Taming The Bad Boy [Complete]...

By PrincessInJeans

1.3M 19.9K 2K

[Formerly : Taming The Casanova Gangster] He is a jerk. I was naive. Our love was wicked. And this is our st... More

Prologue
Introduction
Chapter 1 [Manong Manyakis]
Chapter 2 [The Deal]
Chapter 3 [The Playboy vs. The Amazona]
Chapter 4 [How to Tame a Casanova]
Chapter 5 [Secrets]
Chapter 6 [I'm sorry]
Chapter 7 [The Nerd and The Playboy]
Chapter 8.1 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 8.2 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 9 [Si Voldemort at si Kuya Payong]
Chapter 10 [Enzo Who?]
Chapter 11 [WHAAAAT?!]
Chapter 12 [Dwaeji.]
Chapter 13 [Nagseselos nga.]
Chapter 14 [Not so happy birthday]
Chapter 15 [Love and Friendship]
Chapter 16 [Heartbreak]
Chapter 17 [Truth]
Chapter 18 [Win His Heart]
Chapter 19 [End of the Day]
Chapter 20 [Nagpapapansin]
Chapter 21 [Can I kiss you?]
Chapter 22.1 [Bestfriend]
Chapter 22.2 [Bestfriend]
Chapter 23 [Mutual Feelings]
Chapter 24 [Daddy's girl]
Chapter 25 [Last Goodbye]
Side Story [Keeping Faith]
Introduction [Part Two]
Chapter 26 [Home]
Chapter 27 [Damn you]
Chapter 28 [Still the same]
Chapter 29 [Game On]
Chapter 31 [Push and Pull]
Chapter 32 [Smile More]
Chapter 33 [I'll chase you]
Chapter 34 [I'm not sorry]
Chapter 35 [Stay]
Chapter 36 [Against everything]
Chapter 37 [Let you go]
Chapter 38 [Get over you]
Chapter 39.1 [Andrea Wilson]
Chapter 39.2 [Andrea Wilson]
Chapter 40 [That Lingering Feeling]
Chapter 41 [Let's end this]
Chapter 42 [Wait for me]
Chapter 43 [Strangers]
Chapter 44 [Meant to be]
Epilogue

Chapter 30 [It's Different]

21.5K 312 16
By PrincessInJeans

Hindi ako makapagdedicate sa phone kaya ihahabol ko na lang yung dedications :-/

Chapter 30

[It's Different]

< Justin's POV >

"Papunta ka ngayon sa bahay nina Pia at James?" tanong ni Eli mula sa kabilang linya. Binaba ko yung cellphone ko at niloudspeaker bago sinimulang paandarin yung kotse ko.

"Yep." Napangisi ako nung naalala ko yung usapan namin ni James kagabi. Buti na lang kilalang kilala ko yung loko na yun. Sobrang daldal nun pag nalalasing e. Hahaha. Kaya 'yon, nacorner ko kagabi.

Pero ang mas mahalaga... alam ko na ngayon na hindi siya boyfriend ni Pia at na hindi nila anak si PJ. Takte, halos tumalon na ko sa tuwa kagabi nung malaman ko yun. May pag-asa na ko.. na maitama yung mga mali ko. Na magawa yung mga dapat ginawa ko noon pa.

"So... sasabihin mo na ba sa kanya yung nangyari dati?"

"Anong ibig mong sabihin, Eli?"

"You know what I mean. The reason kung bakit ka umalis noon nung nasa ospital si Pia--"

"Nope. Hindi na. Tapos na yun. A-ayoko nang ibalik pa."

"But Justin--"

Ngumiti ako sa kawalan. "Sasabihin ko kay Pia kung handa na siyang makinig."

"Hay Justin. I'm really worried about the two of you. This is all my fault. Kung di ako tumawag sa'yo nung araw na yun--"

"Babatukan kita, Eli. Ang kulit. Di mo nga sabi kasalanan yun e."

"Fine. Sige, I have to go. Sinesermunan na ko ni Zac dahil kasi late na kami sa appointment ko sa ob-gyn. > 3<"

"Hahaha. Ayan, pakabait ka kasi. Sige, bye!"

"Bye!"

* * *

"Bakit ka nandito?!" Nakapamewang at nakabusangot na salubong sakin ni Pia pagpasok ko sa bahay nina James, na bahay na rin pala nina Pia ngayon.

"May dala akong cake." Ngumisi ako sa kanya habang tinataas yung dala kong chocolate cake na alam kong paborito niya. Napalunok siya at agad na kinuha yung cake sa kamay ko bago niya ko ulit sinungitan. Hahaha. Kung may isang bagay pala na hindi nagbabago sa Rian na nakilala ko ay yung katakawan niya. Haha.

"Bakit ka nga nandito, ha? Anong masamang hanging nagdala sa'yo? Sorry, wala ako sa mood ngayon kaya chuuuuupi!" Gusto kong kurutin yung pisngi ni Pia. Ang cute pag nagagalit e. Haha.

Tinaas ko yung mga kilay ko. "Si James naman yung dinadalaw ko, hindi ikaw. Pero okay lang din kung gusto mo pala kong solohin." Ngumisi ako lalo nung mamula yung buong mukha ni Pia.

"S-sabi ko n-nga! Sinabi ko bang hindi? Excuse me, kakain lang ako. PJ, tara!" Tapos hinatak niya si PJ papunta dun sa pagkakatanda ko ay kusina.

"Bakit ang init ng ulo nun?" taka kong tanong kay James na nakatunganga lang sa gilid.

"Dumating ka kasi. Ganyan talaga." Umiiling iling siya habang nakangiti.

"Langya, harsh mo masyado. Ouch p're ah?"

"No problem."

Binatukan ko si James at umupo sa tabi niya sa sofa. Laking tulong sa buhay e. -_-

"Oy James..." Lumingon ako sa may kusina at nagpatuloy nung makita kong mukhang hindi naman babalik si Pia dito sa may sala. "Si Pia ba.. galit pa ba siya sakin?"

"Kung galit as in.. sinusumpa ka pa din niya at gustong gusto ka pa rin nyang sakalin sa tuwing makikita ka? Yep, galit pa din siya sa'yo." Tapos tumawa ng malakas si James. -.- "Ow! Hahahaha!" Anong nangyari? Ayun, sinikmuraan ko yung loko. Mahina lang naman. Obvious naman kasi hindi man lang siya natinag sa pagtawa.

"Seryoso kasi!"

"Huy, seryoso kaya ako. Aba, mukha bang mabait si Pia sa'yo? Hindi naman ah. Haha."

Napangiwi ako. "Ibig sabihin.. yung kagabi, balak niyang gumanti sa'kin, ano?"

"Ops. Sorry. Sarado ang bibig ko diyan. Loyal ako kay Chief. At ang chief ko ay si Pia."

"Wala ka namang natutulong eh!"

"Aba, aba. Sapakin kaya kita dyan? Kung di dahil sakin, wala ka rito sa bahay namin!"

"Aish. Sabi ko nga."

Ngumisi ulit si James. "Tinutulungan kita ngayon kasi gusto kong tulungan si Pia na marealize kung ano ba talagang nararamdaman niya. Pero, langya lang, Justin.. wag mo na ulit sasaktan si Pia at tanggapin mo kung anong magiging desisyon niya sa huli kahit pa hindi ikaw yung piliin niya. Kasi sinasabi ko sa'yo, hindi ko na hahayaang masaktan siya ulit tulad ng dati. Ano pa't naging parang kuya na niya ko ngayon?"

Napapikit ako. Kahit naman ako, gusto kong bugbugin yung sarili ko kapag naaalala ko yung mga pinaggagagawa ko dati, yung sakit na naibigay ko kay Pia, lahat ng luha na iniyak niya dahil sa mga kalokohan ko. Kahit ako, hindi ko na hahayaang masaktan ulit si Pia. Kahit pa gamitin niya ko at paghigantihan. Kahit pa iparamdam niya sakin lahat ng sakit na naramdaman niya noon. Ayos lang... ganun yung nararamdaman kay Pia. I love her and I fckin hate my self for hurting her before.

"Hindi ko na ulit sasaktan si Pia. I freaking love her, James. Hindi na ko katulad ng kung ano ako five years ago, a selfish and stupid bastard. Yung nararamdaman ko kay Pia.. it's different. I want to protect her and make her happy, alam mo ba yung pakiramdam na yun? Gusto ko... gusto kong mawala na lahat ng galit at sakit sa puso niya because looking at her now, alam kong kahit pagkatapos ng limang taon, hindi pa rin siya okay. Gusto kong bumalik yung dating Pia na nakilala ko. Yung ngiti niya na inosente at sobrang saya. I want to see her completely happy again even if it means na kailangan niya kong saktan in the process. Kahit pa gantihan niya ko at kunin nya lahat sakin. Okay lang, because I'm deeply and totally inlove with her. And it sucks how much I've hurt the one I love before."

"Alam ko, Justin. Because I was inlove with her. I used to be inlove with Pia."

Bigla akong napaayos ng upo at napatingin kay James. "A-ano?"

Tumayo si James at nag-unat bago nakangising tumingin sakin. "Oo nga pala, pare. Totoong may boyfriend si Pia. Nasa Cali siya ngayon pero malamang ay susunod na rin yun dito kaya kung didiskarte ka, bilis-bilisan mo." Tapos dumiretso na siya sa kusina habang sumisigaw ng, "HOOOY PAHINGI NG CAKE. Hindi niyo ba narinig si Justin? Ako yung dinadalaw niya!"

W-what?

 * * *

< Sophia's POV >

Ano kayang pinag-usapan nila? Tungkol kaya sakin? Kanina lang pinagchichismisan ako nina Enzo at James tapos ngayon naman si James at Justin? Sheesh, do I even want to know the answer to that?

"Uuuuy, penge nga kasi ako! Ang dadaya niyo naman eh!" Nakangusong sabi ni James.

"Shoo. Go away. Balik ka na lang bukas." Pagsusungit ko sa kanya. May kasalanan pa siya sakin no. Sobrang daldal kasi!

"Ubos na kaya yan bukas!"

"That's the point! Hahaha."

"Tataba ka niyan lalo, Pia!"

"Excuse me, fyi, hindi ako tumataba dahil meron akong awesome na metabolism kaya sorry." Tapos nagbehlat ako kay James at nagpatuloy ako sa pagkain.

Tumabi sakin si James habang hinihila yung sleeve ng tshirt ko tapos nagpuppy eyes siya sakin. "Sorry naaaa. Alam ko namang nagtatampo ka sakin. Peace?"

Tinignan ko siya habang pilit na nagpapacute sa tabi ko. Hay, pasalamat siya malakas siya sakin! "Tumigil ka na nga. Hindi bagay sa'yo magpacute. Mukha kang aso."

"Asus. Aminin mo, nacucute-an ka naman talaga sakin kanina. Hahaha!" Pinanlakihan ko siya ng mata bago sumubo nung cake na dala ni Justin. "Huy, penge nga ko niyan sabi!" Tapos hinawakan niya yung kamay ko nung susubo ako ulit tapos siya yung sumubo nung kutsara. Ew, laway. Hahaha.

"Ehem." Napatingin kaming dalawa ni James skay Justin na kakapasok lang ng kusina. Nakanganga siyang nakatingin sa kamay ko na 'sinusubuan' pa din si James.

Binawi ko yung kutsara ko at kumain ulit habang tumawa naman sa tabi ko si James. "Tol, pakisara yung bibig. Baka pasukan ng langaw. Hahaha." Napairap ako pero pinigilan kong makitawa kay James. Loko kasi eh. Hahaha.

"Uhm, err, c-close talaga kayo?" tanong ni Justin habang umuupo sa tapat ko sa lamesa. Si James naman kumuha ng kutsara niya at nakikain sa cake sa plato ko. Baliw, di pa kumuha ng sarili niyang plato.

"Yep, four years na rin kaming magkakilala, bago pa ikasal yung parents namin. Business partners kasi sila before. And besides, mas matagal ko pa ngang nakasama si James sa'y--inyo nina Faith."

"Err, o-oo nga." Tumingin si Justin kay James tapos tumawa bigla si James, nabulunan pa siya sa kalokohan niya. Hm, ano kayang sinabi nito kay Justin?

"O, tubig!"

"Mimi, me too!"

"Here, baby." Sabay abot ko naman ng tubig kay PJ. Gahd, para akong may alagang dalawang bata. Umuubo pa din si James kaya hinagod ko na yung likod. "Ayan kasi, kalokohan mo din ano?"

"Ay *cough* wabyutu!"

"Whatever, James." Nakangiti kong sagot kay James.

"A-ahm.."

"Oh! Oo nga pala, you were saying Justin?"

Umiwas ng tingin si Justin. "Wala."

"Whooo. Nakahinga din!" --James.

Napatingin ako ulit sa kanya. "Para ka namang bata."

"Bata? Baby kamo! Baby-faced na, masarap pang alagaan parang baby!" Tinaas-taas ni James yung kilay niya kaya napatawa ako ng malakas.

"Ehem. Uh, una na pala ko." Biglang tumayo si Justin. "Bye," sabi niya bago tuluyang umalis.

Humalakhak si James. "Pikon talaga nun!"

"Okay..? Anong ginawa mo?"

"Secret." Tapos nag-evil smile siya.

==============================================

Nalito ako sa sarili kong plot. Watdahel. Hahahaha.

So.. medyo napatawad niyo na ba si Justin? Totoo kaya yung sinabi ni James or iniinis lang nya si Justin? Tanda nyo pa ba yung phone call na sinasabi ni Angeli from Chapter 24? Daming tanong e. Haha. XD

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.8M 7.2K 100
Here are the stories that you might love :))) These stories for me are the best ^___^♥♥♥ ♥New on wattpad? ♥Can't find a good stories to read? ♥Don't...
4.2M 104K 62
May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang...