Chapter 19

5.9K 236 32
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 19...

"Ano ba kayo, gusto niyo bang magpatayan huh!!..." galit na sigaw ni Homer na noon ay hawak hawak parin niya si Ulysses at si Keith ay hawak hawak ni Nathaniel na noon ay parang ayaw paring paawat.

"G*go ang kaibigan nating iyan eh! Kung hindi sana sa makitid niyang utak ay hindi sana wala sa ganoong sitwasyon si Shannon!.." pasigaw na sagot ni Keith na balak pa nitong sugurin si Ulysses.

"Bro's, pwede ba na pag usapan nalang natin ng mabuti ang lahat? Kahit na magpatayan kayong dalawa eh hindi na maibabalik ang nangyari na! Instead, we have to pray for him na sana ay naging succesful ang ginawang operasyon sa kanya!" hindi nakatiis na sermon ni Nathaniel.

"Yes, that's true!" sang ayon ni Homer.

Biglang naupo sa may damuhan si Ulysses at doon ay napaiyak ito......."Aaaaahhhh!!..." napakalakas ng sigaw niya na halos nag echo pa ito sa paligid na nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Please calm down,bro!" nakikiusap na wika ni Homer.

"Inaaamin ko na what was happened is my fault. When I heard that he is the father of Aslea's baby ay nagalit ako ng husto kay Shannon. I was bilnded with my anger, parang nilamon ako ng aking galit. Hindi ako nakapag isip ng tama noon dahil takot at galit ang nasa puso ko. Natakot ako para sa kaisa isa kong kapatid na babae, and as a brother of Aslea, I need to protect my dear sister lalo pa at alam naman nating lahat kung papaano paglaruan ni Shannon ang mga babae. Kung kayo ang nasa katayuan ko ay baka gagawin din ninyo ang magalit kay Shannon ng time na iyon lalo pa at hindi niyo naman alam na may lihim pala silang relasyon. At the same ay pakiramdam ko ay trinaydor niya ako dahil tinalo niya ang aking kapatid but, I didn't wish that this would be happen." garalgal na pahayag ni Ulysses........"Kung nag aalala kayo at nahihirapan sa kalagayan ni Shannon, mas lalo na ako dahil sa kalaban ko ang konsensiya ko! Simula nang mangyari ang trahedya ay hindi na natahimik ang isip ko. Hindi ako makatulog ng maayos, parang kaydaming malalaking bato ang nakadagan lagi sa aking dibdib. Ang hirap na makikita mo ang kapatid mo na nagdurusa lalo na ikaw ang siyang dahilan ng lahat. Kung maaari ko lang na ibalik ang mga nakalipas na sandali ay ginawa ko na para matapos na ang gulong ito!" napatingala sa langit na saad ni Ulysses at ni hindi alintana ang mga sugat nito sa kanyang mukha.

"Magsisisi ka man ay huli!.." singhal ni Keith kay Ulysses.

"Yeah, you're right! Kaya kung galit kayo sa akin ay wala akong magagawa, kahit patayin mo pa ako ay hindi ako lalaban sa iyo dahil kahit sa ganung paraan lang ay mabawasan naman ang bigat ng aking dibdib" yugyog ang balikat na turan ni Ulysses.

"Bro, wag naman nating sirain ang ating samahan! We've been friends for how many years kaya dapat ay magtulungan tayong ayusin ang gulong ito dahil hindi natin maso solusyonan ang problemang ito kung hindi tayo nagkakaintindihan" malumanay na sagot ni Homet na medyo naawa kay Ulysses dahil napansin din niya ang pagbagsak ng katawan ng kaibigan.

"Hindi ko lang matanggap ang nangyari kay Shannon. He helped me the time when I was down. Importante sa akin ang ating samahan kaya masakit na makita ang ating pinaka bunso sa ganoong sitwasyon na nakikipaglaban kay kamatayan" napaiyak naring tuluyan si Keith dahil sa sama ng loob.

"Pare-pareho lang tayo na nasasaktan sa nangyari sa atung kaibigan, kaya wag na tayong magsisihan pa dahil  hindi naman ito nakakatulong sa kanya. Let us pray nalang ang tanging maitutulong natin sa ngayon dahil kahit na anong balita ay wala tayong alam kung ano na ang lagay ni Shannon ng mga sandaling ito" pahayag ni Nathaniel na tumango naman si Homer bilang pagsang ayon.

Natahahimik ang apat na magkakaibigan hanggang sa biglang tumayo si Ulysses at binuhat niya ang kanyang gamit sa golf........"I have to go first" matamlay nitong sabi saka nagmartsa na patungo sa nakaparada niyang kotse at iniwan ang tatlo pa niyang kaibigan.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now