"In His Arms"

19.2K 512 4
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente

KABANATA 4

DAHIL sa lakas ng pagsigaw ni Nadine nang saklolo ay biglang nakalabas ang mga kuya niya sa sari-sarili nitong mga silid.

Parehong nagulat pa sina Ryan at Zedrick, nang makita ang kanilang ama na nakabulagta sa sahig ng silid ni Nadine.

"My God! Nadine, what did you do?" galit na sabi ni Zedrick at pinagtulungan nila ni Ryan na dalhin pababa si don Leandro. Umiiyak na sumunod si Nadine sa kanila tungo sa kotse.

Umiiyak pa rin si Nadine, kahit nang nasa kotse na sila na patungo na sa pagamutan.Ryan is driving as fast as he could.Kung pwede nga lang niya sigurong paliparin ang kotse ay talaga namang gagawin na niya.He's so worried of their father.

"Ano na naman ang sinabi mo kay Papa, Nadine?" galit na sabi ni Zedrick na siyang may hawak kay Don Leandro.

"Kuya, di ko sinasadya.Di ko ginustong sagutin siya nang ganon.Nabigla lang naman ako, kasi kakagising ko lang." Sabi ni Nadine at sinasapo ang namumutlang mukha ng ama.

"Oras na may masamang mangyari kay Papa, magtago ka na Nadine, dahil ako mismo ang papatay saiyo!"sigaw ni Zedrick.

"Kuya, di ko naman sinasadya eh.Nabigla na nga lang ako." Paliwanag ni Nadine.

"Tumigil na kayong dalawa!" saway ni Ryan. "Tawagan niyo na lang si Mama at nang makasunod na siya sa atin sa ospital."

Nanginginig pa ang mga daliri ni Nadine habang dina-dial ang numero ng kanyang ina.
It took some minutes just as before Doña Patricia answered her call.

"Oh hija.." tugon ni doña Patricia sa kabilang linya. Narinig niyang umiyak ang dalaga. "Nadine! What's the matter?"

"Mama, si Papa! Si Papa, inatake ho." Tugon ni Nadine.

"Oh my God!"sambulat na wika ni doña Patricia. "Sige susunod ako." Takot na takot si Nadine, pagkatapos nilang mag-usap ng ina.


Mabilis nang naipasok ng mga paramedics sa loob ng Emergency Room si don Leandro. Naiwan ang tatlong magkakapatid sa labas.
Naghintay sila kay doña Patricia na makarating. Si Nadine ay di na matigil ang sarili sa pagluha. She's very scared lalo pa't siya ang dahilan ng pag-atake ng Papa nila.

Nagtungo sa loob ng Chapel ng ospital si Nadine. Ipinagdaop niya ang kanyang mga palad at lumuhod siya paharap sa maliit na altar.Umiiyak pa rin.

"Diyos ko, hindi ko po sinasadyang saktan ang kalooban ni Papa.Pero di naman po yata tama na sila ang magpapasya kung sino ang nararapat kong pakasalan, di po ba?Mahal na mahal ko si Papa at kung mahal niya rin ho ako tiyak na maghuhunos-dili na muna siya bago niya ako piliting ipakasal sa lalaking kahit kailan ay di ko mahal. Ni hindi ko pa nga ho nakikilala eh. I'm asking You to take him out of danger, dear Lord.Iligtas Niyo po si Papa.Di ko po kailanman mapapatawad ang aking sarili oras na siya'y mapahamak nang tuluyan.Kaya please po iligtas Niyo naman si Papa." Sabi ni Nadine na pigil na ang hiningang umiiyak. Masakit lang talagang isipin na siya pa ang naging dahilan ng pag-atake nito kanina. Labis siyang natatakot ngayon sa magiging reactions ng Mama niya.


The doctor tries hard enough to revive don Leandro from the possible death. But his blood pressure has risen up at ang mga pulso nito'y bumababa ayon na rin sa monitoring screen sa loob ng Emergency Room.

Luhaan sina Ryan at Zedrick sa labas ng Emergency Room.Ganon na rin si doña Patricia nang makarating na nga sa tabi ng mga anak. Nabitawan pa nito ang hawak na shoulder bag nang makitang naka
red alert ang ilaw sa may pintuan ng Emergency Room. Mabilis namang lumapit si Zedrick sa ina at niyakap ito nang buong higpit.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon