Chapter 12

6.4K 226 9
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 12...



Mula ng nakaalis na patungong Japan si Shannon ay parang naging  malungkot ang bawat araw ni Aslea kahit na paminsan minsan ay tumatawag sa kanya ang binata dahil nasanay na siyang laging kapiling ito, nasanay na siya sa bawat paglalambing ni Shannon, lalo na ang makulong sa bisig ng binata.

"Ang hirap ng magkalayo kayo ng mahal mo, parang hindi umiikot ang orasan at kaybagal ng pagtakbo nito" ani Aslea sa sarili na noon ay nasa kanyang silid at hinihintay ang pagdalaw sa kanya ng antok dahil ilang gabi na siyang hindi nakakatulog ng mapayapa mula ng umalis si Shannon, tatlong araw na ang nakakalipas........"Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko, gusto kong laging mukha niya ang nabubungaran ko sa bawat umaga nang aking paggising. At ngayong nasa malayo siya ay parang kaybigat ng aking dibdib" wika pa nito at tuluyan ng bumalong ang kanyang luha na siya namang pagtunog ng kanyang cellphone at si Shannon ang nasa kabilang linya.

"Babe, umiiyak ka?" agad na tanong ni Shannon ng marinig nito ang mahinang paghikbi ni Aslea.

"Miss na miss na kasi kita, babe!" sagot ni Aslea na kagat kagat ang ibabang labi para maiwasan niya ang mapahikbi ng malakas.

"Kunting tiis nalang babe dahil ilang araw nalang at magkakasama na ulit tayo" mlungkot na sabi ni Shannon sabay buntong hininga ng malalim.

"Parang ang tagal tagal mo na kasi! Hindi na ako sanay na hindi kita katabi, hinahanap hanap ko ang mga paglalambing mo, hindi ako makatulog ng ilang gabi na dahil mag isa lang ako sa kama" parang batang sumbong nito kay Shannon kaya naman parang piniga ang puso ng binata.

"Babe, kung pwede nga lang sana na uuwi na ako ngayon din ay ginawa ko na, gustong gusto na kitang makapiling. I really miss you babe!" parang bikig ang lalamunan ni Shannon sa bawat salitang binibigkas nito dahil sa pananabik na niya sa kanyang mahal na alam din niyang nangungulila sa kanya.

"Don't worry babe, I'll be alright! Wag mo na akong alalahaning masyado, na miss lang kita kaya ako nagkakaganito. Kasi gusto kong makita ka ng personal, gustong titigan ang iyong mukha and I want you to hug me tight" muling wika ni Aslea.

"Saturday night I'll be home already and be with you my babe" malambing na sabi ni Shannon.

"I will wait for you babe,don't worry to much because I'm okay now. Kahit na boses mo lang ang narinig ko ay okay na sa akin" pagpapanatag ni Aslea sa isipan ni Shannon.

"Okay babe, you may sleep now para makapagpahinga kana. Good night and I love you so much, babe!" ani Shannon at nag smack kiss pa sa kanyang cellphone.

"I love you too babe and good night, ingat ka lagi diyan and I miss you so much" sagot ni Aslea saka nito pinatay ang kayang cellphone at kinumutan ang sarili ng kanyang blanket at niyakap ng mahigpit ang kanyang unan na siyang ginagamit ni Shannon sa tuwing natutulog ito sa kanyang bahay at kung minsan ay siya naman ang dinadala ni Shannon sa pad nito at doon sila natutulog na magkasama na parang isang mag asawa.

-------

Pilit na inabala nalang ni Aslea ang sarili upang kahit papaano ay malibang libang siya. Isang araw ay dinalaw niya ang kanyang mga magulang sa bahay nila at nagkataong naroroon naman ang kanyang kuya at ang pamangkin nito at maging ang kanyang hipag na si Girlie.

"Tita Aslea, bakit po ang tagal mong hindi nagpapakita sa akin?" maang na tamong ni Gracielle habang nagme meryenda sila sa may kusina.

"Busy kasi lagi ako pamangkin kong maganda kaya pasensiya kana kung hindi kita gaanong nabi bisita sa bahay ninyo" sagot naman ni Aslea sa kanyang pamangkin na tumango bilang pagsang ayon.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now