Bloodless War

By bxmillicent

164K 3.7K 263

Dela Vega series #1 (MAJOR EDITING!!) cover picture not mine, credits to the rightful owner. More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
EPILOGUE

Chapter 18

2.6K 62 1
By bxmillicent

Chapter 18





Sera's Point of View



"Babe ayaw mo ba talaga sumama??"    muling tanong ni Finn nang mai-park niya ang sasakyan sa harap ng bahay ko.

"Ihahatid naman kita pagkatapos ng party ni Ivhan.."   si Ivhan ay ang teammate niya na birthday ngayon.



"It's fine babe. Marami din akong assignments na tatapusin e."   sambit ko. Nalungkot naman ang mukha niya kaya mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya oara bigyan siya ng halik sa pisngi.

Nanlaki ang mata ni Finn dahil sa ginawa ko kaya napangisi ako. Iyon yata ang unang beses na ako ang humalik sa kanya. Hindi kasi ako masyadong clingy at naiintindihan naman ni Finn 'yon kaya kalimitan, sa noo lang niya ako hinahalikan.



"Don't be sad and just enjoy this night with your friends Finn."    malambing na sambit ko. Ako naman ang nagulat dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you so much, Sera.."   bulong nito. Napangiti ako.



"I l-love you too."    sagot ko.

Ilang minuto pa kaming nagtagal na magkayakapan bago ako nagpaalam na bababa na. Hinalikan niya muna ako sa noo bago ako bumaba sa sasakyan niya. Hinintay ko pang tuluyang makaalis ang sasakyan ni Finn bago ako sumulyap sa bahay ni Eros. Nandoon ang sportscar niya kaya sigurado akong nasa loob siya. Pumapasok pa ba ang lalaking 'yon??



Puntahan ko kaya siya??


Siguro dapat mag palit muna ako ng damit bago ako pumunta sa kanya? Hmm. Mag shower narin siguro ako dahil baka amoy pawis na ako..



Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay para mag shower at mag palit ng damit. Isang puting shorts at oversized shirt na kulay itim ang sinuot ko. Nag lagay pa ako ng pabango bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay. Eksaktong pagbukas ko ng gate ay ang pagtaas ng kamay ni Eros para pindutin ang doorbell ng bahay.


Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako.



"M-manghihingi sana ako ng kape ulit.."    napakamot siya sa batok niya. Tumango ako at sinenyasan siya na pumasok sa loob.



Kagaya nang lagi naming ginagawa, pinag-iinit ko siya ng tubig habang siya ay kukuha naman ng makakain namin sa ref. Ganyan ang lagi naming gawain kapag pumunta siya dito.. halos araw-araw nga yatang nandito 'yan si Eros at naghahanap ng kape eh. Nasasanay narin ako sa presensya niya kahit papaano.



At isa pa..hindi ko na siya nakikitang nagdadala ng babae sa bahay niya. Tuwing umaga kapag nasa balkonahe ako, nakikita ko siyang nag-eexercise at kapag natanaw siya ako, kakaway siya sa'kin..




"Kinakausap mo ang boyfriend mo na ganyan lang ang suot mo??"

Nilingon ko si Eros dahil bigla nalang itong nagsalita. Kunot noo siyang nakatingin sa'kin habang hawak ang paborito niyang mug.



"Hindi. Minsan lang siya pumunta mag-isa dito. Palaging kasama ang mga kapatid at pinsan niya kaya nagsusuot ako ng maayos na damit."     kuwento ko. Hindi ko na dapat sinabi ang tungkol sa mga kapatid ni Finn pero pakiramdam ko ay kailangan kong sabihin 'yon sa kanya.



"Good. I don't like you showing too much skin, specially your legs, to other guys."    sambit nito habang mariin ang titig sa'kin.



Halos mabingi naman ako dahil sa biglang paglakas ng tibok ng puso ko...



Buong oras na magkasama kami ni Eros ay parang wala ako sa sarili ko. Masyado kong iniisip ang kakaibang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw kapag kasama ko si Eros.. Halu-halo 'yong nararamdaman ko lalo na kapag nakita ko na siyang nasa tapat ng gate ng bahay ko para manghingi ng kape.. Kahit kailan naman ay hindi ako nakaramdam ng ganito kay Finn. Oo, masaya ako kapag kasama ko si Finn. Pero yung pakiramdam na para bang may mga paru-paro sa tiyan ko kapag nakikita siya, natataranta ako kapag malapit siya, o kaya bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakatingin siya...kay Eros ko lahat nararamdaman 'yon..



Alam kong mali 'tong nararamdaman ko.. attracted ba ako kay Eros? Pero mali eh! May boyfriend ako.. pero hindi ko din naman kakayanin layuan si Eros.. Iniisip ko pa lang ay para na akong mababaliw..

Kinabukasan ay walang pasok dahil sabado. Siguro ngayon ay nasa resort pa si Finn kasama ang mga kaibigan niya.. hindi na siya nakapag message sa'kin kagabi hanggang kaninang umaga ay wala. Sinubukan kong tawagan siya pero walang sumasagot. Hinayaan ko nalang din dahil baka nag eenjoy lang siya kasama ang mga kaibigan niya..




Dumungaw ako sa bintana ng kwarto ko dahil nakarinig ako ng pagbukas ng gate sa kabilang bahay. Akala ko ay si Eros ang lumabas pero mali ako.. mayroong babaeng pumasok sa loob ng bahay niya. Sobrang iksi ng suot nitong skirt at talagang umaapaw ang dibdib niya. Kulot ang ibabang bahagi ng mahaba niyang buhok at tanaw na tanaw ko dito kung gaano katingkad ang lipstick na gamit niya..

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Isa nanaman ba 'yan sa babae ni Eros?? Inis kong hinawi ang kurtina ng kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.



Maisip ko lang ang mga pwede nilang gawin sa loob ng bahay ni Eros ay talagang nagliliyab ang inis sa kalooban ko! Ilang oras siguro akong paikot-ikot sa kama ko habang iniisip ang mga ginagawa nila ngayon sa bahay ni Eros.

Alangang mag bible study silang dalawa 'don diba? Sa itsura pa lang ng babaeng pumunta sa bahay niya ay mukhang hindi papayag 'yon na bible study lang ang mangyayari! Para na akong maiiyak sa inis na nararamdaman mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko..



Tumunog ang cellphone ko kaya tamad kong inabot 'yon sa side table kama ko. Akala ko si Finn na ang nag text pero galing sa unknown number ang mensahe. Kahit nagtataka ay binuksan ko na ang message.




"Is this your boyfriend?"   



Iyon ang unang nakalagay sa text. Ilang saglit pa ay may natanggap nanaman akong message galing sa number na 'yon at nag send ito ng picture. Binuksan ko ang litrato niyang sinend at para akong nanlamig sa nakita..



Finn is kissing someone...



Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ay may picture nanaman na sinend. Doon na ako napahawak sa bibig ko. Nakahiga si Finn sa kama habang may babaeng nakaoatong sa kanya... pareho silang walang suot na damit...




Naibagsak ko na ang phone ko dahil sa panlalamig. Kaya pala... kaya pala hindi man lang siya nakatawag o kahit text man lang sa'kin kagabi.. Kaya pala kasi masyado siyang nag eenjoy kasama ang ibang babae...

Bakit hindi pumasok 'yon sa utak ko? Masyado ba akong nag tiwala kay Finn na hindi niya magagawa ang ganong bagay??

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. I'm hurt. My pride is damn hurt. Sinong hindi masasaktan kapag 'yong boyfriend nila ay nakipagtalik sa iba? Dahil ba hindi ako clingy kaya naghanap siya ng iba?? Kung sana nakioaghiwalay nalang siya ay matatanggap ko agad. Pero yung gagawa ng kalokohan sa likod ko? 'Yon ang pinaka-ayoko.



Muling tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Finn 'don. Binalewala ko 'yon at nagmamadaling lumabas ng kwarto.



Nakakainis isipin na ang unang lalaking sinagot ko, lolokohin din pala ako. Unang beses kong pinagbigyan ang sarili na mag boyfriend tapos eto lang ang makukuha ko... panloloko.



Kinuha ko ang susi ng kotse ko bago ako nag deretso sa gate. Pagbukas ko ng gate ay mukha agad ni Eros ang sumalubong sa'kin. Hawak niya nanaman ang paborito niyang mug.. Mas lalo akong nakaramdam ng nainis. Kung kanina ay kaya ko pang pigilan ang iyak ko, ngayon hindi na! Naiinis ako sa kanya! Ano nanang ginawa nila ng babae niya sa loob ng bahay niya? Ha?!



"Anong ginagawa mo dito??"    inis kong tanong at pinahid ang luha sa pisngi ko.




"Ubos na ang kape ko kaya umuwi kana! Bumalik kana sa babaeng pumunta dyan sa bahay mo!"   sigaw ko sa kanya at lalo lang akong naiyak.



Bwisit! Bakit ba kasi pumunta pa 'yan dito?? Hindi ba siya nag-enjoy sa babaeng pumunta sa kanya kaya ako naman ang guguluhin niya??



"Chill.. bakit umiiyak ka??"   kunot noo na tanong niya at akmang hahawakan ako pero tinabig ko siya.




"Wala kang pakialam! Tabi dyan!"  sinubukan kong lampasan siya pero hinarangan niya ang daanan ko.



"Ano ba?! Hindi ka ba nasarapan sa babae mo kaya pumunta ka dito??"



"Woah! You're being too much Sera. Sinong babae ba ang tinutukoy mo??"



"Iyong babaeng malaki ang dibdib na pumunta dyan kanina! Nakita ko kaya wag kang mag sinungaling!"



Akmang lalampasan ko ulit siya pero mabilis niya akong naipasok sa loob ng bahay atabilis sinara ang gate. Magrereklamo na sana ako pero mabilis niya nang hinila ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. Ibinaba niya ang mug na hawak sa malapit na table bago siya problemadong humarap sa'kin.



"What's your problem Sera? Kung iniisin mong may ginawa kami ni Angel ay nagkakamali ka!"    he said in a very frustrated voice.



Mas lalo akong naiyak.



"Come on! Stop crying.. I didn't do anything wrong Sera.."    lumambing na ang boses nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.




"Nakita mo siyang pumasok sa bahay ko pero hindi mo siya nakitang umalis agad.. pinaalis ko siya Sera. Maniwala ka."    sambit nito at pinunasan ang luha na nag-uunahan tumulo sa pisngi ko.



"P-paano ako makakasigurado?"   humuhikbing tanong ko sa kanya.



"Tingnan mo ang lahat ng cctv footage sa bahay.. kung hindi ka makuntento 'don, tatawagan ko si Angel para ikaw mismo ang mag tanong sa kanya."   



Akmang ilalabas niya na ang phone niya sa bulsa kaya mabilis kong pinigilan 'yon.



"Fine. Naniniwala na!"    medyo naiinis parin na sambit ko bago ko inayos ang mukha ko.



"I don't want to see you talking with other girls Eros."  bumuntong-hininga ako.  "Naiinis ako.."   halos pabulong ko nalang na sambit.



Nakita ko naman kung paano sumilay ang ngiti sa labi ni Eros. Kinurot niya ang pisngi ko kaya napasimangot ako lalo.




"My spoiled baby.."   bulong nito.



Paano kung si Eros ang gumawa 'non? Paano kung siya naman 'yong makita kong may katalik na iba? Jusko! Parang guguho ang mundo ko! Iniisip ko pa lang ay naiiyak nanaman ako.. hindi ko yata kakayanin kapag si Eros ang gumawa sa'kin non..



Ilang araw ang lumipas at sabay narin kaming pumapasok ni Eros sa school. Sabay din kaming umuuwi at palagi siyang tumatambay sa bahay ko. Minsan naman, ako ang tumatambay sa bahay niya. Ilang araw narin akong pinipilit ni Finn para kausapin siya pero hindi ako pumapayag. Pero ngayong araw, naisipan ko nang kausapin siya tungkol sa'min.



Nag paalam ako kay Eros na may kakausapin lang saglit kaya hintayin niya nalang ako sa parking area. Gusto niya pa sanang sumama buti nalang at napigilan ko siya.




Dumeretso na ako sa gymnasium kung saan ako makikipagkita kay Finn. Nang makapasok ako ay natanaw ko agad siya na nakaupo sa pinakadulong bleachers. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palapit sa kanya.



Buo na ang desisyon ko.. makikipaghiwalay na ako kay Finn.



Tumayo agad si Finn nang makita ako. Akmang hahalikan siya sa'kin pero mabilis akong umiwas.. Naintindihan naman 'yon ni Finn kaya mas lalong naging malungkot ang mukha niya..




"Babe I can explain.."     siya na ang unang nagsalita pagka-upo namin.



"Explain what Finn? Anong magiging eksplenasyon mo sa pakikipag-sex sa iba?"    tanong ko sa kanya.



"Na hindi mo sinasadya? Come on, Finn! Gamit na gamit na ang palusot na 'yon.."   natatawang sambit ko sa kanya.



"N-no babe.. wlaang nangyari sa'min.. Pangako! Wala--"



"Why don't you just tell the truth instead of lying? Ayoko sa lahat yung niloloko ako, alam mo 'yan." 



"Pero nagsasabi ako ng totoo Sera! I was set up---"



"Finn, i'm breaking up with you."   sa wakas ay nasabi ko na. Natahimik siya na para bang hindi maproseso ng utak niya ang sinabi ko..



"Matagal ko nang pinag-iisipan 'to at mas lalong naging buo ang desisyon ko dahil sa ginawa mo."  sinubukang abutin ni Finn ang kamay ko. Hinayaan ko lang siya.



"N-no.. no babe please.. mahal na mahal kita.."   a tear fell from his eyes. Hindi ko maiwasang masaktan dahil kahit papaano, naging malapit ako sa kanya at naging kaibigan ko siya.



Pero wala na akong ibang magagawa. Simula una pa lang naman ay alam ko nang hindi ganoon kalalim ang pagtingin ko kay Finn. Pero dahil sinabi niyang subukan ko, sinubukan ko. Pero hindi parin sapat.. iba parin ang gusto ko kahit na anong pilit ko sa sarili ko..



"I tried to love you Finn.. Nagawa ko naman e.. Pero hindi mo iningatan."  



Iyong mga panahon na handa na akong bigyan siya ng pagkakataon. Doon naman siya nawalan ng oras sa'kin. Na para bang ako pa ang naghahabol sa kanya.. tapos biglang malalaman ko, na nakipagsex siya sa iba.



Para bang tinulungan niya na din akong buksan ang isipan ko na hindi talaga kami pwede. Na kahit anong pilit ko, hindi kami para sa isa't isa..


Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Finn at malungkot siyang nginitian.



"Sobrang napasaya mo ako Finn.. pero mas gusto kita bilang kaibigan ko."     dagdag ko pa. Tuloy-tuloy na sa pagtulo ang luha niya.



Kita ko mula sa mata niya kung gaano siya nasasaktan..pero mas masasaktan siya kapag pinagpatuloy namin 'to kahit na ibang tao naman talaga ang gusto ko..



"I'm sorry Finn.."    dagdag ko pa bago ko binitiwan ang kamay niya at tumayo na.



"I hope you find someone better than me...I'm sorry."   sambit ko bago ako tuluyang umalis na.




Nasaktan man kita ngayon Finn, mas mabuti na 'yon.. kaysa patuloy kang masaktan kapag pinagpatuloy pa natin 'to..

Continue Reading

You'll Also Like

215K 5.9K 52
STAND-ALONE novel of The Power Assembly series | Completed | Tagalog-English WARNING: Mature. Reader discretion is advised. BLURB: Redemption-the onl...
10.8K 644 43
#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng...
193K 5.4K 60
SYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he...
45K 1.9K 41
Compared to other omega blood, Daria is different. Hindi lang iisa ang klase ng pheromones na kaya nyang ilabas. At bilang isang omega, kailangan nya...