Chapter 17

5.8K 257 28
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 17....

Taranta ang mag asawang daddy Renan at mommy Pretty at maging si Ulysses ay kinabahan ng sabihin ng kapatid ang salitang DUGO.

"Ang baby ko!! Ang baby kooo!!.." histerikal na sigaw ni Aslea na iyak na ng iyak ito.

"Huminahon ka Aslea! Please calm down anak!!" halos hindi malaman ni Daddy Renan ang kanyang gagawin habang nakatingin sa hita ng anak na umaagos ang dugo.

"Ulysses, tawagin mo ang doctor!.." pasigaw na utos ni mommy Pretty sa kanyang panganay dahil sa sobrang pag aalala at agad namang tumalima si Ulysses.

"Mommy, daddy ang baby ko hu hu hu!.. I don't want to lose my baby!" hagulgol ni Aslea na nanginginig sa takot at sobrang pag aalala.

"Iha, please calm down! Hindi mawawala ang baby mo! Just calm down para hindi ka lalong duguin" ani mommy Pretty kay Aslea saka pinaupo sa may kama ngunit ang dibdib nito ay abot abot ang kaba.

Agad namang dumating ang doctor kasama ni Ulysses na noon ay hindi mapakali at namumula ang gilid ng mga mata nito habang nakatingin sa kanyang kapatid na panay ang iyak dahil sa takot at pangamba.

"Doctor, please help me save my baby! Ayokong mawala ang anak ko, ayokong mawala siya dahil mahal na mahal ko siya!" halos nagmamakaawang turan ni Aslea sa doctor.

"Mam, calm down po muna kayo. Wag kayong maghisterikal para hindi kayo duguin na lalo." sagot ng doctor at maya maya pa ay dumating ang mga assistant nito at nilagay sa may kamang de gulong si Aslea at ipinasok sa may private clinic ng doctor at doon ay isinagawa ang pagsusuri sa dalaga.

Naiwan ang tatlo na sina Ulysses, daddy Renan at mommy Pretty sa kwarto. Palkad lakad si mommy Pretty at hindi mapakali na parang nanlalamig ang kanyang  buong katawan sa sobrang takot at naguguluhan din siya sa mga pangyayari ng sandaling iyon. Dahil ang ama ng dinadala ni Aslea ay nasa bingit ng kamatayan at maging ang nasa sinapupunan ng dalaga ay nanganganib pang mawala ito.

"Oh Diyos ko! Wag Mo namang pahintulutang mangyari ang sandaling kinakatakutan ko. Sana Po ay iligtas Mo ang mag ama sa panganib, wag Mo silang kukunin sa anak ko dahil baka hindi niya kayanin ito" napaluha na ng tuluyan si mommy Pretty at si daddy Renan naman ay taimtim na nagdarasal para sa kaligtasan ng mag ama.

Maya maya ay napalingon ang mag asawa kay Ulysses dahil bigla itong humagulgol sa iyak....."It's all my fault!... Kasalanan kong lahat ang mga nangyayaring ito! Kung hindi ko sana sinunod ang bugso ng aking galit ay sana hindi na nalagay sa alanganin ang buhay ni Shannon at ang baby nila? Sana pinakinggan ko nalang ang kanyang pakiusap kanina? Sana, hinayaan ko nalang na makapagpaliwanag siya para napakinggan ko ang kanyang nais sabihin at hindi humantong sa ganitong sitwasyon?" labis ang pagsisisi ni Ulysses at saka pinagsusuntok nito ang pader habang humahagulgol sa iyak.

"Anak, alam kong mali ang ginawa mong iyon but hindi mo naman ginusto na madisgrasya si Shannon, diba?" wika ni Daddy Renan na tinapik tapik nito ang balikat ng panganay na anak na noon ay umaagos ang dugo sa kamao nito.

Yes daddy, but hindi maalis sa isip ko na sisishin ang aking sarili sa nangyayaring ito. Inuusig ako ang aking konsensiya ,daddy! I can't help out myself staring my sister at that moment" yugyog ang balikat ni Ulysses na unti unting napaupo sa sahig na napasandal sa may pader........."All I want is to protect her dahil mahal ko ang kapatid ko. Ayaw ko siyang masaktan, ayaw ko siyang umiyak ng dahil sa kabiguan sa pag ibig. Nag iisa ko lang siyang kapatid na babae kaya ginagawa ko ang lahat upang protektahan siya at ng malaman kong si Shannon ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ay sumulak ang aking dugo. Biglang sumiklab ang aking galit dahil alam ko kung gaano paglaruan ni Shannon ang mga babae, wala siyang sineseryoso kaya natakot ako para  sa kapatid ko. At hindi ko na pinaniwalaan pa ang kanyang sinabi na mahal niya si Aslea but after the accident habang itinatakbo ko sa ospital ang aking kapatid ay saka ko lang napansin ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri, she is engaged with Shannon". salaysay nito sa kanyang mga magulang na yumakap sa kanya ang kanyang ina na noon ay umiiyak narin.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum