Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1

Special Chapter 2

100K 1.5K 87
By teensupreme

Special Chapter 2

"I want to name our baby ... hmmm ... Kier! Kier! Yeah right, Kier, mommy!" nagsisisigaw si Gale na parang nanalo sa lotto nang nakaisip na siya ng pangalan para sa bunsong kapatid. Naka-indian seat siya tabi ko habang nagpapahinga ako sa aming couch.

Sa laki ng tiyan ko ay hirap na akong magkiki-kilos at gumawa ng gawaing-bahay. Kabuwanan ko na nga sa susunod na buwan eh. Kaya nga nag-hire pa kami ni Keaton ng ibang nanny para makatulong sa pagbabantay ng mga bata. Hindi ko kaya nang ako lang mag-isa. Minsan nga ay hindi ako nagigising sa tamang oras ng pagpasok ng kambal sa school kaya si Keaton nalang ang gumagawa nun para sa akin. Well, dapat lang, dahil ginusto niyang buntisin ulit ako.

"M-Mo-mmy! Ka-Kar-ga!" tumayo mula sa paglalaro sa kanyang playmat ang dalawang taong gulang kong anak na si Kendrix. Malikot, makulit, mapaglaro pero malambing ang anak kong 'to. Sa tingin ko nga ay alam nyang magkakaroon sya ng nakababatang kapatid kaya panay ang paglalambing nya sa aming dalawa ni Keaton.

"Naku! Naglalambing na naman ang baby Ken namin!" Nag-unat ako ng braso at baywang saka yumuko para kargahin si Ken. Pero bago ko pa man mahawakan ang anak ko ay bumukas ang malaking pinto ng bahay. Magkasunod na pumasok roon ang aking pinakagwapong hari at ang aming masungit na munting prinsipe.

"Hey, love," mabilis na lumapit sa akin si Keaton at kinintalan ako ng halik sa labi.

"Mustang lakad niyo?" I murmured.

Niyuko nya ang kumakapit sa dulo ng maternity dress ko na si Kendrix. "Magaling ng mag-bike si baby sungit," sagot nya.

"I'm not a baby anymore, dad. I'm already seven, not two like Ken," masungit na sagot ni Gray at umupo sa tabi ng kakambal na naglalaro sa iPad.

"Defensive ka, anak," tinawanan lamang ni Keaton ang panganay namin. Kinarga niya si Kendrix at pabirong tinapon sa ere, humagikgik naman ito sa ginawa ng ama."At ito namang si kulit, nagpapakarga na naman kay mommy 'no?" Isang beses pa nyang inangat sa ere at sinita ko na siya. "At ikaw naman, love. 'Wag mo na ngang kakargahin 'to, baka mapa'no ka pa eh. Malapit ka ng manganak," aniya at tumango nalang ako para tapos na ang usapan.

"Gale, nandito na ang daddy mo," paalala ko sa anak na busy pa rin sa pagkalikot sa iPad nito.

"Wait, mom. I will finish this so dad can see. Wait."

"Gale," isang beses ko pa itong tinawag sa matigas na boses at inangat ang tingin sa akin.

"Okay, okay. Hello, daddy!" tumayo si Gale sa ibabaw ng aming couch at inabot ang pisngi ng kanyang ama upang mahalikan.

"Hi, baby girl," hinalikan niya rin ang aming maarteng prinsesa sa noo. "Will you let daddy see what you're doing?" tanong ni Keaton habang karga-karga si Kendrix sa kabilang kamay. Naupo akong muli dahil napagod agad ako kahit nakatayo lang.

"Hmm. This will be the name of the baby in mommy's tummy," masayang pahayag ni Gale sa ama. "London Kier L. Salvador!" hinarap niya sa amin ang kanyang iPad. Nakasulat sa black ang pangalan na gusto nya para sa kapatid at may background itong cloud, sun at birds.

"London Kier?" umupo si Keaton sa tabi ko at kinandong si Kendrix na naglalaro na ngayon sa mga butones sa polo shirt ng ama. "Pero girl ang baby natin, diba?" tanong nya sa anak.

"But I want a baby boy!" ngumuso si Gale. "Ako lang ang baby girl!"

"Pero, baby, girl ang kapatid mo," saad muli ni Keaton. Kumunot na ang noo ni Gale at nagsimula ng magtubig ang mga mata nito. Mas lalong ngumuso ang kanyang labi at ibig magpa-alo sa kahit kanino. Sinapak ko ang braso ni Keaton.

"'Wag mo nga'ng inaaway itong baby girl natin. Come here, Gale," alo ko sa anak. Yumapos ito sa aking leeg at hinaplos-haplos ko ang buhok nito. "Hindi pa naman sure kung girl o boy eh, hindi pa nagpapa-check-up si mommy, anak."

"Sure akong babae 'yan, love," singit ni Keaton. Sinamaan ko siya ng tingin.

"But I want a boy, daddy," kontra ni Gale.

"Pero hindi natin alam kung ano ang ibibigay ni Papa God, diba, Gale? Siya ang nagbigay sa atin nitong baby kaya dapat kung boy or girl siya, dapat tanggapin mo at i-love niyo siya ni kuya Gray at baby Kendrix, hindi ba?" pangangaral ko sa anak. Tumango-tango ito sa akin at niyuko ang umbok ng aking tiyan.

"We love you, baby Salvador," hagikgik ni Gale.

"At ikaw Salvador, pa'no ka naman nakakasigurado na babae ito, aber?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Basta lang, alam ko," sagot nito at pinaupong muli si Kendrix sa playmat nito. "Ako ang gumawa nyan, love. Ako ang nag-shoot kaya syempre, alam ko!" nagtaas-baba ang kilay nito sa akin.

"I-preno mo nga 'yang bibig mo, Keaton!" singhal ko. "Hindi ka sasama sa check-up ko bukas!" pagsusungit ko.

"Sasama ako, love. Gusto kong makita ulit si baby Salvador. Na-miss ko siya eh," aniya at hinalikan ang umbok sa aking tiyan. Naramdaman ko namang gumalaw ang anak namin sa aking sinapupunan sa tinuran ng ama. Para bang na-miss niya rin ang ama kahit last month ay nagkita naman sila at gabi-gabi siyang kinakausap. "Sasamahan ni daddy si mommy, diba, baby?"

"Sama rin po me!" nagtaas ng kamay si Gale.

"Me, too," nagtaas rin ng kamay ang masungit kong si Gray.

"Sama! Sama! Sama!" hagikgik ni Kendrix at tinapon ang toy car nya sa sobrang pagtawa.

Nang sumunod na araw ay sinamahan nga ako ni Keaton sa pagpapacheck-up sa aking OB Gyne pagkatapos ihatid ang kambal sa eskwelahan. Umiyak si Kendrix nang palabas na kami ng bahay kaya no choice kami kundi isama ito sa check-up.

Nginitian ko ang aking OB nang pumasok na ito sa clinic. Magkatapat kaming nakaupo ni Keaton sa harapan ng office table habang nasa kandungan niya si Kendrix na umiinom ng gatas mula sa baby bottle nito.

"Good morning, Mrs. Salvador. Oh," natigilan ito ng tumingin kay Keaton saka ngumisi. "The daddy is here with this Kendrix guy. Good morning, Mr. Salvador. Hello there, baby boy," ngumiti din ako saka bumati.

"Good morning, doc." Umupo ito sa harapan namin at kinuha iyong records ko.

"Iba talaga itong mister mo, hija. Magaling mag-family planning," anito at sinabayan ng tawa. Natawa na rin ako pero ngumuso lamang si Keaton sa akin. Oo nga naman, one year old pa lang nun si Kendrix nang malaman kong buntis na naman ako. "Anyways, kumusta ang baby?"

Nagkatinginan kami ni Keaton. "I didn't feel anything weird at all these past few days."

"Well, alam kong alam mong good sign iyan. Pangatlo mo na ito e," palabiro talaga itong OB ko. Natawa na lamang ako. "So, we'll go and have the ultrasound. Gusto nya bang malaman ang gender ni baby?"

Tumingin ako kay Keaton saka umiling. "W-We want to be surprised," sagot ko saka ngumiti.

"Oh, that's nice. Sige, let's go."

Bago ako tuluyang humiga sa kama ay chineck ni doktora ang vital signs ko at ang heartbeat naming dalawa ni baby. She dabbed a liquid on my big baby bump and I cannot feel anything but happiness. Ganun naman kasi talaga ako, sumasaya ang puso ko kapag nakikita ko ang baby ko na nasa sinapupunan ko. I mean, it's the most perfect creation that God made.

Tumayo na si Keaton mula sa kinauupuan habang karga si Kendrix nang magsimulang ayusin ng doctor ko iyong equipment para sa ultrasound. Iyong isa nyang kamay ay humawak sa palad ko. Sinimulang ihaplos ng doktora iyong equipment niya sa tiyan ko as image were starting to show on the screen.

It took my breath away as I saw my baby bunso. Promise, bunso na talaga namin ito. Natawa ako sa iniisip.

"This is baby Salvador's head. A super healthy baby, congratulations!" Ngumiti ang doktora sa akin habang tinuturo sa aming dalawa ni Keaton kung ano ang nasa screen. "Since hindi niyo naman gustong malaman ang gender niya, I'll just keep it to myself then."

Sabay kaming tumango ni Keaton at nagtinginan. "Thank you, love," he mouthed. "I love you."

A month passed at parang paranoid si Keaton na nagpabalik-balik sa loob ng kusina. "Keaton," mahina ko siyang tinawag.

"Love, naiihi ako eh pero sige, tara na," aniya at dinampot na iyong susi pero nagkamot muli sya sa batok at bumalik sa taas. Hinaplos ko iyong tiyan ko at ginawa iyong breathing exercise na natutunan ko sa aerobics para sa mga buntis. Niyuko ko ang aking paa nang maramdaman na may tubig ng umaagos pababa sa aking mga hita.

Nanlaki ang aking mata at sumigaw. "Keaton! 'Yong panubigan ko!" Oh my God! 'Wag ka na munang lumabas, baby. Makarating lang talaga tayo sa hospital, please.

"Raine! Wala dito iyong baby bag," tinalon niya iyong tatlong huling baitang sa hagdanan namin at yumuko sa paanan ko. "Oh my God!" bulong nya.

"K-Keaton, please," ani ko at halos mamilipit sa sakit sa aking balakang. "N-Nasa kotse na 'yong bag. Sa hospital na tayo." Nauna na akong maglakad palabas ng bahay at agad na pumasok sa back seat ng aming kotse. Nagawa ko pang mag-seat belt kahit sobrang hilab na ang nararamdaman ko sa tiyan.

"Love," aniya at hinaplos ang mukha ko. "Masakit ba?"

"Shit ka Keaton! Magdrive ka na dahil nararamdaman ko nang lalabas na iyong ulo ng anak mo! Please lang!"

Kumurap-kurap ako at naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan. Parang halos mag-iisang araw na akong tulog. Ang puting kisame ang bumungad sa akin at ang amoy ng dextrose at IV. Nilingon ko iyong kamay na nasa tabi ng braso ko. Keaton was sleeping soundly. Hinaplos ko ang buhok niya at saka ngumiti.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napatingin ako roon.

"Good evening, Mrs. Salvador." Pumasok ang aking OB Gyne na may kasamang nurse. Parang tumalon ang aking puso nang makitang may dalang sanggol ang nurse. "Oh, tulog pa si daddy. Nandito na ang prinsesa nya," ngumisi ang doktora sa akin.

"Anyways, congratulations Misis! It's a healthy baby girl," anito. At lumapit ang nurse sa akin.

"Heto po ang baby niyo. Congrats po and happy valentine's day!"

"Valentine's day pala ngayon?" Talaga? I gave birth to a valentine baby, wow. Just wow. Inabot niya ito sa akin at nang hawakan ko na ito ay sobrang saya ang nararamdaman ko. She is so beautiful. She is so soft. Namumula ang kanyang halatang mestizang balat.

Umalis na rin iyong OB at nurse matapos ipaalala sa akin iyong live birth ng baby namin at na ibabalik daw ito sa nursery matapos ng dalawang oras. Marahang umiyak ang anak ko kaya naman kumislot si Keaton sa tabi ko. Nagkamot siya ng batok at napatingin sa akin na para bang isa akong multo.

"Oh, baby ko, ginising mo si daddy!"

Tumayo si Keaton at hinalikan ako sa noo. "You gave birth on valentine's day, love" bulong nya.

"Oo nga eh," ngumiti ako.

Biglang may pumasok na mga tao sa kwarto kaya napatingin kami ni Keaton ro'n. "Where's my baby brother?" ang boses ni Gale ang naulinigan ko at ang boses ng mommy ni Keaton na sinita ang pagtakbo ni Gray papasok sa kwarto. Karga ni tito Kevin si Kendrix at kumakawag ito sa hawak ng lolo ng makita ang ama.

"Is that our baby brother, mom?"

Lumapit si Keaton dito at kinuha si Kendrix. "Thank you po, mom, dad."

"Gale, she's a baby sister," ani Keaton na kinanguso ni Gale. Umupo siya sa tabi ng aking kama at hinawakan ang ulo ng panganay na anak. "Diba you promised daddy you would love your baby sibling no matter what?" Nakangiting tumango si Gale at sinilip ang kapatid na hawak ko.

"She is so cute and squishy and pretty like me," anito at humalik sa ulo ng bunsong kapatid.

"Exactly, baby girl. Parehas kayong maganda, parehas ko kayong prinsesa," ani Keaton at hinalikan rin ang bunso namin sa ulo. Napatingin si Keaton sa akin at ngumiti nang sobrang laki. "At ito ang aking walang kasing-gandang reyna."

I stare back at him as I slowly smiled. I am going to love this man forever and ever. I would spend my every breath just loving him and our children.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo. The gesture made my heart flutter, bringing me to cloud nine and made me safe and secured. "I love you so much, Raine. As long as I'm in this world, I will spend every heart beat loving you."

"I love you, too Keaton, as much as you love me, as much as I love the twins, Kendrix and baby Lovelyn."

"Lovelyn?" tanong nya.

"Yes, because she's a valentine baby. Lovelyn Kielle Lazaro Salvador."

"It sounded even more beautiful with my surname."

***

Note: Happy Valentine's Day! Baka last na 'to na special chapter, thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

753K 13.3K 26
Your Mine, Alexis. Your heart, body and soul, everything about you is mine..Reid No Reid, hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin kung kailan mo...
822K 12.3K 47
--- August 1,2014 Release date! MABIBILI NA PO ITO PPC STORES! Precious Pages Store! Php. 109.75 ♥ BIli na po kayo! BOOK 3 LINK:http://www.wattpad.co...
864K 20.4K 31
Toffer Night Dela Marcel Dela Marcel Series: Hating Him Story by: Diyosangwriter Cover by: krunchey
10.9M 221K 24
Seven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consu...