Chapter 7

6.5K 221 10
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 7...

Kahit na ipinapagtulakan na ni Aslea palyao si Shannon ay hindi parin sumusuko ang binata. Sige parin ito sa pagpalit at kung hindi man ay tinatawagan niya ito sa telepono kahit na kung ilang beses na siyang binabagsakan at araw araw na nagpapadala ng mga sweet messages kay Aslea upang ipakita sa dalaga ang kanyang tunay na  damdamin.

.......Babe, how's your day today, Do you feel okay? Mayroon naba tayong little angel?....💕💕💕Shannon.....

"Haaahhh!..." iritadong sigaw ni Aslea sa loob ng kanyang opisina ng mabasa nito ang text message na galing kay Shannon. Halos kadarating lang niya sa kanyang opisina ay heto ang pambungad sa kanya. At sa totoo lang ay problemado narin siya dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng may mangyari sa kanila ni Shannon ay wala pa ang kanyang buwanang dalaw, bali tatlong araw na siyang delayed.

Halos maibato an ni Aslea ang kanyang cellphone sa sobrang inis nito at napaiyak na nga siya dahil sa sobrang pag aalala......."Wag naman sanang magkatotoo ang hinala ko? Sana hindi magbunga ang nangyaring iyon!.." kung ilang beses nang nasabi ni Aslea ang mga katagang iyon dahil kung sakaling magkatotoo ay hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil baka mapatay pa siya ng kanyang kuya Ulysses.

Maya maya ay napatigil si Aslea sa kanyang emosyon ng may biglang kumatok......"Come in!.." aniya saka pinakalma ang kanyang sarili, pagbukas ng pinto ay ang isa sa mga tauhan niya ang pumasok at may dala dala itong  isang dosenang pumpon ng mga bulaklak at alam na ni Aslea kung saan galing ang mga iyon dahil araw araw ba namang iyon ang pinapadala ni Shannon.

Matapos maihatid ang bulaklak ay nagpaalam narin ang tauhan ni Aslea at naiwan siyang mag isa sa kanyang opisina at maya maya pa ay tumunog na ang kanyang cellphone. Dahil sa sukdulang galit ni Aslea ay agad niyang sinagot ang tawag na iyon ni Shannon.

"Hinding hindi mo ba talaga ako tatantanan huh Shannon!.." bungad na singhal nito sa binata.

"Babe, relax! Parang naglilihi kana sa hitsura mong iyan ah, meron na ba?" kalmadong sagot naman ni Shannon dahil nasanay na siya sa katarayan ni Aslea.

"Para sa kaalaman mo ay hindi ako buntis!.." mariing sabi nito kay Shannon.

"Sure kana ba? Baka naman pinaglilihiman mo lang ako?.." nagdududang wika ni Shannon dahil mula ng mangyari sa kanila ni Aslea ay binibilang nito ang mga nagdaraang mga araw........"Aslea, isang buwan na ang nakakalipas at kung sakaling wala ka pang monthly period ay malamang na buntis ka" mahinahong turan ni Shannon.

Hindi kumibo si Aslea dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng binata at dahil sa walang marinig na kasagutan si Shannon ay muli niyang tinanong si Aslea........"Dumating naba ang buwanang dalaw mo?.." parang may sabik sa boses na tanong ni Shannon.

"Wala ka ng pakialam kung dinatnan na ako o hindi pa dahil pribado kong buhay ito at hindi kita binigyan ng karapatan para alamin ang tungkol sa aking buhay!..." deritsahang sagot ni Aslea saka nito pinatay ang kanyang cellphone at maya maya ay impit na napaiyak ito......."Walang hiya ka kasi Shannon eh, kasalanan mong lahat ng ito kung bakit nalalagay ako ngayon sa napakalaking problema!.." humihikbing tinungo ni Aslea ang kanyang toilet room at doon humagulgol ng humagulgol.

Pagkalipas ng dalawang araw ay nawala ang pag alinlangan at takot ni Aslea sa sarili dahil dumating na ang kanyang pinakahihintay, ang kanyang monthly period.

"Salamat at hindi ako buntis!.." aniya sa sarili saka nito hinaplos haplos ang kanyang tiyan ngunit parang may kung anong panghihinayang siyang naramdaman ng mga sandaling iyon kaya napabuntong hininga siya..........."No Aslea, wag kang maging ganyan! This is not the right time para sa bagay na iyan at hindi siya ang karapat dapat sa iyo dahil isa siyang lalaking mapaglaro sa mga babae" kausap niya sa kanyang sarili saka pumasok sa kanyang kwarto at sumampa sa kanyang kama uoang i relax ang pagod na katawan at isipan.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now