Ex'es Are Back!

19.2K 509 2
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA


CHAPTER 12




A FEW days later. Nasa bahay na ng mga Elizondo nakatira si Nadine at alagang-alaga naman siya ng asawa.Kasundo niya rin ang bawat miyembro ng pamilya ni Lewis kaya naman ay walang problema.

Medyo tinanghali ng gising si Nadine, dahil sa marubdubang lovemakings nila ni Lewis, sa ilang mga gabi nang nagdaan.Wala ni isang sandali ang di sila nito magsiping.

Ngayon ay parang masama ang kanyang pakiramdam na di naman niya mawari kung bakit. Tinatamad siyang bumangon, ngunit kailangan pa niyang pumasok sa trabaho ngayon.

Bumangon siya at nakita niya ang note na nakalagay sa bedside table. Kinuha niya iyon at may isang orchid pang nakalagay.

"RISE AND SHINE, MY LOVELY WIFE! DON'T GO TO YOUR OFFICE, I'VE EXCUSED YOU FROM YOUR BOSS FOR THE WHOLE WEEK, MEET ME IN MY OFFICE, TODAY. I'LL BE WAITING FOR YOU."

Napangiti pa si Nadine nang mabasa iyon.Hinagkan pa niya ang orchid. She went to the bathroom and take her shower.

She wore her dress na floral ang print. Binagayan pa ng kanyang heels. Hanggang tuhod naman ang haba no'n at strapless. She looks more beautiful.

"Good morning, tita." Masayang bati ni Fritz sa kanya at agad na yumakap.

"Hey Fritz, good morning too." Tugon ni Nadine at hinagkan sa ulo ang bata. "Do you wanna go with me? I'm going to your tito's office."

"May lakad po kami nina daddy, eh.Next time na lang po, tita." Sabi ng bata.Tumango si Nadine.

"Nadine, Kuya asked me to take you there. Shall we?" tanong ni Duane sa kanya.Tumango naman si Nadine at sumabay na dito palabas.


Ewan, ngunit nai-excite na si Nadine na makita ang asawa at kung bakit siya nito ipinagpaalam sa boss niya ng isang Linggo ay tiyak niyang may surprise na naman ang asawa sa kanya. Maging si Duane ay labis ding nagagandahan sa kanya, she gets more beautiful each day. Bagay na bagay talaga siya kay Lewis.

Nang makarating sila sa Company ng mga Elizondo ay inihatid pa ni Duane tungo sa office mismo ni Lewis si Nadine. Saktong papalabas din no'n si Lewis upang sunduin sana siya sa labas, ngunit si Nadine ang na-surpresa sa nakita.

A woman, who's of same age with Lewis ay bigla na lang nitong hinagkan si Lewis sa labi. Napatakip tuloy ng bibig si Nadine dahil sa nakita.

Sobrang nasaktan si Nadine dahil sa nakita.Gusto niyang sugurin ng sabunot ang babaeng iyon. Damn her for kissing her husband that way! Pero, dahil bigla na lang pumatak ang mga luha niya'y wala na siyang lakas upang gawin pa 'yon. Umatras si Nadine na hinahabol naman ni Duane.

"Nadine!" habol ni Duane.

"Just leave me alone, Duane! I can manage.." tugon ni Nadine, na tumatakbo pa rin.Ngunit sa takot ni Duane na baka pagalitan siya ng kuya niya'y lihim na lamang niyang sinusundan si Nadine.


Mabilis namang naitulak ni Lewis si Sonia.

"Sonia, pwede ba?" naiinis na sabi ni Lewis.

"Oh come on, Lewis! You're acting like a teenager!" sabi nito'ng naiinis. Itinaas ni Lewis ang kaliwang kamay at ipinakita ang kanyang singsing.

"Can you see, this?" sabi ni Lewis. Napaatras naman si Sonia.Napasandal sa dingding sa may elevator.

"Y-you're married?" sabi nitong gulat na gulat.

"Exactly! And I was expecting for my wife to arrive and you blocked my way!" galit na sabi ni Lewis at iminuwestra ang lift dito. Bigla namang napaluha si Sonia sa nalaman.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon