Hunks Series5... SHANNON...Th...

By Emmz143

235K 8K 707

Romance More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Pre- Finale
Finale

Chapter 16

5.7K 232 22
By Emmz143

Hunks Series
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 16...

"Babeee!!!...Shannoooonnn!!.." parang wala sa sariling humahagulgol habang tumatakbong palapit si Aslea sa may kinaroroonan ng kotse ni Shannon at ni hindi niya alintana ang mga bosina ng mga sasakyang nakakasalubong niya.

"Miss, hindi po kayo pwedeng lumapit diyan dahil bawal po!.." maagap na pigil ng isang traffic enforcer kay Aslea.

"Gusto kong makita si Shannon, I want to see him, please let me go! Paraanin mo ako please, gusto ko siyang makita!.." ayaw paawat na sabi ni Aslea at pilit parin niyang isinisiksik ang sarili para makapasok ngunit maya maya ay nagsidatingan ang mga pulis at ambulansiya.

"Excuse me, tabi tabi po kayo dahil delikado po ang lagay ng biktima. Kailangang mailabas siya agad mula sa kanyang kotse para makita natin kung buhay pa ito o patay na!.." anang isang pulis at itinaboy ang mga umuusyo sa paligid.

"I want to see him, please sir, let me in!.." halos magmakaawa na si Aslea ngunit umiling lang ang pulis at pinapatabi si Aslea.

"Sorry po miss but, we're just doing our job! Ayaw namin na malagay sa alanganin ang lahat at kami ang masisisi sa bandang huli" tanging sagot ng pulis kaya walang nagawa si Aslea at kahit na nangangatog ang mga tuhod niya  sa takot , pangamba at pag aalala ay wala siyang magawa kundi ang dumaloy lang ang luha nito habang walang kakurap kurap na nakatitig sa kotse mi Shannon na nakataob at wasak na wasak..........."Oh Diyos ko! Iligtas Mo po si Shannon, iligtas Mo po ang mahal ko, ang ama ng baby ko dahil hindi ko kakayanin kong mawawala siya sa buhay ko! I need him, we need him!.." humihikbing samo ni Aslea.

Putlang putla ang mukha ni Ulysses dahil sa pagkabigla nito. Hindi niya lubos maisip na mauuwi sa trahedya ang lahat. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa palapit sa karamihan ng mga tao ngunit ng maalala niya si Aslea ay nagmamadali siyang lumapit doon.

Nang makalapit na siya ay napapikit pa siya ng makita sa malapitan ang itsura ng kinalabasan sa kotse ni Shannon. Panay kabog ang kanyang dibdib, sunud  sunod  ang  buntong hininga nito dahil pakiwari niya ay dinadaganan ng malalaking bato ang kanyang dibdib.

"Forgive me Lord, it's my fault!.." bulong niya sa kanyang isip habang nakamata sa mga rescuers na nakapaligid sa kotse ni Shannon.

"We got him!... Bring the stretcher here!.." sigaw ng isang rescuer kaya naman agad na dinala ang kailangan at maya maya pa ay nailabas ang katawan ni Shannon na naliligo sa sariling dugo at sa may ulo nito ay umaagos ang sariwang dugo at walang malay tao.

"Shannoonnn!!!....Babeeee!... Gumising ka pleaseee!!..." palahaw ni Aslea ng makita nito ang itsura ni Shannon.

"Miss, bawal pong lumapit sa biktima!.." agad na pigil sa kanya ng mga pulis.

"Please, wag niyo akong pigilan! He need me, I want to see him! Please let me gooo!!..." parang bata na nagwawala si Aslea ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw dahil sa itsura ni Shannon na walang malay tao at naliligo sa sariling dugo.

Napaluha si Ulysses ng makita nito si Shannon, napapikit siya na napatingala sa kalangitan na ang luha nito ay naglalandas sa kanyang pisngi......."Lord, patawad Po! Hindi ko hinangad na humantong sa ganito ang lahat, nabulag Po ako ng galit ko pero hindi ko hinangad na mangyari ito" kagat labing wika nito sa sarili saka napatingin sa kanyang kapatid na nasa kanyang harapan at nagwawala dahil nais nitong lapitan ang walang malay na si Shannon ngunit binabawalan ng mga pulis.

Maya maya pa ay isinakay sa ambulansiya si Shannon kaya naman iyak ng iyak si Aslea. Parang bata ito na iniwan ng kanyang mommy at hindi isinama sa pupuntahan nito............."Aslea, tama na, let's go" mahinang bulong nito sa kapatid dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao.

"Bitawan mo ako!... Ikaw ang dahilan kaya nangyari ito sa kanya!... Ikaw ang pumatay kay Shannon!!... Pinatay mo siya! Pinatay mo ang mahal ko! Pinatay mo ang ama ng baby ko!... I hate youuuuu!!!!" umiiyak na pinagsusuntok ni Aslea ang kapatid hanggang sa bigla nalang itong nawalan ng malay tao kaya agad namang binuhat mi Ulysses at dinala sa kotse ang kapatid para itakbo sa ospital.

Punong puno na ng pag aalala ang dibdib ni Ulysses. Bigla siyang nakadama ng guilt sa sarili dahil dito. Kaya habang nagmamaneho ay hindi niya napigilan ang  umiyak at humagulgol habang patingin tingin sa kapatid na walang malay.

Maya maya ay naagaw ng pansin niya ang kamay ni Aslea. Napakunot ang noo nito ng makita ang nakasuot sa daliri ng kapatid. Inabot niya ang kamay ng dalaga saka sinipat na mabuti ang nakasuot na singsing sa daliri ni Aslea.

"E-engaged na siya kay Shannon!" aniya na napasuntok sa manibela dahil sa pagsisising nadarama ng sandaling iyon.

..........

Samantala....

Nag aalmusal si Donya Imelda ng bigla nalang may tumawag sa kanilang landline telephone. Pagkabigay ng katulong nila sa kanya ng telepono ay agad niya itong sinagot.

"Hello, good morning!.." sagot nito sa hindi kilalang caller.

"Magandang umaga din po! Gusto po sana naming makausap si Donya Imelda" sagot ng nasa kabilang linya.

"Yes speaking, sino po sila?" sagot naman ng Donya.

"Ako po si Chief Luna, nais po lamang namin na ipaalam sa inyo ang nangyari sa inyong anak na si Shannon de Leon" sagot naman ng pulis.

"Bakit po chief, ano na namang kalokohan ang ginawa ng anak ko at napatawag kayo?" gulat na tanong ni Donya Imelda na waring tumaas pa ang boses dahil sa pag aakalang gumawa na naman ng katarantaduhan ang kanyang unico hijo.

"Wala po siyang ginawang masama, Donya Imelda."

"Eh kung ganuon chief, ano po ang rason bakit kayo napatawag tungkol sa aking anak?"Kunot noong tanong ni Donya Imelda.

"Nasa ospital po ang inyong anak dahil nadisgrasya siya ngayon lang at nasa kritikal na kondisyon. Kailangan pong puntahan ninyo ngayon din ang inyong anak para makita ninyo ang kanyang kalagayan" malungkot ma pahayag ng pulis na ikinabigla naman ni Donya Imelda.

"Whaattt!!..." napasigaw na bulalas ng Donya na nabitawan pa nito ang hawak na telepono sa pagkabigla......."Oh Diyos ko, my unico hijo!!.." biglang nalaglag ang luha ni Donya Imelda at dali dali nitong tinungo ang kanyang kotse uoang puntahan ang kanyang anak.   

.......

Agad na kumalat ang balita sa nangyari kay Shannon dahil sa kilala ang kanilang pamilya sa larangan ng negosyo. Nalaman naman lahat ng mga kaibigan nila kaya gulat na gulat ang mga ito at napasugod sila sa ospital na kinaroroonan ni Shannon.

"Tita, how is he?" alalang tanong ni Homer ng madatnan nito si Donya Imelda na hindi mapakali sa may harap ICU.

"Ewan ko Homer, I don't know kung ano na ang lagay niya ngayon!" umiiyak na sagot ni Donya Imelda kaya niyakap ni Homer ang ginang upang pakalmahin.

"Tita, calm down po muna kayo. I know na kayang labanan ni Shannon ang lahat ng ito. I know him, he's a smart guy at hindi siya basta sumusuko kahit sa ano mang laban!" saad ni Homer.

"Alam ko din iyan iho, but I'm so scared na baka may mangyaring masama sa anak ko! Baka...baka" hindi na naituloy pa ni Donya Imelda ang sasabihin dahil napahagulgol na ito.

"Just pray for him tita" ani Homer na napatingin sa saradong pinto kung saan naroroon si Shannon.

Nagsidatingan naman sina Keith at Nathaniel sa ospital na kinaroroonan ni Shannon. Hindi rin sila makapaniwala sa nangyari sa kanilang kaibigan kaya ng malaman nila ang nangyari dito ay gulat na gulat sila.

"Kumusta na siya?" alalang tanong ni Keith at Nathaniel.

"Wala pa nakukuhang update mula sa mga doctor at halos dalawang oras na nasa loob ng ICU ngunit hanggang ngayon ay wala pang lumalabas mula roon" sagot ni Homer dahil si Donya Imelda ay nasa may kapilya ng ospital at doon ay nananalangin para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na anak.

"Bakit ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Keith dahil hindi makapaniwala parin sa sinapit ni Shannon.

"He's not a wreck less kaya papaano siya madidisgrasya at sobra ang nangyaring iyon huh?" wika naman ni Nathaniel.

"Hindi ko rin alam ang nangyari, basta tinawagan nalang ako ni Ulysses at sinabi ang nangyari kay Shannon" sagot ni Homer.

"Where is Ulysses? Bakit wala siya dito kung siya ang unang nakaalam ng nangyari kay Shannon?" tarantang tanong nito kay Homer.

"Nasa ospital din dahil dinala niya si Aslea" sagot muli ni Homer.

"Bakit anong nangyari din kay Aslea?" tanong naman ni Keith.

"Ewan ko basta ang sabi niya ay nasa ospital ang kanyang kapatid kaya hindi muna siya makakadalaw? Maybe tomorrow or later ay naririto na iyon" ani Homer at napatayo ang lahat ng makitang lumabas na ang doctor mula sa ICU at siya namang pagdating ni Donya Imelda.

"Doctor, kumusta na po ang kaibigan namin? Kumusta na po si Shannon?" halos sabay na tanong ng mga ito.

Napabuga ng malalim na hininga ang doctor saka tiningan isa isa ang mga ito at natuon ang mga mata niya kay Donya Imelda.

"Nasalinan na namin siya ng dugo ngunit nagkaroon siya ng mga fractured sa likod at binti niya. Pero ang nakakalungkot dito ay kailangang maoperahan ang kanyang ulo dahil may namuong dugo rito. Kailangan pong maagapan ito dahil kung hindi ay ito ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan" buntong hiningang sagot ng doctor.

"Noo! Hu hu hu!..." halos magang maga na ang mga mata ni Donya Imelda dahil sa kaiiyak ngunit kailangan niyang maging matatag upang makayanan niya ang lahat ng pagsubok na iyon........"Doctor, please do your best para maisalba ang buhay ng anak ko! Kahit na maubos pa ang lahat ng pera namin ay okay lang basta makaligtas lang sa kapahamakan ang aming anak".

"Okay po Donya Imelda, We will do our best pero kung may alam kayo na ibang paraan para masigurado niyong ligtas siya ay mas makakabuti po dahil ang pag opera po sa ulo ay napaka delikado. I will let you decide about it para po kung sakali ay walang sisihan, high technology is much better po" makahulugang sabi ng doctor at nakuha naman ni Donya Imelda ang ibig sabihin ng doctor.

"Kakausapin ko po doctor ang asawa ko, darating siya after lunch mula sa Malaysia at kung ano ang pag uusapan namin ay ipapaalam ko po sa inyo" saad ni Donya Imelda na tumango naman ang doctor at  saka nagpaalam na ito.

.......

Gulat na gulat naman ang mga magulang ni Aslea dahil sa nangyari kay Aslea at sa nalamang balita kay Shannon. Ngunit mas lalong nagulat ang mag ito ng malamang buntis ang kanilang anak.

"Si-sino ang ama ng dinadala niya?" pabulong na tanong ni mommy Pretty kay Shannon na noon ay parang tulala ito kaya muling inulit ni mommy Pretty ang tanong sa anak kaya naman napabaling ang atensiyon ni Ulysses sa kanyang ina.

"Si Sh-Shannon po mommy" bikig ang lalamunan na para bang hindi kayang bigkasin ni Ulysses ang pangalan ng kaibigan.

"Huh!!..." gulat na bulalas ng mag asawa.

"I don't understand! Papaanong nangyari na nagkaroon ng relasyon ang dalawa eh para ngang aso't pusa ang mga ito?" naguguluhang tanong ni daddy Renan.

"I don't know the whole story, daddy but this morning I found out na buntis nga siya kaya nagalit ako kay Aslea at napagbuhatan ko siya ng kamay. Then,that time ay nadatnan kami ni Shannon sa opisina ni Aslea na nagtatalo at doon ko nalaman na siya ang ama ng ipinabubuntis ng kapatid ko. Nagalit ako sa kanya, nagpang abot kami hanggang sa kinaladkad ko palayo si Aslea kay Shannon para ilayo sa kanya ang kapatid ko dahil ang nasa isip ko ay trinaydor ako ng kaibigan ko. He tried to explain but I didn't give him any chance, sinirado ko ang isipan ko dahil sa poot na lumulukob sa aking dibdib ng mga sandaling iyon. Hinabol niya kami ng kanyang kotse hanggang sa makaabot kami sa may highway. Kaybilis ng kanyang pagpapatakbo hanggang sa makarinig nalang kami ng isang nakapangingilabot na ingay sa ginta ng kalsada at ng alamin namin ay ang kotse ni Shannon na nakataob at wasak na wasak sa kalsada na nabangga sa isang sux wheeler truck ng mga gulay" paglalahad ni   Ulysses ngunit ang mga mata niya noon ay dumadaloy ang luha, luha ng pagsisisi.

"Anak, bakit mo ginawa iyon? Bakit hindi mo siya kinausap ng masinsinan para hindi umabot sa ganito?" may pag aalalang sabi ni Mommy Pretty.

"Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang lahat ay sana hindi na ako nagpadala sa galit ko! Kung pwede ko lang ibalik ang nakalipas na sandali ay sana ginawa ko na para hindi nauwi sa ganito ang lahat!" may pagsisising sagot ni Ulysses na napatingin sa kapatid na noon ay panay ang ungol  nito

"Shannon!!... Shannoooonnn!!... Wag mo akong iiwan!... Wag kang umalis, please don't leave me!!!.." humahagulgol na sigaw ni Aslea kaya naman agad na ginising siya ng kanyang daddy Renan.

"Aslea anak gumising ka!.." tinapik tapik ni daddy Renan ang balikat ng anak kaya napadilat ito at ng mamulatan niya ng kanyang mga mata ang ama ay niyakap niya at humagulgol ng iyak.

"Daddy, si Shannon patay na siya!.." panay ang hikbi nito sa balikat ng ama.

"No anak, hindi siya patay! Buhay siya kaya dapat mong ipagdasal ang kanyang paggaling!.." ani daddy Renan saka hinaplos haplos nito ang likod ng anak.

"No dad! I saw him na duguan ang buo niyang katawan at walang malay tao" giit ni Aslea saka mas napahagulgol pa ito......"I don't want him to die, daddy! I need him, kailangan namin siya ng baby ko!"

"Anak ipanatag mo ang sarili mo at huminahon ka dahil baka kung ano ang mangyari sa iyo!" alalang wika ni mommy Pretty.

"Mommy, papano ako mapapanatag kung alam kong nasa peligro ang buhay niya? How can I calm down if I don't know now what's going on him!" sagot nito saka maya maya ay pilit niyang bumaba ng kama.

"Saan ka pupunta anak?" nababahalang tanong ni Daddy Renan.

"Pupuntahan ko si Shannon, daddy! Gusto ko siyang makita para malaman mo ang kalagayan niya" humikhikbing sagot nito.

"No anak, dito ka lang baka mapahamak ka lang!" pigil ni daddy Renan ngunit pilit paring tumayo si Aslea.

Naka dalawang hakbang palang siya ng biglang nasapo niya ang kanyang puson at napangiwi ito sa biglang kirot na kanyang naramdaman.

"Iha, bakit?" agad na lumapit si mommy Pretty ng makita nito na sapo ni Aslea ang kanyang puson.

"Mommy, ang sakit ng puson ko!.." napangiwing sagot ni Aslea kaya naman nataranta ang mag asawa at maging si Ulysses. Maya maya ay parang naramdaman ni Aslea na parang may mainit na likidong lumabas sa kanya at dumaloy sa kanyang hita.

Biglang kumabog ang kaba sa dibdib ni Aslea dahil doon kaya inalam niya kung ano iyon at biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

"Du-dugo!...Noo! Ang baby ko!" nanginginig ang buong katawn ni Aslea ng makita nito ang dugong dumaloy sa kanyang hita.

Makakaligtas nga ba si Shannon sa kanyang kalagayan? At si Aslea, tuluyan ba na mawawala ang baby nito?

Abangan....

Continue Reading

You'll Also Like

64.4K 4.3K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
2.5M 99.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
389K 20.5K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.