Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 17 - Red String of Fate

10.4K 331 171
By wistfulpromise

Celestine.

Ilang araw na kaming palakad-lakad ni Cello sa daan. Akala namin ay may naiwan pa kaming pera ngunit lahat pala ng iyon ay nawala sa pagsabog na naganap. Yung bag ni Cello may butas, samantalang halos wala nang laman ang akin dahil sa may ilang beses itong nahulog. Tanging mga damit na lang at ilan sa mga gamit ang natira sa amin.

Sa madaling salita, isa na kaming mga palaboy sa lugar na wala naman kaming alam.

"Malapit na raw rito sa mapa yung bahay ni Magdaleine Lozada. Konting tiis pa Celestine."

"Pwede bang umupo muna tayo? Masakit na rin kasi ang paa ko."

"Mabuti pa nga."

Umupo kami sa isa sa mga upuang semento sa isang parke. Napakaraming tao. Napakarami rin ang nagbebenta ng pagkain sa paligid. Mula rito sa inuupuan namin ay naamoy ko ang nakakatakam nilang amoy. Tumunog ang tyan ko. Namumula ang mukha ko. Nahihiya ko itong tinakpan. "Pasensya na."

Tumingin sa akin si Cello. Tumunog din ang kanya.

Katahimikan.

Hindi namin napigilan ang pagtawa pagkatapos mapagtanto na nasa parehas lang kaming sitwasyon.

"Wala bang puno na masusungkitan dito?" Inilibot ni Cello ang mata sa paligid. Napaismid sya mayamaya. "Ito ang ayaw ko sa syudad, wala kang libreng prutas na makuhanan dahil halos wala ng puno sa paligid. Lahat dito may bayad. Konting kibot, may halaga na kailangang bayaran. Kulang na lang pati paghinga natin may presyo na. Buti pa sa probinsya, magutom ka maghanap ka lang ng puno may makakain ka na." Malungkot syang yumuko. Bumuntong hininga sya ng malalim. "Pasensya na talaga Celestine kasalanan ko ito. Kung hindi ko napabayaan yung bag ko eh di sana may pera pa tayong magagamit ngayon. Paano na tayo makakauwi nyan? Wala na tayong sapat na pamasahe pauwi?"

"Dalawa tayong pumunta rito kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Ako rin naman nagpabaya, kaya wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Hatiin mo rin ako sa problema mo. Dalawa tayo rito." Yumuko ako at hinanap ang mga mata nya. Ngumiti ako ng konti upang pagaanin ang sitwasyon. "Huwag muna nating isipin ang pamasahe pauwi. Ang kailan nating gawin ay mahanap yang pinapahanap ni Tatang. Mukha naman syang mayaman. Sana, bigyan naman nya tayo ng konting grasya kapag nagpakilala na tayo sa kanya at bigyan tayo ng sapat na pera pauwi. Pero sa ngayon," tumunog ulit ang mga bulate ko sa tyan. "Maghanap muna tayo ng kakainin kasi gutom na gutom na ako."

Inilibot ko ang tingin. Meron sa parke na ito ang tila ba pamilyar sa akin.

"Celestine may nakita pa akong natitirang barya sa bulsa ko dali!" Tuwang-tuwa na pagbibigay alam nya sa akin. Hinila nya ako sa braso. "Celestine dali na!"

"A-ah? Oo sige." Kunot noo kong binigyan ng huling tingin ang nga matatayog na puno sa isang tabi. Sinundan ko na rin si Cello pagkatapos.

"Kwek-kwek." Masayang iniabot sa akin ni Cello ang mga nakatuhog na itlog na nakalagay sa isang plastic cup. Sinamahan pa namin ito ng fishball at kikyam. Iyon lang kasi ang maabot ng pera namin."Tapos bili na lang tayo ng ice water sa tabi. May nakita ako."

Natawa ako noong nakita ko na puno ng sauce ang gilid ng mga labi nya. Para syang bata kung kumain.

Nanlaki ang mga mata nya.

"Hala. Tumatawa ka Celestine?!" Tanong nya sa exaggerated na tono. Napaikot na lamang ako ng mga mata.

"Anong akala mo aa akin? Robot?" Pabiro ko pang suntok sa balikat nya.

"Hindi. Hindi sa ganun." Mariin nyang depensa sabay iling. "Sa lugar kasi natin hindi ka naman tumatawa. Ngumiti nga hirap ka pa. Natatakot yung mga tao sa atin alam mo ba yun? Kaya nga walang gustong makipagkaibigan sayo. Palagi ka raw seryoso."

Napakunot-noo ako ng konti. "Pakiulit nga yung sinabi mo?"

"Alin doon?"

"Yung huli."

"Oh, yun ba? Natatakot yung mga tao sayo kasi palagi kang seryoso. Bakit?"

"Bakit parang pakiramdam ko narinig ko na yun noon?" Hindi ko mapigilang mapaisip. Saan nga ba? Ibinalik ko ang tingin sa kanya, nagkibit-balikat at ipinagpatuloy ang pagkain. "Ganun lang ako sa mga taong hindi ko kilala. Pero makulit ako. Sobra. Baka mabwisit ka pa sa akin. Kaya ititikom ko na lang ang bibig ko. Napagtanto ko kasi na sa buhay, hindi lahat worth it para bigyan ko ng atensyon. Bilang lang." Dahil bilang lang din naman ang pinagkakatiwalaan ko.

Noong gumabi na ay problema na naman namin kung saan kami matutulog. Kanina pa kami naglalakad at pagod na pagod na kami. Gusto rin naming makapagpahinga.

Napakaraming pulubi sa paligid. Karamihan pa ay ang mga bata na kay dudungis. Nakahanap kami ng karton sa may tabi at naghanap ng mapagpwepwestuhan. Nakaupo naming pinagmasdan ang bagong mundo na pinasok namin.

"Kawawa yung mga bata." Sabi ni Cello. "Hindi dapat sa ganitong lugar sila lumalaki. Dapat lumaki sila na may mga magulang at may bubong na mauuwian kailan man nila gustuhin."

Ako man din ay naaawa sa sitwasyon nila kaysa sa sitwasyon namin. Kasi kami alam naming pansamantala lang ito. Na sa huli ay may mauuwian kami, may naghihintay...may naghahanap. Pero sila wala. At iyon ang nakakalungkot.

Nauna akong nakatulog habang si Cello ang look-out. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero noong idilat ko ang mga mata ay tulog na rin si Cello sa tabi ko.

May narinig akong sirena ng mga pulis, at mga kotse sa paligid. Nasa gilid kasi kami ng daan kaya ganun na lamang ang tunog na maririnig.

Tumingala ako sa langit. Napakaraming bituin. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa pagkawala ni Tala. Kumikirot ang puso ko na malaman na baka hindi na sya bumalik sa akin ulit. Napahawak ako sa dibdib ko na palagi kong ginagawa. Isinuklay ko ang mga daliri sa buhok ko at may naramdaman na pulang laso na sumabit sa daliri ko.

Ito ang ginagamit kong panali sa buhok ko at mukhang sira na. Kanina ko pa ito hinahanap, nakasabit lang pala sa buhok ko. Tapos bigla kong naalala na itinali ko sa paa ni Tala ang kapiraso ng pulang laso na ito. Pinagmasdan ko ang pulang laso na hawak at itinali sa hinliliit ko na napansin kong may maliit na sugat. Sandali ko itong hinaplos.

Tala... Sana bumalik ulit sya sa akin. Sana magkita pa kami.

"Hoy! Hoy! Hoy! Bumangon kayo riyan! Hay! Itong mga batang ito talaga, alam nang bawal na matulog sa lugar na ito, dito pa rin kayo pumipwesto. Pabalik-balik!"

Di kalayuan ay may napansin akong mga pulis na ginigising at hinihila ang mga pulubi na mahagip ng kanilang mga paningin. May mga lumalaban. May mga umiiyak. Pero karamihan sa kanila ay ipinapasok sa isang truck.

Shelter daw para sa mga pulubing tulad nila. Pero base sa mga naririnig kong hinaing, impyerno ang depenisyon nila.

Agad kong ginising si Cello. Papalapit na ng papalapit ang mga pulis sa amin. Mayroon silang hawak na batuta. Ito ang ginagamit nilang panakot sa mga bata.

"Gising na dali, Cello!"

"Hmm?" Tila naalimpungatan nyang tanong. Hindi nya pa rin maidilat ang mga mata nya ng maayos. "Anong oras pa lang? Mamaya na tayo maglakad ulit."

"Hindi! Bangon na dyan. May mga pulis!" Kinuha ko na lahat ng mga gamit namin. Kulang na lang ay sampalin ko sya upang magising lang. Nakakatawa sana ang senaryo na iyon kung hindi lang kami napansin ng mga pulis na tumatakbo palayo.

"May dalawa roon na tumatakas. Habulin nyo!"

Tumakbo kami ni Cello ng napakabilis. Paliko-liko kami sa bawat daan na madaanan namin kahit na ba hindi namin alam kung saan ang pinapasukan namin.

Natakasan namin ang mga pulis pero napunta kami roon sa lugar na para bang may mga nag-iinitan na dalawang grupo ng mga kabataan.

"Ano bang gusto nyo? Tarantado kayo ang yayabang nyo ah!"

"Susugod-sugod kayo rito, baka nakakalimutan nyong teritoryo namin ito!"

"Wala kaming pakialam! Langya kayo, sinira nyo yung kampo namin noong isang araw. Bumabawi lang kami!"

Karamihan sa mga batang ito ay halos wala pang suot na pandamit sa taas. May nagrurugby pa yata sa gilid. Tawa lang ng tawa na akala mo may nakakatawa sa nangyayari.

Mayamaya pa ay napansin na lang namin na nagsisilabasan na sila ng mga patalim mula sa bewang at bulsa nila. Ang iba ay may hawak na bakal at kahoy. May mga nagsisihagisan din ng mga bote na may kung anong laman sa loob. Wala pang ilang sandali ay isang buong riot na ang nasaksihan namin.

Wala sana kaming pakialam kung hindi kami sinugod ng iba sa kanila. Akala kalaban din kami at kasama sa gang ng kabilang grupo. Umiilag ako sabay tulak palayo sa sino man na sumugod sa akin. Ayoko silang patulan dahil bata pa rin sila at hindi nila alam kung anong ginagawa nila sa buhay.

"Nasaan ba ang mga pulis kapag kailangan sila?" Asar na tanong ni Cello noong mapansin ko na ginagawa nya rin ang ginagawa ko sa mga batang sumusugod sa amin.

Mayroong isang bata na nakapuslit doon sa likod nya, inambangan sya ng kutsilyo. Ngunit naging mabilis ang mga kamay ni Cello, siniko nya ang bata sabay ipit ng kamay nito sa pagitan ng braso nya. Nanlaki ang mata ng bata-- na kung hindi ako nagkakamali ay nasa labindalawang taon-- sa bilis ng mga kamay ni Cello. Bumagsak ang hawak nyang patalim sa malamig na semento nang hindi nya namamalayan.

Gayunman, napansin ng mga kabataang ito ang kakayahan namin. Akala nila parte kami ng isa pang gang na ipinadala para saktan sila. Wala pang ilang sandali ay dumami na ng dumami ang mga sumusugod sa amin.

Tumakbo na kami ni Cello dahil ayaw namin silang saktan. Ngunit hinabol nila kami.

Wala kaming ibang nagawa kundi lumaban.

"Ganito, bakit hindi tayo maglaro? Paramihan tayo ng patalim na makukuha sa kanila." Sabik na paghahamon sa akin ni Cello.

"At ang matatalo?" Taas kilay kong tanong. Napaisip sya.

"Isang hiling... Na kahit ano gagawin ng matatalo."

Napangiti ako roon. "Simulan na natin."

"Game!" Nagkamayan kami.

Huminto kami sa pagtakbo at bumalik sa kanila. Makikita mo ang gulat sa kanilang mga mukha, nagtatanong kung bakit bigla kaming tumatakbo pabalik ng walang takot gayong kanina ay tumatakbo na kami palayo. Pero huli na para sa kanila ang tumakbo. Ang mga pilyo naming isip ay umaandar na ng walang pasabi.

Unang nakalaban ko ay kung hindi ako nagkakamali nasa ika-sampung baitang. Mas matangkad sya sa akin, oo. Pero wala sa tangkad o sa hugis nakikita ang lakas ng isang tao.

Sinugod nya ako gamit ang mapapayat nyang mga kamay na may hawak na isang patalim. Sinipa ko sya sa dibdib, hinila sya pabalik bago matumba at saka binali ang braso nya upang maagaw ang patalim na hawak. "Ang mga ganitong bagay, hindi dapat nilalaro ng mga bata. Kaya akin na ha?" Natahimik sya. Nakuha ko ang patalim.

Napangisi ako. Isang puntos para sa akin.

Meron sa mga kabataan na ito na hindi ko maiwasang matawa. Dahil nagdaan din ako sa taon na yan. Yung pakiramdam na akala mo alam mo na lahat. Akala mo porket pumatak ka na sa edad na labing-walo ay kaya mo na. Na hindi mo kailangan ng sino man. Na ikaw na ang pinakamalakas sa lahat.

Nagkamali ako.

Sa buhay pala patuloy ka pa rin na natuto. Patuloy na nagiging mature. Patuloy na natututo sa mga pagkakamali na akala mo noong bata ka ay tama lang.

Alam kong hindi pa ako ganun katanda kumpara sa kanila. Pero masaya ako sa kung ano ako ngayon. Sa kung anong naabot ko. Marami akong naririnig na takot na takot silang tumanda. Pero para sa akin, hindi dapat kinakatakutan ang tumatanda dahil sa bawat pagdagdag ng numero sa iyong edad, isa itong karangalan. Na sa mundo sa dami ng pagsubok na kinaharap mo ay lumaban ka at hindi sumuko. Marami riyan ang nangangarap na nasa posisyon mo. Growing old is an opportunity denied to many.

Pangarap ko na sana kapag tumanda ako ay maging katulad ko si Tatang. Puno ng kwento, puno ng buhay. An old soul filled with wisdom beyond his years.

Tama na kay sarap maging bata. Pero para sa akin ay kay sarap ding tumanda. Dahil nagagawa mo ang mga bagay na noong bata ka hindi mo nagagawa.

Malaya ka nang magdesisyon. Parang isang ibon na lumilipad.

Lumilipad... Parang iyon ang pakiramdam ko ngayon. Nakikipaglaban ako ngayon pero pakiramdam ko, mas nakikipaglaro pa ako.

May isang kabataan ang nahagip ko na may suot na sako sa ulo. Ewan ko kung bakit. Pero noong nakakuha ako ng pagkakataon ay ginawa kong patungan ng kamay ang balikat ng dalawa nyang kasama. At parang isang bata...  dumuyan ako papalapit sa kaniya. Hinablot ko sa ulo nya ang sako at ipinasok ko roon ang mga kutsilyong nakolekta ko.

Gulat lamang ang nakita kong ekspresyon sa kanila. Ngumiti ako at sumaludo bago ipinagpatuloy ang pagtakbo upang agawin pa ang kutsilyo ng iba sa mga sumusugod sa amin.

Noong mapansin na halos lahat ng armas nila ay nakuha na namin, nakita namin ang takot sa mga mata nila at sunod niyon ay ang takbuhan nila palayo.

Nagkibit-balikat na lang kami ni Cello at mayamaya pa ay pumunta na kami sa isang tabi at inumpisahan nang magbilangan.

"Yung mga kabataang iyon, dapat nag-aaral eh." Komento ni Cello habang umiiling. Nagbibilang sya ng nakuha at iyon din ang ginagawa ko. "Ang swerte ng mga pulis sa atin, napahinto natin ang mga gang na iyon sa pag-aaway bago dumanak ang dugo. Heto nga o, kinuha natin yung mga armas nila."

"Natakot na siguro sila sa atin."

"Aba dapat lang. Mali na ginagawa nilang laruan ito." Iniangat nya ang isang balisong sa akin. Nilaro pa nya sa mga kamay nya na parang isang propesyonal sa patalim na iyon. Pinaikot-ikot nya hanggang sa maitupi ulit. Wala naman akong masabi dahil magaling naman talaga sya.

"Show-off." 

"Na-impress ka naman kaya okay lang." Bulong nya sa akin. Siniko ko sya sa tagiliran na syang ikinatawa nya. "Game! Ito na ang moment of truth!" Mayamaya ay wika nya ulit. "Sabay tayong magsasabi."

"Oo ba."

Nagbilang kami ng isa hanggang tatlo.

"Labing-tatlo!" Sabi nya.

"Labing-dalawa!" Sabi ko.

Napakunot-noo ako. "Dinaya mo yata ako. Mukhang mas marami yung akin ah." Akusado kong turo sa kanya sabay bilang nung kanya ulit. Labing-tatlo nga.

Napahalukipkip ako sabay simangot sa nangingiti-ngiti nyang mga labi.

Panalo sya. Oo na.

"Anong hiling mo? Dali na." Naiinip kong saad.

"Ano ba yan mas excited ka pa yata sa akin ah."

"Ang bagal mo kasi eh."

"Pikon ka na naman, natalo ka lang kasi eh."

"Hindi ako pikon!" sabi ko sabay dabog ng paa sa baba. Oo na sige na ako na ang pikon. Langya kasi itong Cello na ito alam kung paano ako bwisitin.

Tingnan mo, tumatawa na naman. Baliw.

"Naisip ko na..." Itinuro nya ako. "Hindi ko muna sasabihin ngayon."

"Ano?"

Nagkibit-balikat sya. "Irereserve ko muna."

"Napakadaya!" Reklamo ko. "Bakit hindi mo sabihin ngayon para matapos na?"

"Basta. Pero..." mapaglaro nyang itinuro sa akin ang hintuturo. "walang takasan ito." 

"At kailan pa ako tumakas sa isang pangako?" 

"Naniniguro lang."

Napaikot na lamang ako ng mga mata. Ibinalik ko ang mga kutsilyo sa sako. "Anong gagawin natin dito?" Napansin ko na ang ilan ay ibinubulsa nya. "Hoy!"

"Ano ka ba, self-defense. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin dito."

"Hindi ba sapat ang arnis mo?"

"Kapag wala na tayong ibang mapagpipilian, iyon na ang gagamitin ko. Itong patalim, panakot lang. Masyadong malakas ang arnis lalo na kung alam kung paano gamitin. Alam mo iyan."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa arnis ko na nakalagay pa rin sa paglagyanan nya. Hindi sya nagkakamali roon. Walang kaduda-duda.

Pinagsama na namin ang mga patalim na nakuha at inilagay sa sako na nakuha ko. Si Cello na ang nagbuhat. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Iiwan na lang natin sa harap ng presinto. Bahala na sila kung anong gagawin nila rito." Iniwan namin ito sa labas ng presinto katulad ng plano. Madilim pa rin ang paligid. Alas tres pa lang yata ng madaling araw. Ngunit dahil sa ginawa naming pagtakbo at pakikipaglaban, mas gising na gising na kami kumpara kanina.

Umupo ako sa likod ng isang truck na nadaanan namin at sumunod si Cello sa tabi ko. Bukas ito at bukod sa ilang kahon sa loob ay wala naman na itong ibang laman.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Ano pa? Eh di huwag huminto sa paghahanap kay Magdaleine Lozada. Alam mo naman na sya ang susi para makauwi tayo."

"Sa tingin mo mabait syang tao? Ano ba sya kay Tatang? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo yung babaeng iyon ang pinagkakatiwalaan nya?"

"Sa totoo lang? Hindi ko rin alam." Sagot nya sa akin. "Pagdating kasi sa nakaraan ni Tatang ay masyado syang malihim. Ayoko namang pilitin dahil masama syang magalit. Sana nga lang binigyan pa nya tayo ng ibang impormasyon tungkol sa babaeng iyon para hindi ganito, nangangapa tayo sa dilim."

Biglang umandar ang makina ng truck na inuupuan namin. Nagkatinginan kami.

Bababa na sana kami noong marinig namin ang usapan ng mga lalaki.

"Sa tingin mo paano natin matatalo ang Gangster King at ang buo nyang gang? Langya! Pusa yata ang Ellipses at Black Savage, syam ang buhay hindi natin mapabagsak-bagsak!"

"Ano ka ba pare, hindi naman sila mapupunta sa pinakamataas na hierarchy sa Gangter Society kung wala silang ibubuga. Di ba nga yung Battle of the Gang?"

"Sayang nga hindi tayo pwedeng pumunta roon. Bakit kasi napaka-eksklusibo lang no'n sa bawat top members ng bawat gang sa Gangster Society? Paano tayong mga simpleng myembro na gusto ring makita ang labanan? Naiiwan tayo sa ere."

"Sayang nga lang ano? Wala na yung pinakamagagaling sa Gangster Society bukod sa Gangster King."

"Sino? Yung Avana saka yung... Lozada ba yun?"

"Oo. Yung Magdaleine Lozada."

Mas lalong naging tutok ang mga tenga namin ni Cello sa pakikinig. May nahanap na kaming clue na may nakakakilala sa hinahanap namin. Hindi na namin ito pakakawalan.

"Hoy, ipaalala mo sa akin ah. Bibilangin natin ang sampu ng pabaliktad, uumpisahan hanggang kalahati at pagkatapos magbibilang ulit bago natin maabot yung lima."

"Oo na. Kanina mo pa sinasabi yan. Sabi ko naman kasi isulat mo!"

"Eh wala na ngang oras! Bahala ka kapag hindi mo natandaan lagot tayo. Maghihintay na naman tayo sa labas ng matagal at mamaya baka mabugbog pa tayo."

Napakunot-noo ako. Anong pinagsasabi nila?

"Eh, ayoko nakakatakot. Buti nga lumabas si Romel noong araw na yun kundi patay tayo. As in literal talaga."

"Oo alam mo naman na sa panahon ngayon marami tayong kaaway hindi ba? Kaya ang sino man na makitang hindi myembro, pinapatay."

Papalapit ng papalapit ang boses nila. Nagsitanguan kami ni Cello at mas lalo kaming pumasok sa loob ng truck at nagtago sa likod ng mga kahon na nasa loob.

May nagsara ng pintuan sa likod ng truck kung saan kanina lang ay nakaupo kami. Isang malakas na pagsara at sumunod nito... ang kadiliman.

Nakagawa kami ni Cello ng paraan upang makalabas doon noong maramdaman ang paghinto ng truck matapos ang ilang oras na byahe. Unang lumabas si Cello at pinakiramdaman kung may panganib sa paligid. Noong natapos na ay saka nya ako sinenyasan na sumunod. Tinulungan nya akong bumaba.

"Nasaan na sila? Nasaan na tayo?"

"Hindi ko alam. Pero nakita ko silang pumasok doon. Mabuti pa siguro sundan na natin bago pa sila makatakas. Kailangan nating itanong kung anong alam nila kay Magdaleine Lozada." Tumango ako sa kanya at mabilis kaming sumunod sa lugar na sinasabi nya.

Pasilip na ang araw sa taas kaya kailangan naming madali para hindi kami agad mapansin. Sa pagtakbo ay bigla akong napahinto.

"Cello, hindi ba't ito ang Nefario Warehouse? Bakit tayo bumalik dito?" Itinuro ko sa kanya ang wasak na logo ng Nefario sa taas. Di kalayuan ay ang wasak din na gate kung saan kami nanggaling pagkadating na pagkadating namin dito sa Maynila. Nag-iisip ako kung anong kinalaman ng Nefario kay Magdaleine. Kung bakit kinakailangan na bumalik kami rito at kung anong ginagawa ng mga lalaking ito sa isang wasak-wasak na gusali. Pero bago pa ako makapag-isip ay hinila na ako ni Cello papasok. "Mamaya na natin isipin yan. Ang importante, may lead na tayo. Tara na!"

Dinaanan namin ang wasak-wasak na gusali ng Nefario. Bawat takbo ay syang tago namin sa mga pader upang hindi kami mahalata. Nakita namin ang dalawang lalaki na nagtatawanan. Sila ang mga boses na narinig namin kanina.

Halos naikot na namin ang buong gusali. Nakarating na kami sa likod at dito sa lugar na ito ay may natira na parte sa gusali na hindi napasabugan. May binuksan silang pinto. Tumingin pa sila sa kaliwa't-kanan na tila ba sinisigurado na walang nakakakita sa kanila. Matapos ang ilang sandali na paniniguro ay pumasok na sila sa loob.

"Anong ginagawa nila sa loob? Anong pupuntahan nila para kailanganin pang magtago ng tulad no'n?" tanong sa akin ni Cello. Mataman ko syang binigyan ng tingin. Mas lalo akong nagising ngayong umaga na ito.

"Iyon ang aalamin natin." Binuksan ko ang pinto bago pa nya ako napigilan.

***

Jace.

Maaga pa lang ay nasa condo unit ko na si Nathan. May sarili syang kwarto sa building na ito pero dito sa kwarto ko ang gustong-gusto nyang tambayan. Naabutan ko sya na naghahanda ng cereal na kakainin sa kusina. Feel na feel at home sya rito na akala mo sa kanya ang kwarto na ito at hindi akin.

"Good morning bro. Sorry nagutom ako eh. Ikaw ang may pagkain sa kusina. Wala na sa akin. Hindi pa ako nakapag-grocery." He smiled cockily. Naririnig ko hanggang dito ang lutong at tunog ng cereal na nginunguya nya.

Napaismid ako. Ano bang magagawa ko?

"Wala kang pasok?"

"Wala. It's my free day." he said in a sing-song voice, bago muling bumalik sa kinakain.

Dumiretso ako roon sa may ibong Kalaw na nakuha ko sa mga Ellipses na nakahuli rito. Binuksan ko ang kulungan nito para palitan ang tubig sa loob.

"Smooth. Bakit noong ikaw ang nagbukas hindi ka tinuka? Samantalang ako kanina sinubukan ko lang syang hawakan, naging bayolente na." reklamo nya.

"Alam nya kasi ang diperensya ng mga gago sa hindi."

"Sira ulo. Ang bait ko kaya."

"Gagong mabait? Parang hindi yata synonym."

Hinagisan nya ako ng mansanas dahil sa inis. Nasalo ko ito gamit ang isang kamay ng hindi tinitingnan. Sandaling punas sa damit at kinagat ko agad. Ito na ang umagahan ko.

"Psh. Nakatsamba ka lang." sabi pa nya.

"Walang nagtatanong ng opinyon mo."

Ganito kaming mag-usap magkapatid. Minsan matino pero madalas hindi. Nasanay na rin ako sa kanya. Kung hindi sya matinong kausap, mas lalo ako.

Hinatian ko ng prutas ang ibon sa harap ko ngunit katulad ng madalas nyang ginagawa sa tuwing pinapakain ko sya, hindi nya pinapansin ang prutas na ibinibigay ko. Salubong ang kilay ko na tinanggal ang prutas roon. "Bakit ganun? Ayon sa research ko, prutas at gulay ang kinakain ng ibong Kalaw."

"Bakit? Hindi pa rin kumakain hanggang ngayon?" silip nya sa ibon. Narinig kong hinusog nya ang mangkok sa mesa. "Alam mo feeling ko yang ibon na yan kalahi ni Clarisse. Choosy na nga. Masungit at maarte pa." tawa nya sa sariling biro.

Hindi ko pinansin ang komento nya at nagpatuloy sa pag-iisip. Ilang araw nang hindi kumakain ang ibon na ito. Puro tubig lang. Malala kung mamamatay ito rito. It will be a big lost.

"Bakit kaya hindi mo na lang yan isuko sa DENR?" turo nya sa akin gamit ang kutsara na hawak upang ipahatid ang punto nya. "Doon maaalagaan pa yan. Sayang kung mamamatay yan dito. Endangered species pa man din iyan."

Ibinalik ko ang tingin doon sa ibon. Pilit itong kumakawala sa hawla nya. Alam kong nais nyang ibuka ang mga pakpak at lumipad palayo rito pero mas delikado ang buhay nito sa labas kung hahayaan ko syang lumipad.

"Hindi. Kailangan natin syang isoli sa may-ari sa kanya."

"Mayroon may-ari sa ibon na yan?" tanong nya sa akin.

"Oo." Hinaplos ko ang pulang laso na nakatali sa paa nya. Ang ibon na ito ay mukhang naalagaan base na rin sa kinis ng pakpak nya at malusog na pangangatawan. Aside from that, this Kalaw had been tamed already. Hindi nya ako hahayaan na hawakan sya kung hindi.

"Sabi nila ang mga ibon daw loyal sa mga may-ari sa kanila. Bakit kaya hindi mo hayaang pakawalan yan at saka mo sundan? Baka sakali, ihatid ka nya sa hinahanap mo."

"You mean, kalapati?"

"Sya rin. Parehas lang naman na ibon."

Napailing na lang ako sa depensa nya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Niel. "Jace, ready ka na? Nakahanda na ang mga sasakyan sa labas."

"Saan ang lakad nyo?" tanong ni Nathan. Inayos ko na ang mga gamit ko.

"Saan pa? Hahanapin namin kung nasaan nagpunta si Serene." sagot ni Niel sa kanya.

"Ano ng balita sa Gonzalez Clan na hinahanap mo?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Nahihiya syang napakamot sa ulo. "Pinaki-usapan ko si kuya Paul na magpalit muna kami ng assignment. Mas importante kasi ito. Pumayag naman sya kaya..."

"Tara na."

"Hoy Jace, idala mo na yang ibon." Hinabol sa akin ang hawla sa labas.

"Hindi na."

"Sige na." Ipinagpilitan nya sa kamay ko upang hawakan. "Kung hindi mo paliliparin, atleast, let it breathe fresh air."

"Nasa iyo pa rin yan?" takang turan ni Niel sa hawak ko. "Akala mo ipinamigay mo na?"

"Mayroon daw may-ari."

"Talaga? Sinong nagsabi?" Itinuro ako ni Nathan.

"Boss. Breve." may isa sa mga Ellipses ang dumating upang tawagin na kami. Tumango ako sa kanya. Umalis na rin sya agad. 

Tinawag ko na si Niel na umalis. 

***

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong sa akin ni Niel noong nasa loob na kami ng kotse. Sya ang nagmamaneho samantalang ako ay tahimik lamang na nakadungaw roon sa bintana. "Wag kang mag-aalala Jace, ngayon pa na nakita na natin na buhay sya? Malakas talaga ang pakiramdam ko na nariyan lang sya sa tabi. Hindi naman siguro sya makakalayo ng ganun kabilis hindi ba?"

"Iniisip ko lang... ano bang nangyari sa kanya para mawala ng ganun katagal? Bakit hindi agad sya bumalik sa atin?" Sa akin?

Bumalik sa isipin ko ang mga nakuha kong impormasyon upang mahanap kung nasaan sya. Ang pagkakakita ko ng mga nakaguhit na G-clef doon sa bangka. Yung pagkakakita ko ng babae sa may cctv doon sa Mindoro. Wala man akong sapat na ebidensya pero alam kong sya iyon.

Ang hindi ko lang lubos maisip, bakit parang ang lalayo ng mga lugar na pinanggalingan nya? Ngayon nandito na ulit sya sa Maynila. Pero saan nga ba talaga sya nanggaling? She could go home any time she wants. Gayunman, hindi nya ginawa.

Wala sa sarili kong isinuklay ang kamay sa aking buhok. Ipinatong ko sa may baba ang kamay pagkatapos. Nakakunot ang noo. Nag-iisip.

Everything just doesn't make sense.

"Nakita mo sya hindi ba?" tanong ko kay Niel.

"Oo. Kaya nga itinawag ko agad sayo hindi ba? Nakita pa nga nya ako. Nagtama ang paningin namin sigurado ako roon."

"Pero bakit sya tumakbo sa'yo palayo?"

"Hmm... good point. Pero ngayong naalala ko yung mga nangyari noong araw na iyon, yung kasama nyang lalaki ang mas nagsalita tapos hinila nya agad si Serene palayo. May humahabol sa kanila."

Napahinto ako sa pagmumuni-muni ko. "Anong sabi mo?"

"Sabi ko, may humahabol yata sa kanila noong araw na iyon kaya sila nagmamadali na lumayo sa akin--"

"Hindi iyon. May kasama syang lalaki?"

Sandali akong pinasadahan ng tingin ni Niel bago ibinalik ang tingin sa minamaneho. "O-oo." Alanganin nyang sagot na tila ba hindi sya sigurado na dapat bang sabihin sa akin ito o hindi. "Hindi mo ba napansin noong araw na nakita mo sya roon sa palengke?"

Umiling ako. Masyado akong nakatutok sa kanya noong araw na iyon na kahit nga yung ibang tao sa paligid hindi ko na napansin.

"Ayon din kay Julian na syang unang-una na nakakita sa kanila bago pa man ako, may kasama nga si Serene na lalaki and he seemed to be... protective of her." He gave me another sideways glance. Kabado syang napangiwi noong makita ang dilim sa mga mata ko. "I mean, maybe they were friends? Uhm, you know you don't need to think about it that much. Wala lang yun. Sigurado."

Sumandal ako roon sa upuan ko, ipinatong ang isang kamay at pumikit. Hindi ito ang tamang oras para magselos.

I heard him cleared his throat. "The good thing is, kung sino man sya atleast alam natin na may kasama si Serene hindi ba?"

Hinawakan ko ang gclef pendant sa dibdib ko. Malayo ulit ang tingin ko sa may bintana. May sinabi pa sa akin si Niel na paniniguro na talagang wala lang iyon pero masyado nang ligaw ang isip ko. Pakiramdam ko ay may sarili na naman akong mundo. Patuloy ko pa ring iniisip kung paano ko mapagkokonekta-konekta ang lahat. 

Bukas ang bintana sa tabi ko. Sa bawat pagtama ng hangin sa balat ko ay ang syang pagpikit ko.

"Jace, hoy."

"What?" I snapped without noticing. Si Niel na nasanay na lang sa akin ay hindi na pinansin ang kawalan ko ng mood. May inabot sya sa akin. "Ano ito?" kunot-noo ko.

"Handcuffs." kibit-balikat nya. "Marami kasi akong extra. Naisip ko lang, baka kailanganin mo."

Ibinulsa ko ito. "Malayo pa ba tayo?"

"Base sa traffic? Mukhang oo."

"Ano bang meron at ang daming tao?" Inilibot ko ang tingin sa paligid at mukhang may pagdiriwang na nagaganap. Parang may parada. Binuksan ni Niel ang bintana nya at nagtanong doon sa mga taong naroon kung anong meron. Isinara nya ulit ang bintana pagkatapos.

"Fiesta raw nila." Naghahanap na si Niel ngayon ng malulusutan dahil sobra ang traffic.

Habang abala sya sa pagmamaniobra sa sasakyan ay inabala ko naman ang sarili na pagmasdan ang buong paligid. Napakaraming banderitas ang nakapaligid. Kulay asul, pula, berde... pero pinakamarami at namumukod tangi sa lahat ay ang kuklay pula.

Napatingin ako roon sa pulang laso na tinanggal ko roon sa paa ng ibon kanina. Medyo mahaba rin ito ng konti, isang laso na maingat na itinali sa paa ng ibon ng paulit-ulit.

Narinig ko ang marahang pagyuga ng hawla sa likod ng sasakyan dahil nagpupumilit na naman ang Kalaw na makalabas. Pero pansin ko na mas desperado ito ngayon. Mas determinado na makalabas.

I heard Niel groan in frustration. Sumandal sya sa kinauupuan sabay marahang bagsak ng braso sa manibela. "Masyado talagang maraming tao sa paligid. Hindi rin umuusad yung mga kotse sa harap. Mukhang mapapatagal tayo sa traffic na ito Jace." Dismayado syang napailing pagkatapos ay inilabas na nya ang cellphone upang tawagan ang ibang kasama na huwag dumaan sa lugar kung nasaan kami ngayon para hindi rin sila maipit sa traffic.

Ibinalik ko ang tingin sa mga banderitas sa taas pati na rin ang ibang mga palamuti sa paligid. Wala pang ilang sandali ay may narinig akong marahang pagbukas ng bakal at sunod ko na lamang na naramdaman ay ang malakas na pagaspas ng hangin sa aking balat. Sunod kong nakita ay tinangay din nya ang pulang laso na hawak ko.

Lumipad ang ibong Kalaw palabas sa bukas na bintana sa tabi ko.

***

Celestine.

Ilang oras na yata kaming naglalakad ni Cello rito sa loob ng gusali na pinasukan ng dalawang lalaki pero hanggang ngayon ay ligaw pa rin kami. Para silang naglaho na parang bula. Nasaan sila nagpunta?

"Mabuti pa siguro lumabas na tayo Celestine. Mukhang delikado na ang gusaling ito."

Iniangat ko ang tingin sa kokonting liwanag na naroon sa isang biyak sa pader gawa ng sumisilip na araw sa labas. May bumagsak na kahoy mula sa taas. Hindi man tuluyang nawasak ay mukhang naapektuhan pa rin ito sa nangyaring pagsabog sa lugar na ito.

Susuko na sana ako at sasama na sa kanya noong mapahinto ako. Marahan kong naramdaman ang panginginig ng sahig sa aking mga paa. Pagkatapos ay ang tunog na para bang isang marahang bulong.

"Dali na labas na tayo--"

"Wag kang maingay." Itinapat ko ang isang kamay sa kanya. Pinapakinggan ko ng maigi ang naririnig ko. Ipinikit ko ang mga mata at inayos ang buhok sa likod ng aking tenga.

"Anong nangyayari?" Bulong-tanong nya.

"Hindi mo ba naririnig?"

"Ang alin?"

"Pakiramdaman mo. Ipikit mo ang mga mata mo." Sabi ko sa kanya. Ipinatong ko ang kamay sa sahig. At ganun din ang ginawa nya.

"May tunog..." Napakunot sya ng noo. "Bakit may tunog dito?"

Tumayo ako at sinundan ang tunog na naririnig. Habang tumatagal ay palakas ito ng palakas, kahit na ba ang panginginig ng sahig. Wala kaming pinto na nahanap. Isa lamang pader ang sumalubong sa amin sa dulo ng lugar na ito.

Huminga ng malalim si Cello. "Celestine tama na. Baka wala lang yun. Umaga na rin. Kailangan na nating magpatuloy sa paghahanap kahit wala ang tulong nila."

"Hindi. Hindi pwedeng wala lang yun. Mahahanap din natin sila." Kinapa ko ang pader. Naramdaman ko ang lamig nito noong magdikit ang balat ko sa magaspang nitong tekstura. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Mukha akong tanga na nangangapa sa isang pader pero wala akong pakialam. Inihilig ko ang tenga rito. Mas naririnig ko ng mas malakas ang tunog mula sa loob.

Iniangat ko ang kamay sa taas at nangapa na para bang kumakaway. May tumunog. Parang may bumukas.

Nagkatinginan kami ni Cello. Hinila nya ako para umatras.

Sa harap namin ay ang pader na unti-unting gumagalaw. Parang isang gate na dahan-dahang bumubukas. May maliit na parte ng pader na sakto lang upang daanan ng tao ang biglang umangat ng konti. Pagkatapos ay bumukas ito patagilid.

Gulat man ay ako ang unang nakabawi. Humakbang ako paabante pero hinila ako ni Cello pabalik. Sa mukha nya ay ang pag-aalala dahil hindi namin alam kung ano ang pinapasok namin.

Ngunit binawi ko ang braso at umiling. Humakbang ako papasok.

"Password."

Halos mapatalon ako sa gulat noong marinig ang napakalalim na boses na iyon. Sa harap ko ay ang panibagong pinto, pero yung normal na pintuan na. Puno ito ng bandalismo.

May maliit na butas ang bumukas doon, sa halos tapat ng noo ko.

"Ilan kayo?" Direktang tanong sa akin ng boses na tila ba kung makapagsalita ay hawak nya ang batas.

"Dalawa." Si Cello ang nagsalita. Taas noo nya itong hinarap na may parehas na tono.

Nakita kong umirap ang mata sa loob ng butas. Parang nababagot sya sa nangyayari sa harap nya. "Password." Ulit nya sa sinabi nya kanina.

Tumingin sa akin si Cello, salubong ang kilay.

Narinig namin ang pagsinghal ng tawa ng lalaki sa loob. Puno ito ng panganib at kapahamakan. Kung normal na tao lang kami ay baka tumakbo na kami palayo dahil sa takot. Pero pinili naming manatili roon. Dahil ganito man ang itsura namin. Hindi kami basta-basta.

"Alam nyo ang magiging kapalit kapag pumasok kayo sa lugar na ito hindi ba? At hindi alam kung ano ang password?" Nakita ko ang kamay nya na itinapat sa leeg bago kunwari itong niligit. "Ganun kasimple. Patay kayong dalawa."

Natahimik kami ulit. Nakita kong napakuyom si Cello ng kamay. Alam kong gusto man nyang manumbat ay hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin. Dahil alam naman naming dalawa na nagtrespass lang kami rito. 

"Password!" Ibinagsak ng lalaki sa loob ang kamay sa isang mesa, halos dumagundong ang tahimik na paligid at sa pangalawang pagkakataon ay napatalon kami sa gulat dahil sa hindi inasahang pagpapalit nya ng tono. Mula sa mabait, ay para syang naging demonyo.

Tapos naalala ko ang pinag-uusapan ng mga lalaki kanina. 

"Hoy ipaalala mo sa akin ah. Bibilangin natin ang sampu ng pabaliktad, uumpisahan hanggang kalahati at pagkatapos magbibilang ulit pabaliktad bago natin maabot yung lima."

Narinig ko na tila ba may tinatawag na sya sa loob para tapusin kami. Pero hindi man sigurado ay inumpisahan ko ang pagbibilang. Takang napatingin sa akin si Cello.

"Sampu, siyam, walo, pito, anim, lima, apat, dalawa, isa." Huminto ako saglit. Tumingin sa akin ulit ang dalawang pares ng mata sa butas. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Sampu, siyam, walo, pito... a-anim..."

Kalmado ako sa labas pero sa loob ko ay parang sasabog na ako sa pag-aalala. Tama ba ang pagbilang ko? Tama ba na Tagalog o Ingles? Tahimik na akong nanalig sa Diyos na sana tama nga ako. Na sana hindi ako nagkamali sa pagkakaintindi ko sa pagbilang na sinasabi ng mga lalaki kanina. Alam kong mahina ako sa Math pero sana naman kahit sa pagbibilang A+ ako.

"Psh. Alam mo naman pala eh pinatagal mo pa." May narinig kaming bakal na tila ba may binubuksan sya at pagkatapos, tuluyan nang nabuksan ang pinto sa harap namin. "Mga baguhan talagang myembro, hay naku. Sakit kayo sa ulo. Dali na pasok!"

Pangalawang beses ko nang narinig ang mga linyang iyon. "Kayong mga baguhan talaga oo!" Mukhang maraming baguhang myembro ang gang na ito. Nagpapalaki ba sila ng grupo?

Magtatanong pa sana ako ngunit napunta ang atensyon ko roon sa mga hiyawan na naririnig mula sa loob. Hindi ko nakita ang mukha ng lalaking nagbukas ng pinto sa amin dahil nakatago ang mukha nito sa dilim. Bago pa nya mapansin na hindi naman talaga kami kasali rito ay lumayo na kami at ipinagpatuloy ang paglalakad kahit na ba hindi namin sigurado kung ano ang pinapasok namin.

Habang tumatagal ay lumalakas ng lumalakas ang mga hiyawan at sigawan. Malamlam ang liwanag sa loob dahil tanging mga kahoy na may apoy na nakasabit sa gilid ng pader ang tanglaw na meron kami.

May hagdan pababa. Nagdadalawang isip man ay bumaba pa rin kami dahil iyon lang ang daan. At noong umabot kami sa baba ay nagulat kami sa nakita namin.

Napakaraming tao na nagsisigawan at naghihiyawan. Sa gitna ay may isang maliit na entablado at sa lugar na iyon ay may dalawang tao ang nagbubugbugan ng mano-mano.

Street fight.

Matagal ko na itong naririnig noon pero ito ang pinaka-unang beses na makakita ako ng isa sa personal. Ang mga dugo, sugat, at pawis nila sa noo at katawan ay kapansin-pansin. Halos magpatayan ang dalawang kalahok sa gitna ng entablado. Sa bawat suntok at tama ng paa ng isa sa kalaban ay ang syang sigawan ng mga tao sabay pusta sa mga napili nilang manok. Para silang nanonood ng isang sabong. Pero ang mas malala, hindi manok ang inilalaban nila, kundi mga tao.

Mula sa posisyon namin ni Cello na nasa hagdan pa rin, marami man ang tao sa baba ay nakikita pa rin namin ng malinaw ang nangyayari. Yung isa sa lalaking kalahok ay nakita kong umabante, sumigaw sya na tila ba inilalabas nya rito ang lahat ng lakas sabay talon sa hangin at tinuhod ang kalaban sa dibdib. Hindi pa sya nakuntento dahil ginamit nya ang siko na malakas nyang ibinababa sa batok ng kalaban.

Bumulagta ito sa sahig. May lumapit na isa pang lalaki na sa tingin ko ay tumatayo na referee sa labanan, hinawakan ang pulso ng bumagsak bago mabilis na iwinagwag ang kamay sa hangin para huwag na ulit sumugod ang lalaki sa kalaban.

Tumahimik ang buong paligid sa paghatol ng referee sa nangyari. At noong nakita ng mga tao ang pagtayo nya, na may malungkot na iling sabay lagay ng isang daliri sa leeg sabay kunwaring ligit... nanlaki ang mga mata ko.

Pinatay nya ang kalaban nya. Mabilis akong tumingin kay Cello. Madilim ang tingin nya. Marahil katulad ko ay hindi makapaniwala sa natunghayan.

Itinaas ng referee ang kamay ng nanalo. Muling nagsigawan ang mga tao at naghiyawan.

Ito ang ayoko sa isang street fight. Walang batas. Wala kahit ano na dapat sundin ng mga kalahok. Gawin mo kahit ano upang matalo ang kalaban sa kahit anong paraan. Kahit pa ang pumatay.

Naghagis ng mga papel na pera ang mga tao sa entablado na para bang ang kamatayan ng isang tao sa harapan nila ay wala lang.

Nakita kong ikinuyom ni Cello ang mga kamay nya. "Hindi ganyan ang isang tunay na martial artist. Naturingan syang magaling sa Muay Thai pero ginagamit nya sa maling paraan ang lakas at talento nya. Walang kalaban-laban ang kalaban nya kanina kumpara sa lakas na meron sya. Bakit kailangan nyang patayin?"

Tunog ng isang mikropono ang muling nakakuha ng atensyon ko. Nagsalita ang referee, may ngiti sa kanyang mukha. "At ito na ang huling laban mga kaibigan para sa araw na ito! Ang ating defending champion na si El Bruto ay nananawagan sa panibagong kalaban na gustong humamon sa kanya. Meron ba rito?" Inilibot ng referee ang tingin sa buong paligid. Hindi ko gaanong makita ang mukha ng sinasabi nyang 'El Bruto' dahil nakasuot ito ng maskara. Wala syang suot pantaas pero makikita mo ang laki ng katawan nya. Para syang isang bouncer sa club. Mayabang pa syang tumatango-tango, naghihintay na may maglakas loob na tanggapin ang isang panibagong hamon. 

"Wala? Malaki ang pusta rito. Kapag napatumba nyo sya, winner na kayo by default pero! Kapag napatay nyo sya..." May pasuspense pa itong nalalaman. Para syang isang mambabasa na nagsstory telling dahil sa paggalaw-galaw na ginagawa nya sa stage na puno ng drama. "Ang pabuya ay magiging doble!"

"Ako." Nagulat ako noong bumaba si Cello ng hagdan. Lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Sa dilim ng mukha nya pati na rin ng higpit ng pagkakahawak nya sa kanyang arnis, ang tindig nya ay sumisigaw ng lakas at kapangyarihan na taglay.

Sa paglalakad nya ay humahawi ang daan hanggang sa nakarating sya roon sa gitna ng entablado. Alam kong tinanggap nya ang hamon hindi dahil sa pera na pabuya kundi, tutol sya sa pagiging bully ni El Bruto sa kalaban na wala namang panama sa lakas nya. One thing that Cello really hate was an unfair fight. Dapat kalabanin mo kung ano ang ka-level mo, hindi yung pumapatol ka sa mas mahina sayo.

"Ooh, look at this!" sabik na wika ng referee na sya ring host ng labanan na ito. "Ano ang iyong pangalan makisig na binata?" mapaglaro pa nitong tanong. Pero hindi sya pinansin ni Cello at itinutok ang hawak na arnis kay El Bruto na nakatayo sa kanya di kalayuan.

"Ikaw. Hinahamon kita sa isang dwelo."

"Walang problema sa akin." mayabang na pinatunog ni El Bruto ang mga kamay. Hanggang dito ay nakikita ko pa ang pagnguya nya ng bubble gum.

Napahalukipkip ako ng kamay.

"Ayos! Kung ganun kailangan na natin itong gawing opisyal!" Sabi pa ng referee na syang nasa gitna nila. "El Bruto laban sa misteryosong lalaki na ito, abangan ang laban nila tatlong araw mula ngayon. Alas dose ng madaling araw, sa parehas na lugar. Mukhang kasabik-sabik ito mga kaibigan!"

Nagsipalakpakan ang mga tao. Bumaba na rin ako upang sundan si Cello. Nag-uumpisa nang magsialisan ang mga tao noong mapagtanto na tapos na ang palabas.

"Galingan mo bata ha, may tatlong araw ka para mag-ensayo. Huwag mo akong bibiguin." maangas pa na ngisi ni El Bruto kay Cello.

Ngumisi naman sya pabalik. "Huwag kang mag-alala. Dahil ang laban na ibibigay ko sayo ay syang laban na hindi mo makakalimutan habang buhay."

Hinila ko na si Cello palayo bago pa sila makapagpalitan pa ng salita. Sumabay na kami sa kumpulang tao na papalabas sa lugar na iyon.

"Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo? Cello alam kong malakas ka. Pero hindi ba dapat mas nagfofocus tayo sa paghahanap doon sa mga lalaki na nakita nating pumasok dito upang maitanong na natin kung anong alam nila kay Magdaleine Lozada?" tanong ko sa kanya noong nakalayo na kami ng konti sa mga tao.

"Hindi ko kasi mapigilan ang sarili. Bwisit yung gagong yun eh." tiim-baga nya pang sagot. "Isa pa, sayang din yung pera na makukuha natin. Walang-wala tayo ngayon. Mas maganda na ito kaysa magnakaw."

"Ang ibig mong sabihin, mas maganda ang pumatay kaysa magnakaw?" iling ko sa kanya.

"Sino bang nagsabing papatayin ko sya?"

"Sinasabi ko lang, alam kong naiinis ka sa lalaking iyon. Kahit naman ako nanggigigil sa kahambugan nya pero kailangan mo pa ring mag-ingat-- nating mag-ingat. Iba ang lakas na meron ka. Baka sa sobrang gigil mo hindi mo mapigilan ang sarili at mapatay sya. Bukod pa roon, hindi natin alam kung anong lugar ito, kung sino sila, kung bakit nila ginagawa ito--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko noong mahagip ng paningin ko ang dalawang lalaki na hinahabol namin kanina. "Ayun sila!" At mukhang pasakay na naman sila ng truck na syang sinakyan namin kanina. Muli ay mabilis kaming pumuslit ni Cello sa likod. Buti na lang ay hindi nila kami napansin.

Umaandar na naman ang truck. Hindi na namin inabalang isara ang likod nito dahil wala na rin namang laman. Mabilis ang pagmamaneho nila. Hindi na namin alam kung saan kami napadpad. Matapos ang may halos kalahating-oras na pag-iikot ay napahinto ang truck. Sumilip kami sa labas at nakita na napakaraming tao sa paligid. Mayroon yatang fiesta, ayon na rin sa mga palamuti at banderitas na nasa paligid.

Naunang lumabas si Cello. Sinilip nya ang mga lalaki na lumabas sa truck sa harap at saka hinabol. Susunod na sana ako noong makarinig ako ng isang pamilyar na tunog.

Isang huni ng ibong Kalaw na pamilyar na pamilyar sa akin.

Iniangat ko ang tingin at nakita na si Tala ito. May anong saya akong naramdaman sa dibdib. Iniangat ko ang braso, tinatawag, kinukumbinsi... na muli ay bumalik sya sa akin.

Sa malaki nyang pakpak na nakabulatlat sa himpapawid at sa mabilis na paggalaw na parang gusto nyang isigaw sa mundo ang lakas na meron sya, hindi ko mapigilang mamangha sa kanya.

Sa may tuka nya ay ang pulang laso na itinali ko sa paa nya. Iniangat ko ang isang bukas na palad upang saluhin ito noong malapit na sya sa akin at handa nang lumapag sa braso ko. Kasabay ng paglapag ni Tala sa braso ko at ang paglapag ng pulang laso sa aking palad... isang marahang hingal na paghinga ang aking narinig. Iniangat ko ang tingin at noong tuluyang itiniklop ni Tala ang pakpak ay nakita ko sya.

Yung lalaki na nagligtas sa akin sa palengke.

Sa kamay nya ay may hawak sya na kapiraso ng laso na itinali ko kay tala. Sandali syang tumingin doon bago tumingin sa palad ko na may hawak ng kahati ng pulang laso na iyon. Muli nyang iniangat ang tingin sa akin at nagtama ang paningin namin.

Ang mga matang iyon... pilit ko mang itanggi ngunit magmula noong makita ko iyon ay hindi na ito nawala sa isipan ko. Ngayong mas nakita ko sya ng mas maliwanag ay hindi ako makapaniwala sa kakisigan at kagwapuhan na taglay nya.

"Ikaw ang may-ari sa kanya?" Ang unang mga salita na sinambit nya. Sa tono nya ay parang hindi sya makapaniwala... hindi sya sigurado.

"Tala." Bigla ko na lang sinabi ng hindi pinag-iisipan. Hindi ko sinasabi sa iba ang pangalan ni Tala pero bakit sa kanya, parang napaka-natural lang na sabihin sa kanya ito? "Iyon ang pangalan nya."

May narinig akong sigawan sa likod, inilipat ko ang tingin dito. Aalis na sana ako para sundan iyon pero may humila ng kamay ko. May malamig na bakal akong naramdaman sa pagitan ng pulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko noong mapagtanto kung ano ang ginawa nya.

"Anong ginagawa mo? Kalagan mo ako!" Pilit ko pang iwinawagwag ang kamay ko palayo sa kanya pero tuluyang nanlaki ang mga mata ko noong makita na isinuot nya rin ang kabilang pares ng posas sa pulsuhan nya. "Nababaliw ka na ba?!"

Pero hindi nya ako pinakinggan. Nakatingin sya sa akin, hindi ko mabasa ang mga mata nya. Para sya nalulungkot na natutuwa. Para sya iiyak na hindi ko maintindihan. Kung ano man ang umiikot sa isipan nya ay hindi ko alam sapagkat nanatili lamang tikom ang mga labi nya. Na tila ba natatakot syang magsalita. Na tila ba kapag ibinuka nya ang mga labi ay maihangin ako ng mainit nyang hininga at bigla na lang maglalaho kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. 

Kahit nga ang kumurap... hindi nya magawa.

"B-bakit?" Bakit ba sya nakatingin sa akin ng ganyan? Tingin na kay lalim. Tingin na makahulugan. Kanina handa ako na hamunin sya sa pakikipagtitigan pero ngayon, parang bigla akong na-concious sa sarili lalo na noong mapansin na nakatitig sya sa maskara na suot. Na tila nagtatanong kung bakit ako may gano'n. Inilipat ko ang tingin sa mga tao sa paligid. Nag-iinit ang mga pisngi ko sa hindi malaman na dahilan.

Humakbang sya at napaatras ako ng konti. Hinila ko ulit ang kamay at sinubukang lumayo.

"Wag. Sandali." Pakiusap nya. Parang tila ba tumalon ang puso ko sa pagkakarinig ng boses na iyon. Ayaw kumalma ng puso ko sa pagtibok. Gusto nyang kumawala.

Nakatingin sya sa akin, tulala, na parang noong una ko syang nakita roon sa may palengke. Ginamit nya ang isang kamay at marahang hinawi ang buhok palayo sa mata ko.

"Pinagupitan mo na ang buhok mo..."

Anong pinagsasabi nya? Paano nya nalaman na mahaba ang buhok ko noon? Muli kong hinila ang kamay ko pero kasama rin nito ang kamay nya. Sandaling nagkadikit ang kamay ko sa kamay nya at yung pakiramdaman na iyon... yung para bang tila may daan-daang bolte ng kuryente na dumadaloy sa buong pagkatao ko ay muli kong naramdaman.

Hindi ko inasahan ang mainit na kamay sa balikat ko. Katulad ng palagi kong ginagawa kapag nagugulat ako, kusang gumagalaw ang kamay ko para tanggalin ito palayo sa akin. Lumipad si Tala ng konti palayo dahil sa gulat. Hinawakan ko ang kamay ng lalaki sa harap ko at handa ko na syang ibalibag bilang reflex-- kahit na ba nakaposas kami sa isa't-isa-- pero mabilis syang nakagalaw upang pigilan ang braso ko bago ko pa ito nagawa. Bukod pa roon, nailagan nya ng mabilis ang sunod ko sanang pagtira.

Paano nya nagawa iyon...? Tanong ng nanlalaki kong mga mata. Inihakbang ko ang mga paa palayo sa kanya. Ang kamay ko ay nakaangat sa pagitan namin dahil sa posas at ganun din ang kanya. 

"Sandali, wag kang lumayo." Bakas ang panic sa mga mata nya noong makita ang ginawa kong paghakbang paatras. Ibinaba nya ang isang kamay sa harap nya na tila ba pilit pinapakalma ang sitwasyon. "Hindi kita sasaktan. Alam mo yan." Pain. I saw it in his eyes.

Ilang minuto ring walang nagsalita sa amin. Ang mga mata namin ay nakatingin lamang sa isa't-isa. Tahimik. Nakikiramdam. Kadalasan kapag ganito ay nababagot ako. Pero sa kanya... parang kaya ko syang titigan habang buhay.

Anong nangyayari sa akin? Ipinikit ko ang mga mata at umiling.

"Serene."

Kumunot ang noo ko. Naguguluhan. Ang pangalan na naman na iyon. Sino ba sya? Bakit ba iyon ang tinatawag nila sa akin?

Hindi ako sya.

"Akala ko hindi ka na babalik." Nangingilid ang mga luha sa mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit.

Isa ba itong bagong modus? Kunwari kilala ka pero pagkatapos saka ka dudukutin?

Hindi ako magpapa-uto sa mga estilong ganyan.

Inayos ko ang tindig at tumayo ng maayos. Tiningnan ko sya diretso sa mata ng walang takot o pangamba.

"Sere--"

"Hindi ako sya. Kaya tumahimik ka."

Hindi nya agad naitago ang pagkabigla sa mukha nya dahil sa talim ng boses ko. Gayunman ilan pang sandali, dinaig ng pagkalito ang pagkabigla na naramdaman.

"Anong sinasabi mo?"

"Kung sino man sya, hindi ako sya. Hindi ko sya kilala at mas lalong hindi kita kilala."

"Anong-- hindi kita maintindihan." Iling nya. Naguguluhan. Sinubukan nya akong hawakan pero inilayo ko ang sarili sa kanya. Pero hindi ko lubusang magawa ito dahil nakaposas kami sa isa't-isa. Letche talaga. "Hindi mo na ba ako maalala? Ako ito, Serene. Ako si Jac--"

"Wala akong pakialam kung sino ka. Kaya nakikiusap ako sayo, pakawalan mo na ako!" Tumalikod ako, ngunit muli kong naramdaman ang kamay nya sa kamay ko.

Hinarap ko sya para sumbatan sa ginawa nya. Sino sya sa tingin nya para ikulong ako sa pamamagitan ng posas na ito at pigilan na lumayo? Kung ayaw nya akong kalagan, ako mismo ang gagawa ng paraan--

Ikinulong nya ako sa kanyang bisig. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero hindi ako makapagsalita. Ni gumalaw ay hindi ko magawa. Naramdaman ko ang mainit nyang yakap pati na rin mainit nyang hininga sa leeg ko.

"Anong nangyari sa'yo? Anong ginawa nila sa'yo? Ako 'to. Hindi mo na ba ako naaalala?"

Naaalala... Naaalala... Sino sya?

Nagsimula akong magpumiglas mula sa kanya pero hindi nya ako binitawan kahit nasasaktan ko na sya. Gusto kong kumawala. Hindi ko sya kilala. Anong ginagawa? Anong akala nya sa sarili ny--

Naramdaman ko ang tila ba basa sa damit ko sa may bandang balikat kung saan nakapatong ang ulo nya pati na rin ang pagkuyom ng mga kamay nya sa damit ko. Napatigil ako. Narinig ko ang mahinang paghagulgol, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang puso ko ay parang sasabog. Hindi ko namalayan na lumuluha na rin ang mga mata ko tulad ng kanya.

"Kaya ka ba hindi nakabalik sa akin agad dahil dito?" Garalgal ang mahina nyang tinig. Puno ng reyalisasyon dito. "Limang taon... Anong nangyari? Anong ginawa nila sa'yo?" Mas lalong dumiin ang pagkakakuyom ng kamay nya sa damit ko na tila ba ang galit na kinikimkim ay nagbabadya nang lumabas ng walang pasabi. 

"Hindi ko sila mapapatawad. Magbabayad sila."

Tinanggal na nya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa balikat. May dilim ang mga mata nya. Malayo ang tingin. Para syang may nakita sa paligid dahil nagbago ang itsura ng mukha nya. Gayunman noong tiningnan ko ay wala naman akong nakita na dapat nyang ikagalit.

Ngayon pa lang ay nraramdaman ko na ang aura nya, madilim... mapanganib.

Sino sya? At anong sinasabi nya kanina?

"S-sino ka?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Mas magaan na ang pagkakahawak nya sa balikat ko, na tila ba baka mabasag ako ano mang oras. Di tulad kanina.

Nagtama ulit ang mga mata namin. Nakita ko roon ang isang malalim na emosyon na kahit yata lalim dagat ay walang makakatumbas. Gayunman, Kasing bilis ng isang kisapmata, naglaho ang kahit anong emosyon sa mga mata nya.

"Raven." Napalunok ako sa lamig ng boses nya. "Ikaw si..."

"Celestine. Ako si Celestine."


///


Jade's Corner: 

Hindi ko na pahahabain pa ang author's note na ito. 3:21 am sa amin. Aaminin ko, isa talaga akong vampire. 

Kasalanan ko bang sa madaling araw lang lumalabas ang tinatawag kong?.... tentenententen!!!!! 

"Le Power of my Mind."

Ngayon pa lang lilinawin ko na. Si Jace at Raven ay iisa. Kung bakit iyon ginawa ni Jace? Malalaman nyo yun sa mga susunod na chapter. 

Pero sa ngayon, ako'y magbe-beauty rest na. Makakapaggym pa kaya ako nito bukas ng maaga? Iyon ang isang malaking hiwaga na kahit ang author na ito ay hindi alam kung ano ang kasagutan. 

Hanggang sa uulitin mga Tagapakinig! Share your comments below and don;t forget to vote and comment! 

Keep inspiring always and OLE!!!!!!!!!!!!!!!!! 


le vampire author, 

wistfulpromise


P.S. HAPPY 13,200+ FOLLOWERS SA ATING MGA TAGAPAKINIG!!! MARAMING-MARAMING SALAMAT SA SUPORTA!! 

P.P.S. Pasensya na sa mga error na makikita nyo. Ako'y inaantok na talaga at hindi na kinaya ang magre-read. 

P.P.P.S. Nagre-read ako ng LTMH. ang weird ba na sabihin ko kahit ak ang nagsulat kinikilig pa rin ako? HAHAHAHAHHAHA!!! 

P.P.P.P.S. LABYU LISTENERS!

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story β‹˜ ───────── βˆ— β‹…β—ˆβ‹… βˆ— ───────── β‹™ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
10.2M 140K 24
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
196K 8.1K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
530K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to TenebrΓ©s City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...