PASSWORD (Completed) (Raw)

By dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... More

Password
PASSWORD : Chain Reaction
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : Her secret
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : Choose
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
PASSWORD : Becoming One
Finale : I am into you

PASSWORD : We meet again!

694 36 28
By dcmuch

"Sino ka?" ang nanginginig niyang tanong sa lalaking sa palagay niya ay anim na pulgada ang tangkad. Sa gigil ay nginudngod niya ito noong hindi sumagot kaya nakarinig ng ilang ungol ang dalaga.

"Sino ka?"

Nagawi ang paningin niya sa suot nitong kwintas. Sinuri niya ang pendant na may kakaibang design at napapikit noong balyahin siya nito ng ulo dahilan upang matamaan ang matangos niyang ilong.

Makakatakas sana ito pero binaril niya ito sa kaliwang binti. Sa muli nitong pagtakas ay ang kanan naman pero muli siyang napukaw ng suot nitong kwintas noong kuminang ito samantalang madilim.



NAGISING sa reyalidad si Shery noong lumebel si Brent sa kanyang paningin.

"Okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong nito. Tumango si Shery bilang tugon matapos ay pakunwari nagtanggal ng muta. Nang mahimasmasan ay hinarap nito ang nagtatanong na mata ni Brent.

"Beautiful necklace," she unexpected appraised. Out of dismayed she turns her gazed on the right side. Minsan talaga hindi nagkakasundo ang isip at dila ko. Arg!

Sa dami ng sinabi ni Brent gulat man ay pinili niyang matawa sa sinabi ni Shery. Nagkakamot ng ulong nagpaliwanag ito, "Coleman signature necklace ito. Tingin ko may iba't-ibang uri nito dipende sa level of connection sa family Coleman. Pag-immediate family ginto at may diamonds, pag higher rank sa company ay gold at pag normal employee ay silver. Mabuti't nagustuhan mo!"

Shery meet his gaze. Is it possible he have this connection with Pineda?

Shery nods yet still confused. Imposible! Hindi magagawa ni Brent ang ipapatay ako. Muling sumagi sa isip niya ang sinabi ng kanyang Lolo. Protect the Hanzrouie's Treasure.

Tumingin siya kay Brent na parang binabasa ang iniisip nito. Hindi kaya may iba pang dahilan kung bakit siya biglang naging mabait at lahat ng ito ay drama lang?

Ngumiti si Brent kung kaya't napangiti rin siya. Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi magagawa ni Brent ang lahat ng 'yon kilala ko siya.

Apat na taon akong nawala. Sa apat na taong iyon madami ang pwedeng magbago.

"Brent?"

Dahil sa pagtawag niya napahinto si Brent sa pag-abot sana sa kanyang kamay, "Hhmmm?"

"May gustong pumatay sa akin at may kaparehas siya ng ganyang kwintas," kwento ni Shery habang tulala. Agad nabahala si Brent at parang nataranta. Lumingon pa ito sa paligid at umaktong parang pinoprotektahan si Shery kung kaya't si Evo na nagkukubli sa dilim ay nangisi.

Agad hinawakan ni Shery ang magkabilang balikat ni Brent para pahintuin. Ipit sa pagtawa niyang wika, "Ito naman hindi mabiro." Tinakpan niya pa ang bibig saka napa-upo. Hindi kasi niya mapigilan ang labis na kasiyahan sa inakto ni Brent.

Brent didn't find it funny. He's is now worried.

Gayunpaman nakita ni Shery ang sagot sa kanyang kaisipan. Brent is out of the crime. Sana lang pumayag ito sa susunod niyang drama. She needs the necklace.

Tumayo si Shery saktong dutdot naman ni Brent ng kanyang ilong.

"Ikaw ha pinagti-tripan mo ako. Hindi magandang biro 'yon kung gusto mo ng kwintas ko ibibigay ko sa'yo. Huwag mo nang uulitin 'yon dahil pag may totoong gustong pumatay sa'yo..." Huminto ito at napalunok. Bakas din sa mata nito ang pag-aalala kay Shery. "... Hindi ko mapapatawad ang taong gagawa sa'yo no'n. Ako. Ako ang papatay sa kanya kahit pa sa impyerno papatayin ko siya."

Ang nangingiwing mukha ni Shery ay naging seryoso dahil sa mabigat na pinawalan ni Brent.

To her surprise, mula sa likod isinuot ni Brent ang kwintas sa kanya saka ngumiti. "Wow bagay ah teka ano 'to?"

Tinuro ni Brent ang bilog na pilat sa kanyang likuran. Tapat iyon ng kanyang puso kung kaya't napa-abante siya.

Sa apat na taon kong pamamalagi roon isa iyan sa proweba.

"Likot mo kasi ayan nagkasugat ka pa sa likod," pangaral ni Brent na ikinangiti niya.

Sa noo'y pagsilip niya sa pendant siyang tunog ng cellphone ni Brent. Saglit itong nagpaalam saka tumalikod kaya si Shery na minamasdan maigi ang kwintas ay nagitla noong kuminang ito.

Tumingin siya sa harapang bahagi saka nagmasid. Weird wala namang ilaw sa gawing 'yon. Isa pa puro halaman ang naroon?

"Gusto ko pa sanang mag-usap tayo ang kaso may pinapagawa si Daddy. Ihahatid na kita!"

"Hindi na. Ah ang ibig kong sabihin dala ko ang sasakyan ko isa pa may naiwan akong gamit babalikan ko pa 'yon." Aalis na sana siya nang higitin ni Brent ang kaliwang kamay niya. "I insist. Please!"

Walang nagawa si Shery kundi ang magpatianod. Tahimik lamang siya sa paglakad. Pilit niyang inaalala ang kwintas. Hindi iyon iilaw ng walang dahilan. Posibleng may ibang tao kaming kasama.

Napahinto si Brent noong hilain ni Shery ang kanyang kamay.

Nagtatanong ang mga mata ni Brent samantalang ang kay Shery ay humihingi nang paumanhin.

"Kailangan ko talagang balikan 'yung gamit ko. Mahalaga 'yon sa akin."

Kitang-kita ni Brent ang sinseridad sa mata ni Shery kung kaya't muli siyang humawak sa kamay ni Shery, "Sige kukunin natin 'yon."

"Hindi. Ako nalang. Ano ka ba hindi ba't may pinapagawa pa sa'yo si Tito. Go ahead!"

Humigpit ang hawak ni Brent sa kamay ni Shery kaya si Evo na kanina pa nanonood sa kanila ay umiwas ng tingin.

"Sige na."

Hinila ni Brent si Shery saka hinalikan sa noo, "Tawagan mo ako pag nakauwi ka na."

"Tatawag ako!"





---





HININTAY ni Shery mawala sa kanyang paningin si Brent saka tumalikod. Ilang minuto siyang nagmasid saka humakbang ng lima.

"Ikaw d'yan labas!" ma-otoridad niyang sigaw na ikinagitla ni Evo.

Ayaw niyang magkita sila nito sa ganitong sitwasyon. Gusto niyang umalis na pero ang kanyang mga paa ay ayaw sumunod. Ipinikit niya ang mata saka bumuntong hininga. Buo na ang pasya niya magpapakita na siya. Hahakbang na sana siya nang biglang may isa pang imahe ang lumantad sa harap ni Shery.

Tim?

Nakangiti ito na para bang pagkakataon niya na upang angkinin ang babae sa harapan niya. Samantalang ang kalmadong si Shery ay nag-iba ang awra.

Kinakabahan si Evo para kay Shery. Hindi kasi ang tipo nito ang may alam sa self defense. Napa-abante siya noong maglabas ng patalim si Tim.

Kaklase niya ito sa ilang subject. Maraming nagagalit na professor dito dahil palaging ginagawang kalokohan ang project na pinapasa kahit ang thesis. Mahilig ito sa kalokohan pero anong kinalaman ni Shery at bakit ito ang napagdiskitahan nito? Hindi kaya may nag-utos sa kanyang gawin ito? Pero sino?

Nagising sa reyalidad si Evo noong umiyak sa sakit si Tim. Ngayon kasi ay hawak ni Shery ang parehas na kamay nito sa likod at humahalik sa sahig.

"Sino ang nag-utos sa iyo nito?" singhal ni Shery kay Tim na ikinasingkit ng mata ni Evo.

May hinilang bagay si Shery sa leeg ni Tim saka mabilis na isinilid sa bulsa.

"Hindi ka aamin?"

Sa mabilis na paraan na siyang ikinahanga ni Evo nagawang tanggalin ni Shery ang suot na t-shirt ni Tim saka ginawang tali sa kamay nito. Gamit din ng kanyang panyo na nakuha sa bulsa ay itinali rin ang parehas na mga paa nito.

"Anong gagawin mo sa'kin?" ang natatakot na tanong ni Tim na ikinataas naman ng kaliwang kilay ni Shery.

"May kailangan lang akong gawin."

Pagkabitaw ng mga katagang iyon binigyan nang malakas na suntok ni Shery si Tim mula sa likod na ikinawalang malay nito.

Namilog ang mata ni Evo sa kanyang nakita. Mula kasi sa kanyang pwesto ramdam niya ang yanig ng lupa sa lakas ng suntok ni Shery.

Tuluyang nanginig ang panga ni Evo. Salo ang dibdib nakaramdam siya bigla ng takot kay Shery. Hindi siya ang Shery na nakilala ko. Hindi siya tao!



---





"You want bread?" Cage asked Shery.

Buhat kahapong natuklasan ni Shery ang kwintas madaming tanong at palaisipan ang gumugulo sa kanyang isip. Idagdag pang na badtrip siya dahil wala manlang larawan si Evo Craig na kita ang mukha samantalang sa pagkakatanda niya sinabi ni Perry lahat ay naroon kalakip ng larawan.

"Hays hindi ako makapaniwalang dahil lang sa nangyari kahapon naging pipe ka na. Earth to Shery. Earth to Shery are you there?" drama ni Cage kunwari ay may kinakausap sa kaliwang upuan gamit ng cellphone niya.

Inirapan ni Shery si Cage saka iginawi ang paningin sa kaliwang bahagi. Nagtama ang parehas na paningin nila ni Cambria na naka-upo sa ikatlong lamesa mula sa kanila ni Cage.

Kinawayan siya nito pero mas pinuna ni Shery si Katie na kasama si Brent na ngayon ay nakapila.

Naalala niya kagabi na sinabihan niya itong pumunta sa kanila dahil may mahalaga siyang sasabihin. Sinuri niya ang leeg ni Brent. Mabuti naman at sinuot niya 'yon.

"Hala ngayon naman nakangiti ka? Hala susko kesa mabaliw magpapakalalaki nalang siguro ako," reklamo ni Cage habang hinihilot ang sentido.

Nawala ang ngiti sa labi ni Shery at nagawi sa nagda-dramang kaibigan. Nairita siya sa narinig kaya pinitik niya ang ilong nito, "Alam mo tama ka. Bakit hindi mo na simulan ngayon?"

Mula sa pagdaing sumeryoso si Cage saka inilapit ang mukha kay Shery.

"Tingin mo bagay sa akin maging totoong lalaki?"

Namula si Shery sa ginawa ni Cage kung kaya gamit ng hintuturo tinulak niya ang noo nito palayo sa kanya.

Bigla tuloy sumagi sa isip niya si Clothe Man. Sa tindig nitong lalaking-lalaki. Mga ngiting labis na nagpapawala sa kanyang matinong pag-iisip. Ang mga mata nitong nanunuri.

Agad siyang tumayo at iniwan si Cage.

Anong nangyayari sa akin? Bakit sa dinami-rami nang iisipin siya pa? Sapo ang noo tumawa nang mapakla si Shery, "Clothe Man hambog ka ngang totoo!"

Dala ng inis lumakad siya nang lumakad. Hindi alam ang patutunguhan kung saan lang dalhin ng kanyang mga paa.

"May superpower ka ba Clothe Man? Kasi na hipnotismo mo yata ako para hindi mag-isip sa problema at mas piliin na isipin ka?"

Handa na sana siyang sumigaw nang bigla niyang maalala na wala siya sa kwarto niya para umakto ng ganoon. Naiiling sa ginawang kalokohan tumalikod siya para sana balikan ang naiwang si Cage kaso nagitla siya sa lalaking nakaupo sa isang bench.

Kanina pa ba siya d'yan?

Nakalapat ang parehas na braso nito sa sinasandalan na bench at natatakpan ang mukha ng librong sa palagay niya ay binabasa nito. Tulog ba 'yan? Baka nagpapanggap na tulog dahil narinig niya ako?

Handa na sana siyang tumakbo ng bigla mapahinto.

"Teritoryo ko ang parteng ito ng eskwelahan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pag-iingay mo pero siguro napansin mong may tulog na tao rito sana tumahimik ka nalang habang dumadaan."

Namimilog ang matang hinarap ni Shery ang binatang natutulog kasabay naman ang pagtanggal nito ng librong tumatakip sa kanyang mukha.

Clothe Man?


Nangunot ang noo ni Evo siguro ay hindi pa niya naaaninag ng maayos ang pigura ni Shery pero kinalaunay nakilala rin niya ito agad.

Hindi alam ni Shery ang sasabihin niya. Parang nawalan siya ng boses at nanuyo ang lalamunan. Napalunok siya saka bumulong. Hindi iyon narinig ni Evo kung kaya't iginawi nito ang paningin sa harapang bahagi.

Ilang minuto ang lumipas na tahimik lang ang dalawa. Walang may gustong mauna magsalita pawang parehas nagpapakiramdaman. Si Shery na nakatayo buhat kanina ay hindi manlang natinig sa pangangawit. Nakapirmi lang ito sa pwesto at taimtim na sinusuri ang kabuoan ni Evo na hindi nakatingin sa kanya.

Bakit hindi ka magpaliwanag? Humingi ka ng sorry!

Maya-maya'y nilingon ni Evo si Shery. Parang nabigyan siya ng pag-asa noong tumayo ito kung kaya't inayos niya ang pagkakatayo.

"Ouch!" daing ni Shery habang salo ang noong natamaang ng librong binato ni Evo sa kanya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" reklamo niya habang nakapikit pero nakaturo ang hintuturo kay Evo na nabigla sa pangyayari.

"Ang sakit ha. Hambog na 'to!"

Halos mabaliw si Shery nang makita ang dugo sa kamay niya. Medyo kalakihan kasi ang naidulot na sugat sa noo niya kaya si Evo na nakatulala ay agad siyang dinaluhan.

Mula sa pagkabigla napalitan ng inis ang nararamdaman ni Shery kay Evo noong buhatin siya nito. Ang masama pa' y hindi siya nito sa clinic dinala kundi sa parking lot.

"Hambog ka ibaba mo ako. Gusto mo bang mamatay ako dahil mauubusan ako ng dugo ha?"

Pilit niyang pinapalo ang dibdib ni Evo siyang pagkahigpit nang hawak nito.

"Hambog ka talaga!"

Nakaramdam nang pangangawit si Shery pero pilit niyang pinapalo sa dibdib si Evo hanggang sa pahina na iyon ng pahina.

"Hambog ka!"

Labis ang tampo niya kay Clothe Man. Kung itrato kasi siya nito ngayon ay parang hindi kilala.

Maya-maya'y hindi niya na kinaya ang bigat na kinikimkim. Tuluyan nang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

"Naiinis ako sa'yo!" bulong niya pero malakas para kay Evo dahil klarado niyang narinig iyon.

Huminto si Evo sa tapat ng isang Ford at hinarap ang luhaang si Shery.

"Sorry!"



[a/n Tinatamad pa ako mag-edit. Sa susunod nalang basta pagtiyagaan niyo muna ito. xD Hello sa mga naguguluhan at madaming tanong. Comment down or pm me. Enjoy! <3]

Continue Reading

You'll Also Like

30.8K 680 44
(Us Against The Fate Series #1) Behind that strong and brave woman, there is a weak and broken one who's asking for forgiveness repeatedly. A cold a...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
20.2K 679 54
Book 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out...
6.6K 166 24
This is a story of a boy named, Winter Safron who've been in a dangerous moment at his life then after, he finds the one who did that to him. And she...