Chapter 4

7.4K 240 7
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 4...

Habang papunta ng hotel si Aslea ay nakatanaw naman si Shannon sa dalaga. Alam niyang mahirap siyang paniwalaan ni Aslea ngunit sinabi niya sa kanyang sarili na hinding hindi ito susuko kahit na anong mangyari.

"Magiging akin karin ng tuluyan Aslea, and if will be happen? I will make sure na hindi g hindi mo pagsisisihan ang sandaling iyon, dahil kaytagal kong hinintay ang pagkakataon na ito at ngayong nagkaroon na ako ng lakas ng loob ay gagawin ko ang lahat makuha ko lang kita mahal ko" nakangiting bulong ni Shannon saka nito kinuha ang bag sa kanyang kotse ay patungo sa hotel kung saan ay naroroon ang pamilya ni Aslea.
___________

Nakabusangot ang mukha ni Aslea na dumating sa may hotel kung saan ay nroroon na ang kanyang mga magulang. Nasa may balconahe ng hotel ang kanyang mga magulang at pinagmamasdan ang magandang view ng resort.

"Oh Aslea, bakit nakasimangot ka naman diyan?" tanong ni mo my Pretty ng mamataan nito ang anak na papalapit.

"Nakakainis kasi ang Shannon na iyan! Bigla nalang dumating ng wala namang nag i imbita sa kanya!" inis na sagot ni Aslea.

"Naririto si Shannon?.." hindi makapaniwalang tanong naman ni Mommy Pretty.

"Andun sa baba! Kay aga aga eh nang iinis hmp!" sagot ni Aslea sa kanyang mommy.

"Okay lang naman na naririto siya ah, at saka mabait naman ang taong iyon kaya wag mo naman siyang pakitaan ng hindi maganda Aslea? Mapagbiro siya at alam mo na naman iyon kaya wag mo namang masyadong pagsungitan iyong tao dahil wala namang ginagawang masama sa iyo eh!" sermon ni Daddy Renan kay Aslea.

"Wow dad,Siya pa ang kinampihan ninyo! I'm your daughter kaya dapat ako ang kampihan ninyo hindi iyong lalaking iyon?" may tampong sabi nito sa ama.

"Aslea, don't act like a kid! Wala siyang ginagawang masama sa iyo kaya wag kang gumawa ng isang bagay na hindi kanais nais dahil hindi kana bata at nakakahiya" sermon din ni Ulysses kay Aslea na noon ay kadarating mula sa hotel room nilang mag asawa at ang anak nila.

"Sino ba kasi ang nag imbita sa lalaking iyon?" may galit ang himig ng boses ni Aslea.

"Ako! " agad na sagot ni Ulysses...."Nalaman niya na pupunta tayo ng Tagaytay at sinabi niya na gusto niyang sumama kaya sinabi kong pwede siyang sumama. Kahit na palikero naman ang taong iyon eh hindi naman siya bastos and one more thing, para na siyang parte ng pamilya dahil kaibigan ko siya at malapit na siya kila mommy at daddy" saad ni Ulysses kaya natameme nalang si Aslea dahil sa sinabi ng kanyang kuya.

Kahit naman hindi sila magkasundo kung minsan ni Ulysses ay iginagalang parin na,an ni Aslea ang pasya ng nakakatandang kapatid kaya wala na siyang magagawa pa dahil naroroon narin si Shannon at pangit narin namang tingnan kung pauwiin niya ito.

"Kung alam mo lang kuya, he tried to court me. Or he's courting me already!" sa isip isip ni Aslea at saka ito tumalikod para tunguhin ang kanyang kwarto ng.

"Aslea, iyong kwarto mo ay sa bandang dulo dahil kay Shannon ang isang kwartong katabi ng kwarto mo!" pahabol na sabi ni Ulysses sa kapatid.

"Okay, thanks!" tanging sagot ni Aslea saka nito tinungo ang nakalaang kwarto sa kanya......"Pag minamalas ka naman talaga, pati pa sa kwarto ay magkatabi parin haisstt!.." buntong hiningang bulong ni Aslea saka nito pinihit ang doorknob ng kanyang kwarto at bago pa siya pumasok sa loob ay napasulyap pa siya sa katabing kwarto kahit na alam niyang wala pa roon si Shannon.

Picnic party sa may tabing dagat ang ginawang party sa pag se celebrate ng birthday ni Mommy Pretty. Bumili ng mga pagkaing maluluto sina Shannon at Ulysses at naghanda naman ang mga kababaihan sa cottage nang kanilang mga kakailanganin at ng dumating sina Ulysses at Shannon ay inumpisahan na nilang mag ihaw ng kung anu anong mga sea foods at mga naglalakihang isda.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoOn viuen les histories. Descobreix ara