Chapter 15

5.5K 222 17
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 15

Dahil sa pagkagulat ni Aslea sa biglaang pagsulpot ni Ulysses at pagkakatuklas nito sa kanyang lihim ay hindi siya makasagot sa kanyang kuya Ulysses, parang  namanhid ang kanyang dila at hindi niya ito maigalaw upang magsalita ngunit ang kanyang luha ay namamalisbis sa kanyang pisngi.

"Sinong ama ng ipinagbubuntis mo!!.." nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Ulysses ngunit panay hikbi lang ang naririnig nito mula kay Aslea......."Tarantang taranta kami sa pag aalala sa iyo dahil sa pag aakala naming may masama kang nararamdaman? Ngunit ang dahilan lang pala ng lahat ay buntis ka! Sino ang ama niya'n? Sino!!..." panay ang yugyog ni Ulysses sa magkabilang balikat ni Aslea at pilit na pinapaamin nito kung sino ang ama ng dinadala ng kanyang kapatid.

"Kuya, nasasaktan ako, hu hu hu..!" umiiyak na sabi ni Aslea na pilit nitong inaalis ang kamay ni Ulysses sa magkabila niyang balikat ngunit kayhigpit ng pagkakahawak nito.

"Talagang masasaktan ka kung hindi ka nagtapat kung sino ang ama ng batang dinadala mo!.." nagbabantang turan ni Ulysses na animo ay leon na handang sumugod sa sobrang galit nito.

"Mahal ko siya kuya at nagmamahalan kaming dalawa" namumutla ang mukhang sagot ni Aslea ngunit sampal lang ang natamo niya sa kanyang kapatid.

"Mahal! Kung talagang mahal ka niya, dapat ipinakilala niya ang kanyang sarili sa pamilya natin! Dapat, ipinaalam niya sa lahat ang tungkol sa inyong relasyon at hindi nalang basta darating kung buntis kana at malaki na ang tiyan mo!.." singhal ni Ulysses sa kapatid na halos napasabunot pa ito sa sariling buhok dahil hindi niya lubos maisip na ang kanyang kaisa isang kapatid na halos parang anak kung protektahan niya ay natuklasan nalang niyang buntis at ni hindi man lang nito nakilala ang lalaking karelasyon ng kanyang kapatid.

"Ku-kuya, I'm so sorry kung nagawa ko man ito. Hindi ko rin alam kung papaano ko siya minahal but I love him so much" nagmamakaawang wika ni Aslea saka lumuhod  ito sa paanan ni Ulysses.

Taas baba ang dibdib ni Ulysses dahil sa poot na nadarama niya ng mga sandaling iyon. Dahil sa hindi niya matanggap ang nangyaring iyon sa kapatid ay napasuntok siya sa mesa ni Aslea na siyang sanhi ng pagdugo ng kamao nito dahil sa lakas ng kanyang pagkakasuntok.

"I will kill that bastard!.." gigil niyang bulong na muling ikinahagulgol ni Aslea dahil sa takot na namayani sa kanyang dibdib.

Samantala.....

Hindi pa man gaanong nakakalayo si Shannon mula sa may Spa ni Aslea ng mapansin nito ang nasa may backseat na nakalagay sa supot. Tiningnan niyang mabuti sa may rear view kung ano iyon at napailing siya ng maalala niya ang ipinabili sa kanya ni Aslea na mga manggang hilaw.

Ibinu welta niya ang kanyng kotse pabalik sa daang patungo sa Spa ni Aslea para ihatid ang mga pagkain nito sa dalaga dahil nag alala siya na baka hanapin niya ang mga iyon.

Nagmamadali niyang pinatakbo ang kotse niya dahil kailangan niyang maihatid anag ang mga manggang hilaw at ng makapasok narin siya sa opisina. Nang makarating na siya sa may Spa ni Aslea ay bigla nalang siyang bumaba ng aknyang kotse na dala sala ang mga prutas at dahil doon ay hindi niya napansin ang isang kotse  na halos kasunod lang ng kanyang kotse at nakapagitan lang ang dalawang kotse sa kotse niya.

Kaylalaki ng mga hakbang ni Shannon na tinalunton nito ang pasilyo patungo sa opisina ni Aslea. Napakunot ang kanyang noo ng bigla nalang niyang naramdaman na kumabog ang kanyang dibdib. Mas binilisan pa niya ang kanyang paglakad dahil sa isiping baka may nangyaring hindi maganda sa kanyang mahal lalo pa at buntis ito.

Kinatok niya ang pinto ngunit walang sumasagot ngunit parang may nauulinigan siyang boses sa loob. Muli siyang kumatok ngunit wala paring response si Aslea kaya pinihit nalang niya ang pinto sabay...

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now