Bloodless War

Por bxmillicent

164K 3.7K 263

Dela Vega series #1 (MAJOR EDITING!!) cover picture not mine, credits to the rightful owner. Más

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
EPILOGUE

Chapter 40

2K 45 6
Por bxmillicent

Chapter 40




Sera's Point of View




"Sera my friends are asking if you want to attend the upcoming fashion week? Sa Paris daw ulit gaganapin.."   tanong ng pinsan kong si Humphrey.


Itinigil ko ang pag browse ko sa laptop at sinulyapan si Humphrey. Hawak niya ang cellphone niya habang nakatopless at tanging sweatpants lang ang suot. Kakagaling lang yata ng isang 'to sa gym at dito agad dumeretso sa kwarto ko.

"I told you Humpy...okay na 'yong tatlong beses. Masyado na akong abala ngayon."     sumimangot ang pinsan ko.

"Ako ang kinukulit nila Sera...can you please accept it and save me?"  muli akong umiling.

"Ako na ang kakausap sa mga kaibigan mo para hindi kana kulitin. Ayos na ba?"    doon naman nagliwanag ang mukha niya.

"Mabuti naman..naiirita na kasi talaga ako sa pangungulit nila."   kumento niya kaya natawa ako.

Ano bang bago sa pagiging mainisin ng isang 'to? Meet the most grumpy Cordova living...Humphrey Jax Cordova!

"Grumpy Humphrey! I think you need a girlfriend..kulang ka sa lambing."     natatawang sambit ko. Napailing naman siya.

"Who needs girlfriend? Sakit lang sa ulo ang mga babae.."     sambit nito kaya naningkit ang mata ko.

"Do you want to fucking die, Humpy?"   

"Whatever."    tumalikod na siya pero muli nanaman akong nilingon.  "Also, can you please stop calling me Humpy? It's Jax, Sera!"  

Inirapan ko siya at binalik ang tingin sa laptop ko.


"Whatever you say."    tanging sagot ko. Saglit niya pa akong sinamaan ng tingin bago bumuntong hininga at umalis na.


Ngayon nalang ulit ako nag bukas ng account ko simula nang dumating ako rito sa States. At talagang nalula ako sa dami ng notification sa account ko! Kahit na ang instagram account ko ay binaha rin ng messages at followers request! Tatlong beses lang naman akong sumali sa fashion week ng ilang sikat na designer, pero hindi ko alam na magiging ganito ako ka-sikat agad. Dahil siguro doon sa huling fashion week na dinaluhan ko sa Paris? Simula kasi 'non ay marami nang agency ang nag-alok sa'kin, hindi lang sa pagmomodelo kundi pagiging artista narin..

Hinanap ko ang pangalan ng kaibigan ni Humphrey na isang sikat na designer para sabihing hindi na ako maaring makasali ulit dahil babalik na ako sa Pilipinas. Pagkatapos kong mag-iwan ng message ay nilog-out ko na ang account ko at lumabas na ng kwarto.


Ilang taon na ba ang lumipas? Five years? At sa limang taon na 'yon ay naging maayos ang buhay ko rito kasama ang pamilya ko. Si tita Sam, itinuring na akong sarili niyang anak, ganon din si tito Levi. Sa limang taon din na 'yon ay wala na akong naging balita pa kay Eros.. Naging abala ako sa pag tupad ng pangarap ko at ngayon na ayos na ako, siguro oras na para bumalik sa Pilipinas para tulungan si tito Levi at Leon sa pag-aasikaso sa kompanya namin.


Bumaba ako at naabutan ang dalawang pinsan ko na abala makipaglaro kay Zen. Si tita Sam naman ay paniguradong nagbebake nanaman ng cookies dahil iyon ang paboritong meryenda ni Zen.


Nang tuluyang makababa ng hagdan, doon lang napatingin sa'kin si Zen. Agad na lumiwanag ang mukha niya at malawak na ngumiti kaya kitang-kita ang one seat apart niyang ngipin..


"Mimi!"     masayang sigaw ni Zen bago binitiwan ang laruan na bigay ng pinsan kong si Leon, at tumakbo palapit sa'kin.


Bahagya akong yumuko para buhatin si Zen at pupugin ng halik ang malambot nitong pisngi.

"How's my baby boy?"   tanong ko habang pinanggigigilan siya ng halik. Tawa naman nang tawa si Zen dahil malakas ang kiliti nito sa leeg.

"We are playing Sera, abala ka."   reklamo ni Leon kaya nginisihan ko siya.

"Gumawa ka narin ng anak para may kalaro ka."    pang-aasar ko. Kinuha ko ang laruan na nasa sahig at ibinigay kay Zen na karga ko.

"Paanong gagawa eh wala na ngang girlfriend 'yan? Balita ko tinanggihan ni Selene 'yong proposal mo ah?"   

Nandilat ang mata ko sa sinabi ni Humphrey. Nang lingunin ko si Leon ay busangot na ang mukha nito. Si Selene ang long term girlfriend nitong si Leon.

"Really? The conceited Leon Cordova got rejected?? Oh my gosh! Kailangan kong mag paparty!"    natatawang sambit ko 

"Nasaan na ang pinagmamalaki mong patay na patay sa'yo si Selene? Ano? Ikaw pa ngayon ang tinanggihan!"    pang-aasar ko pa.

Paano ba naman kasi, palagi niyang pinagmamayabang na hindi siya iiwan ni Selene dahil palagi itong naghahabol sa kanya, kahit noong nag-aaral pa sila. Pinagsabihan ko na siya na pwede ring mapagod si Selene kakahabol sa kanya pero hindi siya nakinig...ayan tuloy!


"Shut up Sera!"    ibis nitong sigaw at kinuha si Zen mula sa'kin. Sumama naman agad ang anak ko dahil sobrang malapit si Zen kay Humphrey at Leon.

Umupo ako sa tabi ni Humphrey habang si Leon ay hinehele si Zen. Maaga kasing nagising ang batang 'yan kaya paniguradong aantukin agad siya.

My baby Zen is turning 5 years old next month. Napagdesisyunan ko ring umuwi na sa Pilipinas para doon ganapin ang birthday niya. Wala pang ilang minuto ay nakatulog na si Zen kaya tumabi sa'kin si Leon habang kalong niya ang anak ko.

"You know...he looks like his father."    seryosong sambit ni Leon bago siya lumingon sa'kin.

"Yeah. Noong una kamukha siya ni Sera pero habang lumalaki..."   dagdag pa ni Humphrey. Nagkibit balikat ako.

Of course..Zen is Eros dela Vega's son! Ilang linggo matapos kaming makarating dito ay nalaman kong buntis ako...Syempre natakot ako noong una dahil walang tatayong ama sa magiging anak ko, pero naisip ko rin na hindi niya naman kailangan ng ama dahil nandito ako. Nandito rin ang mga pinsan ko at sina tito Levi at tita Sam. Kaya hindi ako nahirapan sa pagbubuntis ko. Nagawa ko pa ngang umattend sa tatlong magkakasunod ba fashion show kahit na buntis ako eh. Tumigil lang ako nang medyo lumaki na ang tiyan ko at hindi na kayang itago.

Naging masaya ang pagbubuntis ko dahil pakiramdam ko, nabigyan ulit ako ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay ko. Tinulungan ako ng mga pinsan ko at pati na ni Carlos. Sa Paris kasi ginanap ang huling fashion show na pinuntahan ko at saktong nandoon si Carlos. Magmula noon ay lagi na kaming nagkikita at bumili rin siya ng bahay dito sa States para raw mas malapit sa'kin. Alam niya rin na buntis ako at nakakatawa pa na inako niya ang responsibilidad na dapat kay Eros.

Carlos Roberts is very kind and loving person. Hindi siya mahirap pakisamahan dahil sa masiyahin nitong personalidad. He also came from a wealthy family. Carlos is a filthy rich guy from France! Sinong magaakala na ang nakatabi kong lalaki sa bus, at nakasama kong mag tampisaw sa dagat ay sobrang yaman pala? Hindi nalalayo sa'min ang estado ng buhay niya pero mas pinipili niya paring mamuhay malayo sa karangyaan.


"Anong gagawin mo kapag hinanap na ni Zen ang tunay niyang ama??"    nag-aalalang tanong ni Leon.

"Zen has a father. Si Carlos na ang kinikilala niyang ama."    seryosong sambit ko.


"Come on, Sera...you cannot change the fact that he's still a dela Vega! Satingin mo ba kapag nakita ni Eros si Hades, maniniwala 'yong anak niyo ni Carlos 'yan??"  


Napanguso ako dahil sa sinabi niya. My son is like a carbon copy of his father. Mahaba nga lang ang buhok ni Zen kagaya kay Carlos dahil natatakot ako na kapag ginupitan ng buhok ang anak ko, mas lalong maging kamukha ni Eros..



"Ewan ko..bahala na! Hindi naman na siguro sila magkikita diba? Sobrang laki ng Pilipinas para magkita pa sila..atsaka sa hacienda kami tutuloy ni Zen kasama si Carlos."   


Bahagyang gumalaw si Zen kaya tinapik siya ni Leon para hindi magising. Si Humphrey naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan namin ni Leon.


"Isa pa 'yan...break up with that guy Sera. May masama akong kutob sa lalaking 'yon eh.."    he said.


Napahilamos na ako sa mukha ko dahil ayan nanaman siya. Simula nung naging boyfriend ko si Carlos ay palagi niya nalang sinasabing hindi maganda ang pakiramdam niya kay Carlos. Ewan ko ba sa lalaking 'yan! Ganyan yata kapag unang beses ma-reject?



"I hate to say this but.."     biglang nagsalita si Humphrey kaya napalingon kami sa kanya.



"Kuya was right. Hindi rin maganda ang kutob ko kay Carlos."    sambit nito dahilan para matigilan ako.



Minsan lang mag bigay ng opinion si Humphrey pero asahan mo, palaging tumatama ang mga sinasabi niya!



"See? I told you! Kahit na si Humphrey naramdaman 'yon!"   nandidilat ang mata ni Leon.  "Break up with him and get back with Eros!"  


Ako naman ang nandilat ang mata ngayon. Talaga bang nahihibang na 'tong si Leon?? Damn!


"What the fuck are you saying stupid motherfucker?"     mahina pero mariin kong bulong sa kanya. Nagkibit balikat naman siya.



"Noong una ayaw mo kay Eros tapos ngayon...tinutulak mo ako para balikan siya? Hibang kana ba??"   hindi makapaniwalang tanong ko.


Tumayo na siya habang buhat ang anak ko.


"Basta iwan mo na 'yong si Carlos bago tayo bumalik sa Pinas!"    iyon ang huling sinabi niya bago umalis at pumunta sa kwarto ni Zen.


Sigurado akong duon din siya matutulog katabi si Zen. Talaga kasing mahilig sa bata si Leon kaya nang dumating si Zen sa buhay namin, hindi pwedeng lumipas ang isang araw na hindi siya didikit sa anak ko. Ganoon din naman si Zen sa kanilang dalawa ni Humphrey.


Tumayo na rin si Humphrey pero bago siya umalis ay may sinabi pa ito na kinakunot ng noo ko.



"He's waiting for you Sera. Five years is enough...it's time for you to get back." 



Kinabukasan ay niyaya ako ni Carlos umalis dahil birthday daw nang kaibigan niya na may-ari ng isang sikat na bar dito sa States. Ayaw ko man sana pero wala akong nagawa dahil sa pagpupumilit ni Carlos.


Ang dalawang pinsan ko ang naiwan sa pagbabantay kay Zen at bago pa ako umalis ay muli nanaman akong pinaalalahanan ni Leon.


"Break up with him Sera."     seryosong sambit nito habang hawak ang robot na laruan ni Zen.


Tumango nalang ako at tinulak na siya papasok sa loob dahil lumabas na sa sasakyan si Carlos. As usual, sinalubong nanaman ako ng ngiti at halik ni Carlos.


"I missed you babe."    bulong nito at pinagbuksan ako ng sasakyan. Matamis naman akong ngumiti sa kanya.


"I missed you too Carlos."    tanging sagot ko. Ngumiti sa'kin si Carlos bago sinara ang pinto at naglakad na papunta sa driver's seat.


"How's our baby Zen? Nagpadala ako ng mga bagong damit para sa kanya kahapon, nakita mo ba??"   bahagya akong sinulyapan ni Carlos bago muling ibinalik ang tingin sa daan.


"Yeah, i've seen it. Sinuot agad ni Zen 'yong pang tulog..."   nakangiting sambit ko.  "Thank you Carlos pero sobrang daming damit na ni Zen..you're spoiling him too much."    dagdag ko pa.


Kada-linggo nalang kasi ay binibilhan niya ng mga damit o laruan si Zen. Ayoko namang lumaking sunod sa luho ang anak ko..


Natawa si Carlos at inabot ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko habang nasa daan ang tingin.


"Baka lumaking spoiled si Zen.."   sambit ko pa.


"Hmm...Zen is a smart boy. At alam kong maayos ang pagpapalaki mo sa kanya kaya eag kang mag-alala."   Carlos said.


"Zen will become a good and loving man someday..just like me."    he said cheerfully.


Buong byahe ay napag-usapan namin ang plano kong pag-uwi sa Pilipinas. Nakwento niya rin na nagkaroon ng problema sa konpanya nila kaya baka maging abala siya sa mga susunod na araw..nabanggit niya rin sa'kin ang pagpapakasal. Isang taon na siyang nagpaplano tungkol sa kasal namin pero hanggang ngayon, nagdadalawang isip parin ako. Dalawang taon na kaming magkarelasyon ni Carlos pero hanggang ngayon, hindi parin ako sigurado kung gusto kong itawid ang relasyon namin sa kasalan.


He's a great man. Pero hindi pa ako handang pakasalan siya...Nakakatawang isipin na sa dalawang taon na 'yon, kahit isang beses ay wala pang nangyari sa'min. Tanging halik lang sa pisngi, labi at yakap ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo dahil sabi niya, handa niya akong hintayin.


Nakarating kami sa pupuntahan namin bar na hindi maalis sa isip ko ang kasal na sinasabi ni Carlos. Matagal ko nang naipaabot sa pinsan kong si Leon ang annulment papers namin ni Eros at sigurado akong napirmahan niya na 'yon kaya matagal na kaming tapos....pero kapag naiisip kong magpapakasal ulit ako sa ibang lalaki, pakiramdam ko nagtataksil ako kay Eros...


"Happy birthday dude!"    bati ni Carlos sa kaibigan niya.


Pinilit kong alisin ang gulo sa utak ko at ngumiti sa mga kaibigan ni Carlos. Dahil nasa vip section kami, hindi gaanong magulo sa lugar na'to kumpara sa baba kanina..


"This is Sera Raven.."   nilingon ako ni Carlos at hinalikan muli ang likod ng palad ko.   "My gorgeous fiancee."   sambit nito.


Tinukso kami ng mga kaibigan niyang naroon kaya naiilang nalang akong ngumiti..


"Happy birthday."    bati ko sa kaibigan niya na sa pagkakatanda ko, Yves ang pangalan.


"Carlos was right. You're gorgeous miss."    sambit ni Yves.   "By the way thank you. I hope you'll enjoy the party.."   kinindatan niya pa ako bago umalis para puntahan ang mga bisita na bagong dating.


Nawala sa tabi ko si Carlos at nakita kong hila siya ng isang babae papunta sa pinakadulong table. Malalakas ang taeanan ng mga lalaking nandoon sa dulong table at ang dalawang babae naman ay nakangisi sa'kin.


Binalewala ko nalang sila at naghanap ng pwesto na satingin ko ay magiging komportable ako. Masyadong malaki itong vip section kumpara sa ibang bar na napuntahan ko dati. Inalok ako ng vodka noong bartender na dumating at dahil wala akong magawa, kinuha ko. Mayroon naman buffet area pero wala akong gana kumain kaya iinom nalang ako ng kaunti.


Sinulyapan ko ulit ang kinaroroonan nila Carlos at hindi maiwasang mainis. Hindi dahil nakapulupot sa kanya ang babaeng na sa pagkakatanda ko, isang sikat na modelo rin, naiinis ako dahil alam niya namang wala akong kilala sa party na 'to pero iniwan niya ako rito. Bumuntong hininga ako at ininom ang kalahati ng vodka na nasa baso ko.


Dapat pala ay hindi nalang ako sumama at nakipaglaro nalang kay Zen sa bahay. Hmm, maghihintay nalang ako ng ilang minuto at pagkatapos ay magpapaalam na akong umuwi. Papayag naman siguro si Carlos diba? Uh, well, kahit hindi naman siya pumayag, wala akong pakialam. Uuwi parin ako.


Halos kalahating oras na ang lumipat at  naubos ko na ang vodka na nasa baso ko. Sakto namang dumating na si Carlos. Amoy na amoy ko agad ang alak sa kanya at pansin din ang pamumula ng pisngi niya.


"Jesus, babe.. Ayaw nila akong paalisin 'don hangga't hindi ko naiinom ang kalahating bote ng alak."    bulong nito at hibapit ang bewang ko. Sumiksik pa siya maigi sa'kin hanggang sa nakasubsob na ang mukha niya sa leeg ko.



"Huwag kang tumungo, Carlos. Lalo kang mahihilo niyan.."    sinubukan kong iayos ang upo niya.


Carlos is not a heavy drinker. Mababa ang alcohol tolerance niya kaya mabilis siyang malasing..


Imbis na umayos ay ipinulupot niya pa ang braso niya sa baywang ko. Nilingon ko ang paligid at may kani-kanyang mga mundo na ang narito. May iilan pang naghahalikan na sa dilim habang maingay ang tugtog at may usok galing sa vape at sigarilyo.


Dunarami narin ang nagsasayawan kaya nagiging magulo na ang paligid kumpara kanina.


Nabalik ako sa ulirat ko nang maramdaman haplos ni Carlos sa hita ko. Bahagya niya ring hinahalikan ang leeg ko dahilan para makaramdam ako ng kaunting irita.


"Carlos..lasing kana.."    sambit ko habang pinipilit alisin ang kamay niya sa hita ko.


Isang maroon fitted dress na above the knee ang suot ko kaya kapag umuupo, ay umiiksi ito hanggang kalahati ng hita.


"No, i'm not...masama bang halikan ang fiancee ko?"   namumungay na ang mata niya.


Bumuntong hininga ako.   "Hindi..but we're on a public area, Carlos..PDA is not my thing."    sambit ko. Umismid naman siya.


"It's not your thing? Tss..ayaw mo lang talaga sa'kin. You're still inlove with that fucker right?"   nang lingunin niya ako ay bakas ang galit sa mata niya.


Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kaba sa paraan ng tingin niya. Para bang may ibang laman yung galit niya...parang may ibang pinanghuhugutan..



"I want to kill him..."    sambit nito kaya natigilan ako.


Sa isang iglap ay nawala ang Carlos na nakilala ko...nagbago ang ekspresyon niya na para bang malayo sa Carlos na alam ko..


"And I want you to witness his death.."


I felt a sudden pain in my heart because of what he said.

Seguir leyendo

También te gustarán

6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
315K 10.1K 45
Gideon Aries • Aliyah Franchesca Highest Rank Achieved: #1 in Academy #25 in Mystery #7 in Action #7 in Teen-fiction
41.5K 1.1K 40
Normal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa...
11K 335 55
The moon is what define us, werewolves! Moon gives abilities and be extraordinary. I use to believe that the moon is enough to make me feel alive. A...