NANG GABING MAGING AKIN KA

By yeshameenbrejente

444K 10.9K 195

More

Prologue
"Loving Gian Monteroso"
"You're Mine Nadine, Only Mine"
"Don Leandro's Heart Attacked"
"A Night With Lewis Elizondo"
Unforgettable Night With Lewis Elizondo
"From L.E with Love"
"Dinner Party"
"A Deal"
"Passionate Kiss"
Instant Wedding
Ex'es Are Back!
Something She Has to Know
Guilt
"Loving You"
Sonia, The ex?
A joy of two and a quarrel of three
The Twin
Welcoming Brianna & Xianna Elizondo"
The Finale

"In His Arms"

19.2K 512 4
By yeshameenbrejente

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente

KABANATA 4

DAHIL sa lakas ng pagsigaw ni Nadine nang saklolo ay biglang nakalabas ang mga kuya niya sa sari-sarili nitong mga silid.

Parehong nagulat pa sina Ryan at Zedrick, nang makita ang kanilang ama na nakabulagta sa sahig ng silid ni Nadine.

"My God! Nadine, what did you do?" galit na sabi ni Zedrick at pinagtulungan nila ni Ryan na dalhin pababa si don Leandro. Umiiyak na sumunod si Nadine sa kanila tungo sa kotse.

Umiiyak pa rin si Nadine, kahit nang nasa kotse na sila na patungo na sa pagamutan.Ryan is driving as fast as he could.Kung pwede nga lang niya sigurong paliparin ang kotse ay talaga namang gagawin na niya.He's so worried of their father.

"Ano na naman ang sinabi mo kay Papa, Nadine?" galit na sabi ni Zedrick na siyang may hawak kay Don Leandro.

"Kuya, di ko sinasadya.Di ko ginustong sagutin siya nang ganon.Nabigla lang naman ako, kasi kakagising ko lang." Sabi ni Nadine at sinasapo ang namumutlang mukha ng ama.

"Oras na may masamang mangyari kay Papa, magtago ka na Nadine, dahil ako mismo ang papatay saiyo!"sigaw ni Zedrick.

"Kuya, di ko naman sinasadya eh.Nabigla na nga lang ako." Paliwanag ni Nadine.

"Tumigil na kayong dalawa!" saway ni Ryan. "Tawagan niyo na lang si Mama at nang makasunod na siya sa atin sa ospital."

Nanginginig pa ang mga daliri ni Nadine habang dina-dial ang numero ng kanyang ina.
It took some minutes just as before Doña Patricia answered her call.

"Oh hija.." tugon ni doña Patricia sa kabilang linya. Narinig niyang umiyak ang dalaga. "Nadine! What's the matter?"

"Mama, si Papa! Si Papa, inatake ho." Tugon ni Nadine.

"Oh my God!"sambulat na wika ni doña Patricia. "Sige susunod ako." Takot na takot si Nadine, pagkatapos nilang mag-usap ng ina.


Mabilis nang naipasok ng mga paramedics sa loob ng Emergency Room si don Leandro. Naiwan ang tatlong magkakapatid sa labas.
Naghintay sila kay doña Patricia na makarating. Si Nadine ay di na matigil ang sarili sa pagluha. She's very scared lalo pa't siya ang dahilan ng pag-atake ng Papa nila.

Nagtungo sa loob ng Chapel ng ospital si Nadine. Ipinagdaop niya ang kanyang mga palad at lumuhod siya paharap sa maliit na altar.Umiiyak pa rin.

"Diyos ko, hindi ko po sinasadyang saktan ang kalooban ni Papa.Pero di naman po yata tama na sila ang magpapasya kung sino ang nararapat kong pakasalan, di po ba?Mahal na mahal ko si Papa at kung mahal niya rin ho ako tiyak na maghuhunos-dili na muna siya bago niya ako piliting ipakasal sa lalaking kahit kailan ay di ko mahal. Ni hindi ko pa nga ho nakikilala eh. I'm asking You to take him out of danger, dear Lord.Iligtas Niyo po si Papa.Di ko po kailanman mapapatawad ang aking sarili oras na siya'y mapahamak nang tuluyan.Kaya please po iligtas Niyo naman si Papa." Sabi ni Nadine na pigil na ang hiningang umiiyak. Masakit lang talagang isipin na siya pa ang naging dahilan ng pag-atake nito kanina. Labis siyang natatakot ngayon sa magiging reactions ng Mama niya.


The doctor tries hard enough to revive don Leandro from the possible death. But his blood pressure has risen up at ang mga pulso nito'y bumababa ayon na rin sa monitoring screen sa loob ng Emergency Room.

Luhaan sina Ryan at Zedrick sa labas ng Emergency Room.Ganon na rin si doña Patricia nang makarating na nga sa tabi ng mga anak. Nabitawan pa nito ang hawak na shoulder bag nang makitang naka
red alert ang ilaw sa may pintuan ng Emergency Room. Mabilis namang lumapit si Zedrick sa ina at niyakap ito nang buong higpit.

"Your Papa's gonna be okay, right?" tanong ni doña Patricia na napahagulgol na ng iyak."Ano ba ang nangyari?" saglit pang nagkatinginan sina Ryan at Zedrick.

"Ma, nagkasagutan sila ni Nadine kanina.We didn't hear them, until Nadine were screaming out loud!" sabi ni Zedrick.

"Nasaan si Nadine?"galit na galit na sabi ni doña Patricia.

"She's in the Chapel, Ma." Tugon ni Ryan na di na maganda ang kutob sa nakikitang galit ng ina.

Mabilis na kumawala sa yakap ni Zedrick si doña Patricia. At nagmadali itong sumugod tungo sa Chapel ng ospital. Sinubukan siyang pigilan ni Ryan ngunit wala na siyang nagawa.


Papalabas na ng Chapel si Nadine nang magkasalubong sila ng ina.

"How dare you, Nadine!" sabi ni doña Patricia at mabilis na pinadapuan ng dalawang sampal ang magkabilang pisngi ni Nadine. Gulat na gulat ang dalaga.Labis siyang nasaktan."Ano'ng karapatan mong saktan ang damdamin ng iyong Papa?"

"Ma, di ko ho sinasadya.I'm so sorry, Ma." Sabi niyang sapo ang magkabilang pisngi.

"Matagal mo nang alam na may karamdaman ang iyong Papa, pero anong ginawa mo? Sinagut-sagot mo pa siya! Heto ang tandaan mo Nadine, oras na may masamang nangyari sa iyong ama, kalimutan mo nang anak kita!" sabi ni doña Patricia at dinuro ang mukha ng dalaga. Sobrang nasaktan ang damdamin ng dalaga. Mabilis siyang napatakbo tungo sa Comfort Room ng ospital, di niya kinaya ang nagawa ng Mama niya.

"Mali ba ang mangatwiran? Mali ba ako?" aniya.

Gusto ni Nadine ang lumayo na lang na muna sa mga sandaling iyon.Gusto niyang wag na munang magpakita sa kanyang pamilya.Pero kapag naiisip na di masilayan ang ama,oras na umalis siya'y nanghihina siya.Mali ba ang siya'y magmahal? Mali ba kung ayaw niyang magpakasal sa taong nais ng Papa niya para sa kanya?


Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na mula sa Emergency Room ang mga doctor.Nasabi na ng mga ito na nasa stage of Coma si don Leandro.

Inilipat na nga ito sa loob ng Intensive Care Unit (I.C.U), dahil under observation pa rin.

Nakasilip lamang si Nadine sa salamin ng pinto sa labas, dahil ayaw siyang makita ng kanyang Mama.She's so hurt that she don't really know what to do. Kayhirap ng situation niya.Isa nga siyang anak at ngayon ay siyang sinisisi ng lahat.

Dumating naman si Gian sa ospital nang mabalitaan ang nangyari kay don Leandro.Nang makita niya si Nadine sa labas ng I.C.U ay nahabag siya dito.

"Nadine.." tawag ni Gian.Bigla namang nakahanap ng kakampi si Nadine.Bigla siyang napatakbo sa mga bisig ni Gian.

"Gian.." tawag niya't muli ay napaluha sa dibdib nito.Mabilis siyang niyakap ni Gian nang buong higpit.

"You're safe in my arms.Wag ka nang umiyak. Nandito ako." Sabi ng binata.

"Thank you, Gian.Thank you for staying with me, even when the world turn it's back from me." Madamdaming sabi ni Nadine at sa balikat ni Gian siya umiiyak.

Biglang bumuka ang pinto ng I.C.U
at iniluwa noon si Zedrick. Mabilis niyang hinila si Nadine sa isang braso at nang maipaghiwalay niya ang dalawa ay mabilis niyang pinadapuan ng mga suntok sa mukha si Gian. At dahil nabigla ito'y na-out of balance tuloy ang binata.

"Kuya!" saway ni Nadine at agad na tinakpan si Gian, matapos niyang maitayo.

"Masaya ka na at Comatose na si Papa? Masaya ka na at malaya ka nang sumama sa lalaking 'yan?" sigaw ni Zedrick. Nagpupumilit itong muli ay masuntok si Gian, ngunit nakaharang na ang katawan ng dalaga sa boyfriend niya.

"Tama na kuya. Papauwiin ko na si Gian.Tama na." Sabi ni Nadine. Mabuti na lang at nakalabas si Ryan at inawat na niya si Zedrick.

"Tama na 'yan Zed! Samahan mo na si Mama sa loob at ikukuha ko lang ng mga gamit si Papa." Ani Ryan. Kumilos naman si Zedrick. At si Ryan ay mabilis nang umalis sa ospital.Naiwan sina Gian at Nadine.

"Gian, I'm so sorry." Hinging-paumanhin ni Nadine at pinahid gamit ng panyo niya ang dugo sa pumutok na nguso ng binata.

"Wala kang kasalanan, baby.Basta wag kang bibitaw ha? I'll always be by your side. Ipaglalaban kita." Sabi ni Gian.Tumango naman ang dalaga.Maya-maya pa ay nagkasundo na silang pauwiin na lang ang binata upang makaiwas sa gulo.



Lumipas ang mahigit isang buwan.Wala pa ring ipinagbago ang condition ni don Leandro.In coma pa rin siya.Wala pa ring malay, all these time.Bihira na lang din na munang nagkikita sina Gian at Nadine, para makaiwas na muna sa kaguluhan.

Sa bawat oras na nagdaraan ay lalo lamang na nasasaktan si Nadine, dahil wala na ni isa sa pamilya niya ang kumakausap pa sa kanya. Maging ang dalawang kuya niya'y iniiwasan siya. Walang sinuman ang kuma-kausap sa kanya.



Paalis na sana si doña Patricia tungo sa ospital upang dalawin si don Leandro, nang biglang lumapit si Nadine sa kanya.

"Ma, kumusta na ho si Papa?"tanong niya. Ngunit inirapan lamang siya ng ina, dumiretso na ito sa garahe.Agad namang humabol si Nadine sa ina."Mama, kausapin niyo naman ho ako.."

"Pwede ba, Nadine! Stay away from me!"sabi ni doña Patricia.

"Ma, nahihirapan na ho ako.Wala na ni isa man sa inyo nina kuya ang kumakausap sa akin.Ma, anak niyo rin naman ho ako.Kausapin niyo naman ho ako." Sabi ni Nadine at napaluhod na sa harap ng ina.

Ngunit nagmistulang bato ang puso ni doña Patricia.Para bang wala siyang pakialam sa damdamin ni Nadine.She's really blaming her daughter on to what happened to her husband!

"Mama, kapag ho ba pumayag na akong magpakasal kay Lewis Elizondo ay kakausapin niyo na ako?" humihikbing tanong ni Nadine at yumakap sa likod ng mga paa ni doña Patricia na tumalikod na sa kanya.

Natigilan naman si Doña Patricia dahil sa narinig mula sa anak.

"Siguro, Nadine.Siguro nga.Baka nga tuluyan nang manumbalik ang lahat, lalo na kapag magising na ang iyong Papa." Sabi ni doña Patricia at tuluyan na ngang iniwanan si Nadine na nakaluhod pa rin sa sahig ng driveway.

She has to decide now. It's choosing between her family and love one.Pareho niyang mahal ang mga ito, and if ever she'll get some choices to make, she'll definitely choose them! But she can't! Isa lang ang dapat niyang piliin ngayon. Kahit pa ang ikasal na lamang siya sa lalaking nais ng Papa niya para sa kanya.
Kay Lewis Elizondo.

"Maraming lalaki sa mundo, Nadine.Ang mga magulang ay iisa lamang.Choose wisely. Mauunawaan ka rin ni Gian." Sabi niya sa kanyang sarili at mabilis nang tumayo mula sa pagkakaluhod.

She made her way to their house. She went upstairs to dress up and she'll meet Gian.She'll break up with him,now.Di niya kayang iwasan ng kanyang pamilya.


Nadine drove off to Gian's office. Nagkataong lunch break na noon. Kaya di na niya kailangang makipag-appoint pa. She knocks at the door, and it was Gian who opens it.He's surprised of seeing her.

"Oh baby.." sabi ni Gian at mabilis na sinugod ng yakap ang dalaga. Yumakap na rin nang buong higpit si Nadine dito. Umiiyak na naman.Sobrang sakit ng desisyong kanyang gagawin, but she's left with no choices.Anak lamang siya at mahal niya ang pamilya niya.

Umiiyak man si Nadine ay kailangan na niyang magpasya.Kahit gaano kasakit.Kahit gaano kahirap. Kahit pa gaano ka-labag sa kalooban niya.She can't live without their family, kaya ay nararapat lang siyang mag-sakripisyo.

"Gian, kalimutan mo na 'ko.You don't deserve me.You deserved someone else better than I." Aniyang garalgal ang boses. Saka kumalas sa mga bisig nito.

Hinabol siya ni Gian. Niyakap nang buong higpit sa likuran. Yung napakahigpit na mga yakap.Luhaan din.

"Nadine, baby! Please, huwag mo itong gagawin!Ikamamatay ko! Sumama ka na sa akin at tayo'y magpapakalayu-layo na.I promise, I'll do my very best upang lumigaya ka sa piling ko, pasa-saan ba't mapapatawad din tayo ng mga magulang mo." Sumamo ni Gian habang yapos pa siya nang buong higpit.

"Mahal kita, Gian.Pero bago pa man kita minahal ay matagal ko nang mahal ang pamilya ko.Comatose si Papa at di ko magagawang magpakasaya habang sila'y nagdurusa. I know someday, you'll understand. Gian, masakit sa akin ang gawin 'to.Pero mas masasaktan ako kapag tuluyang nawala si Papa.Gian, I will choose to die for him to live.I love you, Gian.Goodbye.." sabi ni Nadine at mabilis na niyang inalis ang mga kamay ni Gian na nakayapos sa kanya saka patakbong nilisan ang opisina nito.

Naiwang nagwawala ang binata sa loob ng office niya.Labis na nasasaktan.Labis na nahihirapan.



Nadine made her way to the hospital to visit her father. Umiiyak pa rin siya.

Si Lewis ay naroon din at binisita si don Leandro. Mabuti na lang at suot niya ang face mask at naka-hospital gown dito ito with a shower cap. Kitang-kita ni Lewis na umiiyak si Nadine.Di na niya ito natitiis pa!
Lumapit siya sa dalaga at ilang sandali pa'y nakita niyang yumakap si Nadine sa kanya nang buong higpit.Nadine, just wanted to hug somebody that time to let go of the pain.

"Ang sakit! Sakit! Napakasakit!" sabi niyang umiiyak nang sobra. Inihiga pa niya ang ulo sa malapad na dibdib ni Lewis, habang marahan nitong hinahaplos ang likod ng dalaga.
Naaawa siya dito.He can't bear seeing her that way! Not this way that she's crying like in hell!

Damang-dama ni Lewis na kaybigat ng dinadala ni Nadine.If he could only ease the pain, then he would! Wag lang sana ang iurong niya ang kasunduan dito. Kaya niyang tanggaping nagmahal ng iba si Nadine, habang sila'y di pa nagkikita.Pero, wag lang sanang tuluyan na itong mawala sa kanya.

"Oh, Nadine. I love you to death! And I might go insane if I can't make you mine."Piping usal ni Lewis habang yakap pa rin ang dalagang tila nakahanap ng kanlungan sa makisig niyang dibdib.

Nalalanghap ni Lewis ang mabangong buhok ni Nadine. Ang malambot nitong katawan ang mala-anghel nitong mukha, at ang bawat hikbi nitong sa puso niya'y tumutunaw..


TBC

Continue Reading

You'll Also Like

115K 1.6K 5
SHORT STORY Love and Romance
364K 9.3K 22
The Billionaire's Group Series - Batch II-3 Si Daniel ang nag-iisang taong minahal ni Cassandra ngunit sinaktan siya nito. Makalipas ang apat na taon...
316K 13.1K 37
FONTANA SIBLINGS #6 WRITTEN IN TAGALOG-ENGLISH VERSION UNEDITED VERSION
11.4K 132 32
I am gonna pay with my heart. -Ydref Morillio