Chapter 23

6.1K 259 33
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 23.....RATED SPG.....

....NEW YORK.....

Kagagaling lang ni Shannon at Don Robert mula sa business trip sa London for three days kaya pagod ang naramdaman ni Shannon. Muli kasing sinasanay ng Don si Shannon sa kanilang negosyo dahil hindi alam ng Don kung kailan babalik ang memorya ng anak.

Nag shower lang ito at saka ibinagsak sa kama ang pagod niyang katawan at hindi na nagawa pang kumain dahil nabusog naman siya sa eroplano. Dahil sa tindi ng pagod ay agad na nakatulog si Shannon. Ngunit nasa kasarapan siya ng tulog ng maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang dibdib at humahalik sa kanyang leeg. Napabalikwas siya at laking gulat niya ng makitang tanging saplot na pang ibaba lang ang suot ni Jane at wala itong  bra.

"What are you doing here?!.." mariing tanong ni Shannon sa dalaga.

"I miss you, hon" maharot nitong sabi saka dinaganan nito si Shannon at inangkin niya nag labi ng binata.

"Can you please stop what are you doing!.." pigil ang galit na sabi ni Shannon ngunit parang bingi lang si Jane at ipinagpatuloy nito ang paghaplos sa matitipunong katawan ng binata at maya maya pa ay dahan dahan nitong hinalikan ang dibdib ni Shannon.

"I said stop it!.." kumawala na ang galit ng binata kaya't iwinaksi nito ang kamay ni Jane na yayapos sana sa bandang maselang bahagi ng katawan ni Shannon.

"Why you don't want huh, Shannon?!" galit naring turan ni Jane at walang kahihiyang tumayo sa harap ng binata na tanging panty lang ang suot nito.

"Get our of my room!.." sigaw nito kay Jane ngunit hindi tumitinag ang dalaga.

"Why should I? I'm your fiancee kaya gagawin ko ang gusto ko dahil soon ay pakakasal naman tayo diba?" nakataas ang kilay na wika nito.

"I'm getting tired with this bullshit relationship, Jane!" biglang sabi ni Shannon sa dalaga dahil sa galit nito.

"What are trying to say huh, Shannon?' taas baba ang dibdib ni Jane sa galit na nararamdaman ng sandaling iyon dahil sa pagkabitin niya at sa sinabi ni Shannon.

"I'm giving up! Hindi ko na kayang pakasamahan ka, I can't take your nature, ayaw kong pinapangunahan mo ako sa lahat ng aking gagawin. I hate someone to manage my own life. Parang sinasakal mo ako at hindi ako makahinga!" ani Shannon na siyang dahilan ng pagsampal ni Jane sa kanya.

"You can't do this to me, Shannon!  Hindi ako papayag na hindi ka maging akin, you are mine and I am yours!" sigaw ni Jane at akma na naman sana niyang yayakapin ang binata ngunit umiwas si Shannon at kinuha nito ang t shirt niyang nakasabit sa may headboard ng kama at saka isinuot ito at lumabas ng sariling kwarto.

Pagkapasok ni Shannon sa may guest room ay ikinandado niya ito at kahit na panay ang kalabog ni Jane sa may pinto ay ipinagwalang bahala nalang niya dahil ayaw na niyang makaharap pa ang dalaga.

"Shannon, please open the door! Talk to me please, wag mo akong tratuhin ng ganito dahil nagpakahirap ako para maging akin ka lang!.." sigaw ni Jane sa may pinto habang panay ang bayo nito.

"Pathetic!.." tanging nasabi ni Shannon saka nito tinakpan ng unan ang magkabilang tainga nito para hindi nito marinig ang pangbubulahaw niya.

Ilang sandali pa ay bigla nalang tumigil ang nag iingay sa may pinto ng guest room at narinig ni Shannon ang mga yabag na papaalis sa lugar kaya napailing nalang ito.

Hindi makatulog sa may guest room si Shannon kaya lumabas ito para sa may kwarto niya siya matulog ng parang nauhaw siya kaya ipinasya niyang tumungo ng kusina. Papalapit na siya sa may kusina ng maulinigan niyang parang nag uusap ang kanyang mommy at daddy. Hindi na sana niya pakikinggan ang usapan ng dalawa ngunit narinig niya na binanggit ang kanyang pangalan at ang pangalan ni Jane kaya ipinasya niyang dinggin kung ano ang pinag uusapan ng kanyang mga magulang.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now