Chapter 25

6.6K 268 27
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 25.....

NEW YORK....

Nasa isang sikat na restaurant  ang mag i ina na sina Don Robert, Donya  Imelda at Shannon para sa selebrasyon ng wedding anniversary ng mag asawa. Patapos na silang kumain noon ng may maalalang itanong si Shannon sa kanyang mommy.

"Mommy, do you remember that I gave a ring one year ago?" alinglangang tanong ni Shannon sa kanyang ina na ikinakunot naman nito ng noo.

"I think no iho" umiling pang sagot ni Donya Imelda........"Bakit mo naitanong iyan sa akin?" balik tanong niya kay Shannon na napabuga ng hangin.

"No-nothing mommy" malungkot na sagot nito sabay inom ng malamig na tubig........"Where is that ring?" tanong nito sa sarili na napatulala nalang sa hindi maisip kung saan niya ibinigay ang singsing na sinasabi ng babae.

"Anong singsing iyon huh, Shannon?" tanong naman ni Don Robert dahil napansin niyang parang intresado ang anak sa naturang bagay.

"Nothing daddy, just ignore it" matamlay na sagot ni Shannon saka tumayo ito at lumabas ng restaurant at tinungo ang kotse ng kanyang daddy saka napasandal siya na nakatingala sa kalangitan........."I want to know kung sino ang babae na binigyan ko ng singsing na iyon!  Maybe, she can help me to bring my memory's back" aniya sa sarili at napapikit na nakatingala sa langit.

Makalipas ang isang linggo....

Abala si Shannon sa pag i empake ng kanyang mga gamit. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay para siyang na e excite na umuwi ng Pilipinas. He don't have any idea to live there again because of the amnesia that he have suffering that moment.

Matapos niyang maihanda ang gamit niya ay naligo na siya at nagbihis. Naghihintay na ang kanyang mommy sa may sala na siyang kasama niya sa pag uwi dahil ang daddy niya ay pupunta ng London for two weeks kaya silang mag ina lang ang uuwi ng Pilipinas.

"Ready mommy!" sabi pa niya sa kanyang ina na para bang batang na a atat na makauwi sa sarili nitong bahay.

"Yes, I'm ready!" sagot naman ni Donya Imelda at bubuhatin na sana ni Shannon ang bagahe nilang mag ina ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Jane.

"What are you doing here?" pormal ang mukhang tanong ni Shannon sa dalaga.

"I drop by only just to say goodbye. Shannon, I know that I made a big mistake to you that's why I begging your forgiveness. Sorry if I was so desperate to be with you. Alam ko naman noon na mali ang ginawa ko ngunit dahil sa aking obsession saiyo ay hindi ko na naisip pa ang tama dahil ang tanging gusto ko lang noon ay mapasa akin ka." nangingilid ang luhang sabi ni Jane........."Please forgive me Shannon, sana mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pagkakamali bago ka man lang umuwi ng Pilipinas" nagmamakaawang wika ni Jane na akmang luluhid sana ngunit pinigilan siya ni Shannon.

"Since pinagsisihan mo ang iyong pagkakamali, ano ba ako para hindi ko ibigay ang iyong hinihingi. Sana ay maging aral sa iyo ang nangyaring iyon. Thanks also sa mga oras na dinamayan mo ako ng ako ay na comatosed at sa mga panahong inilaan mo sa akin. Siguro ay hindi ako ang nararapat na lalaki para sa iyo. Maybe, one day ay makikilala mo rin siya at magiging maligaya ka sa piling niya" sabi ni Shannon at ng yumakap sa kanya ang dalaga ay niyakap rin niya ito na para bang kapatid lang o kaibigan.

"Tita, I'm so sorry too sa inyo ni Tito Robert" baling ni Jane sa Donya at ngumiti lang ang Donya na yumakap sa dalaga.

"Everyone has done a mistake but it's not to late para itama ito at muling mabuhay sa wastong paraan" sagot ni Donya Imelda.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora