Finale

15K 428 69
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
FINALE.

......RATED SPG....

Pagkalipas ng isang oras ay dumating na nga si Keith at kasama nito ang ilan sa mga staffs niya sa KRAB. Dinala nga niya ang mga pagkaing naluto na para sana sa three months birthday ng kambal na sina Baby Shantelle at baby Shane.

Pagkababa palang ni Keith sa may kanyang sasakyan ay halos patakbo itong lumapit sa kinaroroonan ni Ulysses at Shannon habang kausap nila ang mga magulang ni Aslea.

"Walang hiya ka, bro! Bakit ngayon ka lang huh!" pasigaw na sabi ni Keith at nagkayakapan ang magkaibigan at muli ay nauwi sa iyakan at maya maya pa ay dumating din sina Nathaniel at Homer na halos sumunod lang kay Keith.

"Walang hiya ka, Bro! Ang tagal ka naming hinintay na bumalik ngunit ni walang Shannon na bumalik? Lumabas na pati ang mga kambal mo ay wala ka parin kaya hayan tuloy hindi mo sila nasilayan sa kanilang paglabas!" ani Homer na noon ay naluluha narin at maging si Nathaniel.

"Mga bro's, kaya hindi ako nakabalik agad ay dahil na comatosed ako and after that ay nagka amnesia ako" sagot ni Shannon at ikinuwento nito sa mga kaibigan ang lahat ng kanyang napagdaanan after the accident at napaiyak ang mga kaibigan nito dahil sa nalamang iyon.

"Kaya pala hintay kami ng hintay sa iyo pero hindi kana dumating" ani Nathaniel.

"Bakit hindi man lang ipinaalam ng pamilya mo sa amin ang iyong kalagayan?  Sana kung nalaman namin ang sitwasyon mo ay baka nakatulong kami sa iyo para agad mong naalalaa ng iyong nakaraan. Baka hindi sana umabot ng isang taon na nawala ka dito? Sana nasilayan mo pa ang paglaki ng tiyan ni Aslea or rather ay baka kasal na kayo ngayon!" ani Homer kay Shannon.

"Hindi ko alam mga bro kung anong rason ni mommy at daddy bakit hindi nila sinabi sa inyo. But anyway, hindi na mahalaga iyon dahil naririto na ulit ako. I'm alive at balik sa dati na ang aking buhay. I'm so happy dahil hindi lang pala iisa ang baby ko kundi kambal pa at muli kong itutuloy ang nasimulan kong pangarap. Ang mga plano namin ni Aslea, magpapakasal kami at magsisimula kaming muli, kasama ng aming kambal" mangiyak ngiyak na saad ni Shannon.

"Group hug!" maya maya ay sigaw ni Ulysses kaya nagkayakapan ang mga magkakaibigan at bawat isa sa kanila ay hilam ang  luha sa kanilang mga mata. Luha ng kagalakan dahil sa muling pagbabalik ng kanilang kaibigan at sa muling pagkakabuo ng kanilang samahan.

Nakangiti naman na pinapanuod ni Aslea ang mga magkakaibigan at maging siya ay napaiyak dahil sa emosyonal na pagkikita muli ng mga ito. Maging ang mag asawang mommy Pretty at daddy Renan ay naging emosyonal din habang nakamasid sa mga magkakaibigan na para bang mga bata na ilang taon na hindi nagkita at miss na miss nila ang bawat isa.

Pagkatapos ma i set ang  mga pagkaing dala ni Keith ay agad na tinawag ni Aslea ang mga magkakaibigan upang kumain. Kinuha naman ni Aslea ang kanyang baby Shantelle kay mommy Pretty para makakain ang ina nito at si Shannon ay kinuha si baby Shane mula kay daddy Renan.

"Babe, I will call mommy at papupuntahin ko siya dito" wika ni Shannon kay Aslea na tumabi ng upo.

"Okay babe" sagot ni Aslea na kinuha ang milk bottle ni baby Shantelle sa may pram para padedehin ang anak. Ngunit ng makita ni baby Shane ang gatas na hawak ni Aslea ay nagkakawag din ito na para bang gustong abutin ang gatas.

"I think baby Shane, want to drink milk also" ani Shannon saka nito hinagkan ang anak at pati ang anak nila na karga karga ni Aslea ay hinagkan din niya ito. Pareho nilang pinapadede ang mga kambal at pinagmamasdan ni Shannon ang pagdede ng kanyang mga anak at nakangiti ito.

"Babe, bakit na nakangiti?" maang na tanong  ni Aslea kay Shannon at muli na naman itong napangiti.

"I just thinking kung saang lugar ba natin sila nabuo? Maybe, in the bathroom, in the living room or kama?" pabulong na sabi ni Shannon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now