Chapter 22

5.5K 248 15
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 22....

Nang tuluyang makabangon sa kanyang kama si Shannon ay pumasok siya ng banyo upang linisin ang sarili. Nang nasa harap siya ng salamin ay napatitig siya sa sarili na para bang ini eksamin nito ang kanyang itsura. Napakagat siya sa kanyang labi ng maalala niya ang kanyang panaginip at pati narin ang babaeng bigla nalang lumitaw sa kanyang diwa na naliligo sa may karagatan.

Bigla siyang napasinghap nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon nalang ang kanyang naramdaman ng hindi na niya makita ang babae sa kanyang panaginip dahil parang nagustuhan niya ng husto ang ginawa nitong paglalambing sa kanya at higit sa lahat ay ang kanyang yakap at halik.

"Sana mapanaginipan pa kitang muli baka sakaling makita ko ng husto ang itsura mo, but I know that your voice sounds like sweet and lovely" hindi namalayan ni Shannon na bigla siyang napangiti ng maalala niya ang malamyos na boses ng babae......"She called me babe and she said that she missed me" kausap niya ang sarili sa salamin na para bang ibang tao.

Pagkalabas ni Shannon sa kanyang kwarto ay nadatnan niya sa may kusina nag kanyang mommy na abala sa paghahanda ng lulutuin for lunch. Napatingin siya sa may orasang nakasabit sa wall para tingnan ang oras at nagulat siya ng makitang alas onse pasado na pala ng umaga at malapit ng magtanghalian.

"Napasarap yata ang tulog mo anak?" napasulyap na tanong ni Donya Imelda sa kanyang unico hijo.

"Late na po kasi akong natulog kagabi. Actually, it's almost 5:00 am na ng makatulog ako kaya na late ako ng gising" sagot niya sa kanyang mommy saka gumawa ng brewed coffee.

"May pagkain na itinura ko saiyo kaninang breakfast but if you want to wait for lunch ay okay lang naman dahil sandali lang naman itong lulutuin ko at makakain kana. Sakto lang dahil paparating na ang daddy mo dahil ini meet lang niya ang isa sa mga kliyente niya sa negosyo and half an hour ay naririto na siya" saad ni Donya Imelda.

"Magkakape nalang po muna ako, mommy. Mamaya na ako kakain para sabay tayo nila daddy" wika ni Shannon saka ito naupo sa harap ng kanyang ina habang iniinom nito ang mainit init na kape.

Titig na titig siya ng biglang may maalalang itanong ito sa kanyang mommy.

"Mommy!" ani nito sa kanyang ina.

"Bakit?" napatinging tanong naman ng Donya.

"Bago ako maaksidente, do you remember na may girlfriend ako aside of Jane?" lakas loob na tanong ni Shannon saka muling uminom ng kape.

Napatanga ang Donya sa tanong ng kanyang anak dahil sa totoo lang ay wala naman siyang alam at ang tanging nalalaman lang niya ay ang mga babaeng binabayaran nito upang makapagbigay aliw sa kanyang pangangailangan.

"Sorry anak but ang alam ko lang na babae na na li link saiyo ay ang mga binabayaran mo for your own needs. Wala ka ngang naipakilala sa amin maliban kay Jane" sagot ng Donya na halos mabilaukan pa dahil sa pagkakabanggit niya ng pangalan ni Jane na alam naman niyang kasinungalingan lang ang ginawa ng dalaga.

Biglang natahimik si Shannon sa sinabi ng kanyang mommy ngunit parang hindi siyankumbinsido dahil sa kanyang panaginip. Pero nanahimik nalang siya at hindi na sinabi ang tungkol pa doon dahil baka nadala lang siya ng kanyang imahinasyon kaya siya nanaginip ng ganoon.

"Ay siya pala anak! Nagpunta kanina si Jane dito at ginigising ka pero hindi ka naman niya nagising kaya umalis nalang siya at nagtungo daw siya ng Europe for two weeks" pahayag ng Donya na ikinakibit balikat lang ni Shannon na parang baliwala lang sa kanya.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now