Guilt

18.8K 480 2
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente

KABANATA 14



NAPATAKBO si Nadine sa loob ng silid nilang mag-asawa. Labis siyang nasasaktan nang makita si Lewis kasama si Sophie at ang lalong nagpalala ng paninibugho niya ay ang mga sinabi ni Gian sa kanya. Di niya maintindihan kung bakit nasabi iyon ng dating nobyo. Right now, she just wanted to cry and scream.Ngunit ayaw naman niyang masira ang gabing 'to.

Ayaw niyang gumawa ng eksena lalo pa at party ito na bigay sa kanila ng byenan niya.Gusto niyang lapitan ang asawa kanina pero ayaw naman niyang magalit sa harap ng maraming tao.

The least that she could do now is to talk to her husband. Ang magtanong dito sa maayos na paraan.Di naman siya palengkera upang in-public talagang magsaad ng kanyang nararamdaman.

She's facing the life-sized mirror, seeing herself in tears. At ang mga kamay ay sinasapo ang kanyang sinapupunan.She realized that she don't have to cry right now, dahil iyon din ang maaaring maramdaman ng kanyang dinadala. She wiped her tears away and tried to stop from crying. Jealousy is like love, di mo na nga ito mapipigilan kapag umusbong na.Parang pag-ibig lang, pag-ibig na naramdaman niya sa asawa kama-kailan lang.

She's on the bed now, taking her rest, trying to think of something that won't keep her from crying so bad. Biglang may kumatok sa pinto.She knew that it's Lewis, di na siya nag-abalang tumayo upang pagbuksan ang asawa.

After a while ay iniluwa na lamang ng pintuan si Lewis. At mukhang nakahinga na ito nang maluwag pagkakita sa asawang nasa silid na.

"What's the matter? Everybody is looking for you." Seryosong sabi ni Lewis at agad na naupo sa ulunang bahagi ng kama. "Sumama ba ang iyong pakiramdam?"

"I just wanna be alone." Malamig na turan ni Nadine.

"What is that all about?" kunot-noong tanong ni Lewis at sinapo ang pisngi ng asawa.

"Wala nga'to eh!" mataray ngang tugon ni Nadine.

"Oh come on, I knew you, Nadine!" sabi ni Lewis.
Biglang napabangon si Nadine. At naiinis niyang hinarap si Lewis na nakatunghay sa kanya.

"Kaanu-ano mo si Sophie?" tanong ni Nadine na walang gatol. Biglang nagkasalubong ang mga kilay ni Lewis. Nakita nga ba sila ni Nadine kanina habang nag-uusap ni Sophie?

"Bakit umiiyak ka na naman?" tanong ni Lewis sa asawa at pinahid ang mga luha nito.

"I saw how you looked at Sophie, Lewis! Ano pa ba ang di ko alam tungkol saiyo, huh?" naiinis niyang tanong at bigla na namang napapaluha.

Lewis is guilty. Kung minsan ay di na siya makatingin nang tuwid sa mga mata ni Nadine.He's guilty of what he did on the past.

"Isang bisita lamang si Sophie sa party, natin."Tugon ni Lewis sa asawa. At saka niya ito niyakap nang buong suyo at pagmamahal.

"Isang bisita, Lewis? Isang bisita na kailangang sa loob ng sala mo kausapin? I saw how you touched her hands and how you looked into her eyes while talking! Di ako manhid, Lewis!" sabi ni Nadine at nais na niyang sampalin ang asawa dahil sa pagdaramdam niya.

"Nadine, pwede ba?Wala 'yon.I'm telling you, isang bisita lamang si Sophie.Bakit? Nagkita ba kayo ni Gian at ganyan ka na lamang mag-react?" tanong ni Lewis na sa tantiya ni Nadine ay naiinis na.

"Wag na wag mo akong babaliktarin, Lewis!" sabi ni Nadine at kumawala sa yakap ng asawa. Nagmadali siyang tumayo, gusto na lang niyang magpakalayo.Gusto niyang magtago. She tries fixing her hair. She wore her heels.Napatayo din si Lewis.

"Where do you think you're going?" seryosong tanong ni Lewis.

"I'm going to somewhere else of far! Yung malayo saiyo. Gusto kong magpalamig ng atmosphere!" sabi ni Nadine at kinuha ang susi ng kotse sa side table. Maagap naman siyang napigilan ni Lewis.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon