
Fifty one
Fifty two
Fifty three
Fifty four
Fifty five
Fifty six
Fifty seven
Fifty eight
Fifty nine
Sixty
Sixty one
Sixty two
Sixty three
Sixty four
Sixty five
Sixty six
Sixty seven
Sixty eight
Sixty nine
Seventy
Seventy two
Seventy three
Seventy four
Seventy five
Seventy six
Seventy seven
Xtra: Linggo ng Wika
Seventy eight
Seventy nine
Eighty
Epilogue
Xtra Chapter: Tabby the Dreamer
Yay.

Seventy one

182K 2.9K 272
By superjelly

Nagsimula na silang magkwentuhan doon. Yan na naman si Kei eh, parang wala ako dito sa tabi nila oh. Tapos yung pinagkukwentuhan pa nila eh yung mga nangyari noong bata pa sila. Elementary classmates daw sila, tapos nung high school umalis itong Abby na ito sa school nila kase lumipat siya ng bahay. Tapos nung college naman, nandun na siya nag-aaral sa school ko rin, pero nakatira siya sa Bulacan. Ang layo nga eh. Tapos kamustahan sila, blah, blah, blah.

Hindi ko na natiis kaya tumayo ako. Hindi pa rin ako pinansin ni Kei. Binuksan ko yung TV at nilipat sa MTV, minax ko pa yung volume. Yung kanta eh "Treasure" ni Bruno Mars. Ako naman sayaw. Sayaw lang nang sayaw, napapasulyap kung mapapansin ako ni Kei.... pero walang hiya, tuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan.

Pinatay ko yung TV. Napa-crossed arms na naman ako. Nakakaasar kase eh, the last thing I know nililigawan niya ako diba? So bakit may pa-puppy love puppy love pa yan? And they talk like they really know each other! Asus. Pag-umpugin ko mga ulo nila eh.

"Parang ang sarap ata kumain ng ice cream ngayon.... hmmm..." sigaw ko pa. "ANG SARAP TALAGA NG ICE CREAM NO?"

Nagtatawanan lang sila doon. Aba! Ang ginawa ko eh umupo ako doon sa gitna nila. Pero tuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan, yung tipong parang wala ako sa pagitan nila. Ang galing ah.

"Oo nga eh, hahahaha," nakikitawa din ako. "Oo sige 'wag niyo kong pansinin dyan pareho ko kayong kakaladkarin palabas ng bahay ko."

Natigil sila. Thank God.

"Sorry Tabby ah, nadala lang ako... nakakamiss kase si Gail eh." sabi ni Kei.

Nangiti naman 'tong Abby na ito. "Oo nga eh, grabe lalo kang gumwapo ngayon Kei ah."

"Okay na okay na, hoy kuliters, diba malayo pa bahay mo? Umuwi ka na. Sige ka baka kidnapin ka ng mga bilbil ko.... HAHAHAHA, JOKE LANG!" tawa ako nang tawa doon tapos sila naka-poker face lang. "Sabi ko nga halika na Abby samahan na kita sa labas."

Tumayo naman siya. "Sige Kei ah, sa susunod na lang."

"At sinong nagsabing may susunod ha? Mukha mo! HAHAHAHAHA." nakapoker face na naman sila. "Sabi ko nga baka invite ulit kita dito sa bahay ko, nakakahiya naman kase kay puppy love mo."

Ngumiti si Kei sa kanya. "Sige ah, Gail, ingat ka palagi."

Ito namang kuliters na ito parang kinikilig pa. "Ikaw talaga, mamaya madevelop ka na nyan ulit sa akin eh. Ganyan ba talaga ako kahalaga sa'yo?"

Nakisingit naman ako sa usapan at hinarap yung Abby na yun. "Hoy, kapag ba sinabihan ka ng INGAT KA ibig sabihin mahalaga ka na? Di ba pwedeng alam lng nya na TATANGA-TANGA ka lang ha?"

Hinawakan naman ako ni Kei sa balikat. "Tabby, masakit yung sinabi mo, bawiin mo nga."

"Ayoko nga." sabi ko naman.

That Abby chuckled. "Okay lang, nasasanay na naman din ako kay Tabby eh, at saka kung hindi mo nga maitatanong, gustong-gusto ko yang mga pagmamaldita ni Tabby. Sige na, oh siya, mauna na ako. Kahit 'wag mo na akong samahan Tabby, kaya ko naman ang sarili ko."

"Okay fine, buti naman." sagot ko sa kanya.

"Ngek, akala ko naman mag-iinsist ka pa." sabi niya naman sa akin.

Aba! Ang kapal din ng mukha neto ah. "Sinabi mo 'wag na kitang samahan, kaya ayan. Bakit pa kita pipilitin diba?"

Nagtaas naman si Kei ng kamay niya. "Ako na lang ang sasama sa'yo Gail."

Hinawakan ko naman sa mga braso niya si Abby. "PLEASE AKO NA LANG ANG SASAMA SA'YO. Gustong-gusto kitang samahan, nag-aalala kase ako sa'yo, kaya kung maari lang pakiusap sasamahan na kita. Okay? Halika na!" tapos hinila ko na siya palabas. "Kei dyan ka lang mag-uusap tayo ah!"

"Bye Kei!" sabi naman ni Abby. Lumabas na kami at sumakay ng kotse. Nagpa-drive ako kay Manong, papuntang MRT station.

Tumingin naman si Abby sa akin. "Salamat Tabby ah. Grabe, nagulat talaga ako na nandun sa bahay niyo si Kei."

May napansin ako sa kanya. Sa lahat kase ng nakakakilala sa totoong pagkatao ni Kei, siya lang yung hindi 'Kevin' ang tawag sa kanya. "Bakit... bakit Kei tawag mo kay Kei? Hindi Kevin?"

Nakangiti pa rin siya sa akin. "Kase ako ang nagbigay sa kanya ng palayaw na Kei eh. Para maiba naman."

Ahhh siya pala. Kaya naman pala. Kaya pala ang baho ng pangalang Kei.

"Oo nga pala, Tabby, masaya din ako na sa wakas naging magkaibigan na tayo." sabi niya sa masayang boses. Gusto ko sanang humirit na hindi naman kami magkaibigan akala niya lang pero nagsalita na siya agad. "Alam mo, dati nung last year at bago magbakasyon, napaka-mahiyain kong tao. Feeling ko kase ang pangit ko kaya lagi kong tinatakpan ng bangs ang mukha ko. Wala pa akong kaibigan... walang tiwala sa sarili. Pero nung nakita kita, lalo na nung school pageant, humanga ako sa tapang mo, Tabby. Humanga ako and at the same time naiinggit ako sa'yo... kase ikaw, may tiwala ka sa sarili mo. Matapang ka... hindi katulad ko."

Pareho kaming natahimik. And finally, nagsalita na ako. "Hanga din ako sa tapang mo, sa tapang mo na harapin na sa wakas ang mga takot mo sa sasabihin ng iba. Hanga ako na naglakas ka ng loob para ipakita ang sarili mo sa amin... sa akin."

Nagniningning ang mga mata niya. "Tabby.... maraming salamat ah! Idol talaga kita! Kase, kase isa kang magandang ehemplo sa mga taong hindi biniyayaan sa physical attributes! Na kahit nagkulang ka sa panlabas eh dapat hindi ka pa rin matakot sa sasabihin ng iba at pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo."

Binatukan ko siya. Napa-aray naman siya. Sabi ko, "Anong pinagsasabi mo dyang hindi biniyayaan ng physical attributes?! FYI no, sexy kaya ako!"

Tumawa naman siya. "Sabi ko nga sexy ka eh. Hahaha!"

Nangiti na lang din ako. Mabait naman pala 'tong babaeng ito... kaya hindi na ako nagtataka ba't siya naging puppy love ni Kei. Eh ako kaya... ba't ako nagustuhan ni Kei eh hindi naman ako mabait? Maganda lang ako. Sexy. Pero aaminin ko hindi ako mabait.

"Sige, dito na ako. Salamat talaga Tabby ah, ang bait mo talaga, kahit minsan hindi halata!" sabi niya at bumaba na ng kotse. Tumakbo siya kaagad kaya hindi ko na nahabol para bigyan ng batok.

Nakauwi na ako ng bahay. Ang galing ah, nandun pa rin si Kei sa pwesto niya kanina. Hinihintay niya nga talaga ako.

"Tabby! Anong pag-uusapan natin?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko siya. Kakaiba din talaga 'tong lalakeng ito no. Kung titignan mo siya, parang hindi naman siya yung tipo ng lalake na magkakagusto sa isang mataba---- este sexy na katulad ko.

"Wala, sasabihin ko lang sana na ang panget mo." tapos iniwan ko na siya at umakyat ng kwarto. Nagsisigaw pa siya doon na pinaghintay ko pa daw siya tapos yun lang pala sasabihin ko. Natatawa na lang ako.

Umupo ako ng kama ko at biglang nag-ring yung cellphone ko. Napatingin ako sa caller ID at si Greg pala yung tumatawag.

Hmm? Bakit kaya?

"Hello?" sagot ko sa kanya.

"T-tabby... hello... tulungan mo ko dali. S-si... Sila Allison at... Daphne, eto nagsasabunutan dito sa labas ng school niyo...."

Napa-facepalm naman ako. So bakit ako pinapapunta doon ni Greg? Anong gusto niya mag-referee ako sa dalawa? Nako naman, nang-iistorbo pa eh!

Wala na rin naman akong nagawa kaya bumaba na ako at nagpa-drive kay manong. Sumama pa si Kei. Malapit lang yung school kaya naabutan ko pa sila Allison at Daphne na nagsasabunutan sa labas ng school. Ang dami ngang nanunood sa kanilang mga tsismosa eh, pinpicturan pa pang-Instagram. Nako naman. Sumingit ako sa madla at hinarap yung dalawa.

"Hoy kayo! Sa susunod, pag may ganyang mga away, invite niyo ako! Hindi yung nagsasarili kayo dyan." nilusob ko sila at pinagtutulak yung dalawa, para mapaghiwalay. Sinalo naman ni Greg si Ally at yung unidentified creature.... este ex ni Allison na boyfriend na ngayon ni Daphne sinalo siya.

Ako naman medyo na-out of balanced din dahil sa lakas ng impact sa pagkakatulak sa kanila, at sinalo naman ako ni Kei kaso nahulog lang kaming dalawa.

"Tabby.... ang bigat mo eh..." sabi ni Kei na parang hindi na makahinga.

Tumayo ako kaagad. "Sorry sorry." sabi ko sa kanya at inalayan siyang tumayo. Hinarap ko naman yung dalawa na parang mga tigre sa galit, tapos hinahawakan sila ng mga boyfriend nila para hindi na sila magkalapit.

"Kayong dalawa! Hindi na kayo nahiya eh no? Dito pa talaga kayo nag-away! Nako, pwede naman sa mall, mas marami pa kayong audience doon."

"Tabby, pipigilan mo nga sila diba?" sabi sa akin ni Greg.

"Ay oo nga pala... umm, hey, stop! In the name of love!" Hindi pa rin sila nagtitigil sa pilit na paglapit sa isa. "Stop! In the name of Prada!" pero hindi pa rin sila tumigil. Ay ayaw ata ng Prada. "In the name of Chanel!" Ayaw pa rin.

Finally sumigaw na ako. "STOP! IN THE NAME OF MY KAGUTUMAN! MAG-AWAY PA KAYO DYAN KAKATAYIN KO YANG UNIDENTIFIED CREATURE NA ALLEN NA YAN!"

Natigilan silang dalawa. Kumalma na si Allison at si Daphne naman nakairap na lang.

"Ano bang pinag-aawayan niyo ah? Yang mukhang hardinero na yan? My goodness ah! Eh any similarity between a human being and that guy nga is purely coincidental! Tignan niyo nga yung itsura, yan pa ang pag-aagawan niyo ah!"

Nagsitawanan naman yung mga tsismosa doon. Tapos napansin ko na si Allison at Daphne nakatingin na ng masama sa akin.

"Ehehe.... Kei..." napalingon ako at wala na si Kei. Walang hiya talaga yun!!!!

"SUGOOOOOOOOOD!!!" parehong sigaw nila Daphne at Allison na papatakbo papunta sa akin.

Ano ba yan.... sabi na nga ba mahirap maging good samaritan eh.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 118K 84
[MJS BOOK 3] JD wants revenge for what they did to Rina. But, as the new page of their story begins, someone from his past will come back and will ru...
14.1K 592 14
To become an 'OPTION' is a choice. 'Yong tipong ginagawa kang isang produktong pagpipilian sa isang mall kahit hindi ka naman naka-sale? Option ang t...
34.8K 7.7K 24
The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 2 Si Cyril Dagohoy, also known as Cara Dubleda, ay isa sa pinakasikat, in-demand at magagaling na androgynous mode...
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...