Chapter 10

7.2K 245 8
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 10...

Nagising si Aslea dahil sa tawag ng kalikasan, nagtaka ito dahil wala sa kanyang tabi si Shannon. Agad niyang hinanap sa loob ng kanyang bahay ang binata at nakita niyang naroroon sa kusina at nagluluto ng kung anuman doon kaya napangiti siya saka muling nagbalik ng kanyang kwarto at dumiretso sa banyo.

Alas sais na ng umaga ngunit medyo madilim dilim pa ang paligid, maya maya ay napagpasyahan ni Aslea na maligo na para kaya't kinuha niya nag kanyang bathrobe at nagtungo sa shower room at naligo ng matapos ay nagpahid ng lotion at cream sa mukha nito at tinuyo ng hair blower ang buhok saka muling sumampa ng kanyang kama dahil pakiramdam niya ay kaysakit ng buo niyang katawan at tinatamad siyang bumangon.

"Morning babe! Gising kana pala at bagong shower pa?" kaylawak ng ngiti ni Shannon na dala dala na nito ang pagkaing niluto niya at nakalagay sa may tray.

"Morning too babe! Medyo maalinsangan ang panahon kaya naligo na ako" sagot ni Aslea at tiningnan niya ang niluto ni Shannon at parang nakaramdam siya ng gutom....."Hmm marunong karin palang magluto ah babe?" dagdag pang wika nito saka lumapit ng bahagya kay Shannon.

"Syempre naman babe! Marunong akong gumawa ng baby kaya dapat na marunong din akong magluto" ngingiti ngiting sagot ni Shannon saka nito kinabig payakap ang dalaga sa kanya kaya naman nakasandig na si Aslea sa hubad na dibdib ni Shannon at tanging short lang ni Aslea ang suot nito na nakalkal niya sa may wardrobe ng dalaga at buti nalang dahil stretchable ito kaya kumasya sa kanya.

"Diyan ka naman magaling eh pero wala ka pang napapatunayan!.." nakalabing sagot ni Aslea.

"Iyan ang akala mo babe, soon magkakaroon din ako ng little Shannon at kasing gwapo ko pa!.." nagmamalaking turan nito.

"Eh papaano kung little Aslea, hmm?.."

"It's okay lang kung boy or girl basta ba may baby tayong dalawa!.." ani Shannon saka nito niyapos ang tiyan ni Aslea sa loob ng suot nitong damit at gumala ang kamay nito sa kung saan saan.

"Babe naman eh! Pwede bang kain muna tayo dahil gutom na ako" wika ni Aslea ngunit napasinghap siya ng dumapo ang kamay ni Shannon sa pagitan ng kanyang hita.

"Unahin muna natin ito babe kasi baka magka apendix tayo if mauuna tayong kumain bago ang, hmm alam muna!.." nanunudyong sagot ni Shannon at wala ng nagawa pa si Aslea ng tuluyan ng hubarin ni Shannon ang kanyang saplot at muli ay nilasap nila ang mainit na umagang iyon na punong puno ng mga impit na ungol at paanas.

Halos naubos nilang dalawa ang pagkaing niluto ni Shannon dahil sa matinding gutom na naramdaman nilang dalawa. Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Shannon at napakunot ang noo nito ng makitang ang daddy niya ang tumatawag.

"Good morning daddy, ang aga niyo namang tumawag and how could you know na nandito na ako sa Pilipinas eh hindi ko naman sinabi sa inyo ang araw ng pag uwi ko?" ani Shannon sa kanyang ama na nasa kabilang linya.

"Iho, papunta ka palang ay pauwi na ako kaya hinding hindi mo ako mauuto kung sakali man!.." sagot ni Don Robert sa kanyang anak.

Napangiwi si Shannon na noon ay nakaakbay kay Aslea at nakasandal sa may head board ng kama habang nakasandig naman sa kanyang dibdib ang dalaga at nakayakap kay Shannon........."Oh I see!.." napakindat pa na nakangiti si Shannon kay Aslea habang sinasagot ang mga sinasabi ng daddy nito.

"Where are you now, Shannon? Don't tell me na nasa bahay ka ng mga babaeng inuuwi mo dahil kagagaling ko lang sa iyong pad at tinanong ko ang guwardiya a sinabi nitong kagabi ka pa umalis ngunit until now ay hindi ka pa bumabalik!.." may galit sa boses ng Don kaya naman parang nahimasmasan si Shannnon.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now