Chapter 9

8.5K 280 13
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 9....

A/N....RATED SPG....Ages 18 years below are not suitable for this chapter...

Gaya nga ng napag usapan ng mag ama ay tumuloy ng Europe si Shannon matapos ang isang buwan niyang pamamalagi sa New York para sa kanilang business transactions.

Gustuhin man niyang umuwi agad ngunit hindi niya magawa dahil tiyak na todong sermon na naman ang kanyang matatanggap sa kanyang ama......"Nevermind I will stay here only for one week ! Nakaya ko nga ang isang buwan sa States bakit ang isang linggo lang ay hindi?" pagpapalakas ng loob ni Shannon at kahit na dalawang araw na siya sa Europe ay tinitiis niyang wag tawagan si Aslea dahil kung naririnig niya nag boses ng dalaga ay mas lalong nasasabik sa dito at baka hindi na niya matapos pa ang isang linggo at baka maging ang trabaho niya ay iwanan na niya ito ng lubusan.

Linggo ng hapon ay nainip si Shannon sa loob ng kanyang hotel room. Ipinasya niyang maglibot sa mall sa Paris France, maya maya ay nahagip ng kanyang mga mata ang mga naka display na bags (HERMES) bigla niyang naalala si Aslea kaya naglakad siya palapit na mga aka display na bags ngunit bigla siyang napatigil ng..

"Shannon!..Shannon!.." magkasunod na sigaw ang nagpatigil kay Shannon at ng lingunin niya ay nagulat ito ng makilala niya ang may ari ng boses na iyon.

"Jane!...What are you doing here?" nagtatakang tanong nito sa dalaga na papalapit sa kanya.

"Dito ako naka destino for two months but tomorrow ang balik ko sa New York bali two months na ako rito" sagot nito na ang ngiti ay napakatamis........"How about you? Your in holiday trip or what?" balik tanong ng dalaga kay Shannon.

"Business trip! And actually, I've stayed in New York for one month and also one week here dahil si daddy ay very busy to handle everything kaya ako ang inatasan niya to fix something for our business" sagot ni Shannon.

"That's great to hear! Kasi ng last na magkita kami ng mommy mo here also ay sinabi niya sa akin na nasa dati ka paring gawi, so I'm happy to hear na naka moved on kana sa dating buhay mo" ani Jane na kaytamis ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi habang nakatitig kay Shannon na hindi man lang naalangan ng titigan siya ng binata bagkus ay parang nagpa cute pa ito........"May pupuntahan ka ba?" biglang tanong ni Jane kay Shannon.

"Ah, eh wala naman! Naglalakad lakad lang ako rito para naman malibang kahit papaano" sagot ni Shannon na napasulyap sa pakay nitong bag.

"Good! Let's go for a walk muna or rather let's go for a tea" yaya nito kay Shannon at hindi na nakatanggi ang binata dahil hinala ni Jane ang kanyang kamay kaya naman nagpatianod nalang siya.

Light snacks at coffee lang ang ginawa ng dalawa at ng magpapaalam na sana si Shannon ay nagpasama muna si Jane na may bibilhin daw siyang pasalubong sa kanyang mga kaibigan sa New York kaya naman sinamahan nalang niya ang dalaga.

Nang makabili na ang dalawa ay niyaya ulit ni Jane si Shannon sa pamamasyal hanggang sa makaramdam na ng pagod ang dalawa. Nagpahinga sila sa isang park na maraming tao ang naroroon at namamahinga. Nakaupo sila sa pandalawahang bench ng may dumaan na isang babaeng foreigner na kasing edad lang ni Jane.

"Hello, excuse me! Can you take picture with him?" samo ni Jane sa dalaga banyaga at tumango naman ito kaya agad na bumalik ang dalaga sa kinauupuan ni Shannon at lumapit ito ng husto sa binata sabay turo sa camerang nakatutok sa kanila..

"Make it closer!.." sigaw ng babaeng banyaga sa kanila ni Shannon kaya mas lumapit pa si Jane kay Shannon at medyo inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ng binata....."Dude, put your arm on her shoulder or on her waist to look more sweet and lovely couple!" anang babaeng banyaga kay Shannon kaya naman ipinatong lang ni Shannon ang kamay nito sa balikat ni Jane at bahagyang ngumiti para wala ng masabi pa ang babaeng kumukuha sa kanila ng larawan.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now