"Loving Gian Monteroso"

26.5K 438 4
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA by:Yeshameen Brejente




[KABANATA 1]

Nagyo-yoga si Nadine sa rooftop ng kanilang mansion. Nakaugalian na kasi niyang mag-yoga pagkagising.It's her best exercise, kaya naman ay napapanatili niya ang maganda niyang figure. She's young and extremely gorgeous. Only girl at bunso sa tatlong magkakapatid.

"Ma'am Nadine, nasa baba ho si Sir Gian. Gusto daw ho kayong makausap sandali."Sabi ng kanilang katulong.

"Pakisabi'ng hintayin na muna niya ako sa sala ha? I'm about to finish na kasi." Nakangiting sabi ni Nadine.

"Sige ho, Ma'am." Tugon naman ng kanilang katulong. Nagpahid ng mga pawis sa mukha at sa katawan si Nadine gamit ang kanyang puting towel. And she made her way to her room.




Sa tuwing dumadalaw si Gian kina Nadine ay laging di maganda ang pakikitungo ng Papa ng dalaga sa kanya.Ewan niya kung bakit. May kaya naman ang pamilya niya, pero pakiramdam niya'y isang langit si Nadine na di niya kayang abutin. Na hanggang pangarap na lamang ito. Pero sa dalaga'y wala nang tanging lalaki sa buhay niya, kundi siya. At iyon na lamang ang pinakamahalaga.

Masamang tingin ang ipinukol ni Don Leandro sa binatang si Gian. Kung hindi lang siguro sila magtatalo ng anak na dalaga'y tiyak baka kanina pa niya kinaladkad palabas ng kanilang bahay ang binata.

"Ikaw ba'y walang balak na tigilang dalawin ang aking anak?" anas ni Don Leandro.

"Titigil lang ho ako, kapag siya na mismo ang humiling no'n." Tugon niya.

"Tigilan mo na siya kung ayaw mong mang-hiram ng mukha sa aso!" galit na sabi ni don Leandro. Ku-kuwelyuhan niya sana ito nang biglang nakababa na mula sa itaas si Nadine. She's wearing her mini-shorts and a body fit shirt. Bagay na bagay iyon sa dalaga. She looks more beautiful.

"Is there's something wrong?" inis na tanong ni Nadine nang makitang nakahawak sa kwelyo ni Gian ang Papa niya. Di naman nagsalita si don Leandro.

"Inayos niya lang ang kwelyo ko, baby."Sabi ni Gian upang di na magtalo ang mag-ama nandahil sa kanya.

"Totoo ba 'yun, baby?" paniniguro ni Nadine.

"Of course,baby." Tugon ni Gian at ilang sandali pa ay nakita na lamang nilang tumalikod na si Don Leandro. Kapwa naupo sa mahabang couch sina Gian at Nadine. Magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Pasensya ka na sa Papa.." hinging paumanhin ng dalaga sa kanya.

"Hayaan mo na siya,balang araw ay matatanggap niya ring nagmamahalan tayo. We just have to wait for it to happen." Marahang sabi ni Gian at inihiga ang ulo ni Nadine sa kanyang malapad na dibdib.

"I love you,baby."Masuyong sabi ni Nadine.

"I love you,more."Tugon ni Gian at hinagkan si Nadine sa ulo habang haplos nito ang pisngi ng dalaga. Mahigit na rin silang dalawang taon na magka-relasyon.Kung noon ay parang wala namang conflicts,dahil hindi naman masyadong vocal si Don Leandro sa pag-ayaw kay Gian,ngayon nama'y iyon ang nais niyang malaman. Mukhang may nangyayari kasi at tila iyon ang dahilan nang pag-ayaw ng ama ng dalaga sa kanya,bilang nobyo nito.

Gian is handsome. Matangkad. At kasing-edad niya lamang ang dalaga.Mukhang ahead lang siya dito for a matter of two to three years. Maamo ang mga mata nito. Yung para bang laging nangungusap.Ang mga labi niya'y nakakatakam na hagkan.

Unti-unting nagkakalapit ang kanilang mga mukha. He was about to kiss her, dahil ang isa niyang kamay ay marahan nang nakahawak sa kanang pisngi niya't marahang paghaplos pa ang iginawad niya. Yung pakiramdam na ga-hibla na lang ng buhok ang pagitan ng labi niya sa mga labi ni Nadine, nang biglang bumaba mula sa itaas si Ryan, ang kuya ni Nadine.

Napatikhim ito.Talaga namang hindi pabor sa gagawing iyon ni Gian sa bunsong kapatid.At nag-iisang babae pa man din.

"Ehem!" malakas na tikhim ni Ryan bagay na agad nagpahiwalay kina Gian at Nadine sa isa't-isa."Gian, wala kayo sa Park.Konting respeto naman sa amin at sa bahay!"

Di na kumibo si Gian.Like a child guilty of a crime ay pinamulahan naman ng pisngi ang maputi at makinis na pisngi ni Nadine.

"I'm sorry, kuya."Hinging paumanhin ni Nadine at agad nang tumayo saka mahigpit na yumakap kay Ryan.

"It's okay, Nadine.Just know your limitations lang." Paalala ni Ryan. Masaya si Nadine,kasi si Ryan ang paborito niyang Kuya. He's always on the right side kasi, di katulad ng Kuya Zedrick niya.

Ilang sandali pa ay umalis na si Ryan,kaya ay muli silang napag-isa ni Gian sa sala.Tinawag ni Nadine ang kasambahay nila upang maipagtimpla sila nito ng juices.




Right after dinner ay tinawag ni Don Leandro si Nadine upang kausapin ito nang sarilinan sa kanyang study room. Naupo ang dalaga sa isang swivel chair na kaharap ng desk ng ama.

"Hija, gusto kong malaman mo na malaki ang utang na loob natin sa mga Elizondo.Without them ay baka sa kalye na tayo pinulot ngayon. Si Lewis Elizondo ay gustong pakasalana ka.I think, it's about time upang pumayag ka na. Hija, I'm sure na gagawin ka niyang Reyna." Sabi ni don Leandro sa anak.

"No, Papa!" mariing tanggi niya sa kanyang ama."Never!" ayaw na munang sabihin ni Nadine kay Gian ang tungkol sa naging usapan nila ng kanyang Papa kanina. Ayaw niyang masaktan ang binata. Sobrang mahal niya si Gian at kahit anong mangyari ay di siya magpapakasal sa Lewis Elizondo na iyon! They've exchanged their sweet kisses together. And after a while ay nakita ni Zedrick na naupo sa unahan ng kotse ni Nadine ang dalawa.Staring at the horizon. Holding hands, habang isinandal pa ni Nadine ang ulo sa balikat ni Gian.Si Gian naman ay hinihimas ang pisngi ng dalaga, kissing her forehead.

Sobrang saya ni Nadine.Kapag nakakasama na niya nang ganito si Gian, pakiramdam niya'y buo na siya.Buo na ulit ang nasirang araw niya. Kung pwede lang sanang ganito na lang sila lagi. Kung malaya lang sana siyang ipaglaban ang tunay na nararamdaman huwag lamang masaktan ang damdamin ng pamilya niya.

Malalim na ang gabi. Pagod na si Nadine. She has to go and leave him here. Kahit ayaw pa niya. Pero kailangan.

"Baby ko, I gotta go." Marahang sabi niya.

"Sige, ihahatid na kita baby." Sabi naman ni Gian at niyakap siya nang buong higpit at pagmamahal.

"No, baby. I can manage to drive home, alone. Ayaw kong mapagod ka. I'll see you, tomorrow. In my office,huh?" masuyong sabi niya at hinagkan sa noo ang binata. Inayos pa niya ang kuwelyo nito saka isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

"Just promise me that you'll arrive safely, okay?" sabi ni Gian.

"This I promise you,baby." Sabi ni Nadine at nakataas pa ang isang kanang kamay. Si Gian pa ang nagbukas ng pinto ng kotse sa may driver's seat.

"I love you so much, baby ko. Drive slowly and safely, okay?" sabi ni Gian.Kumaway si Nadine and she blows the horn and gave him some flying kisses and go!

Naiwang nakangiti si Gian.He's just so happy being with her in any way. Sumunod na ring umalis si Zedrick.


TBC

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon