"A Night With Lewis Elizondo"

21.4K 538 5
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente


KABANATA 5



NANG makahuma si Nadine ay mabilis na siyang kumalas sa mga yakap niya kay Lewis! She felt ashame! Ni hindi nga niya alam kung sino ang lalaking niyakap.Di naman ito doctor. She looks at him in astonishment.

Ngunit nakuha ng pinto ang kanyang attention. Bigla kasing iniluwa no'n ang Mama at dalawang kuya niya. Tulad niya'y parang nagulat din ang mga ito at wari'y nagtataka kung sino nga ba ang kasama niya sa loob ng I.C.U.

Nadine, wanted to talk to them, pero naunahan na siya ng pagkainis sa mga ito. She feels devastated kasi buhat nang di na siya kinakausap ng mga ito. Now that she broke up with Gian, alam niyang papansinin na siya ng mga ito.

Ilang sandali pa ay nakita ni Nadine na lumabas na ang lalaking yakap kanina nang matagal. Sinundan na lamang niya ito ng tingin.

Nagtataka talaga si Nadine kung sino nga ba 'yung lalaking nayakap niya kanina. Di niya kilala, dahil batid niyang di naman talaga doctor.

"Hindi nga kaya, si Lewis Elizondo 'yon?" takang tanong niya sa sarili."Imposible!"

"Nadine, totoo na ba 'yung sinabi mo kay Mama kanina?" tanong paninigurado ni Zedrick.

"May isang salita ako, kuya." Ani Nadine at nagpahid ng sariling mga luha.

"Then that's great." Sabi ni Zedrick."Umuwi ka na muna at magpahinga. You looks so stressed."

Tumango ang dalaga. Stressed nga siya masyado. She needs a lot of time to just take her rest. She needs a lot of time to mend a broken heart. Ilang buntong-hininga ang malayang pinakawalan ni Nadine, dahil kapag di niya iyon ginawa, malamang ay sa hukay siya pupulutin. Sinasabi na nga ba niyang kakausapin na rin siya ng mga ito, oras na pumayag siya.



Nang makarating si Nadine sa kanilang Mansion ay patakbo pa niyang tinungo ang sarili niyang silid.Di niya akalaing ganito pala kasakit ang mag-sakripisyo. Mahal na mahal niya si Gian, ngunit marahil ito na ang nararapat niyang gawin. Ang magsakripisyo na lamang, para sa kanyang pamilya. When she checked her mobile, ay nalaman niyang halos ay 200missed calls na si Gian. She tried to open the messages.

"YOU WERE JUST KIDDING, WHEN YOU BROKE UP WITH ME, RIGHT?"



"BABY, PLEASE. IT'S NOT FUNNY."


"BABY, I MISS YOU. BEEN IN YOUR OFFICE. HAVE BEEN OUTSIDE YOUR HOME."



Sobrang dami ng mga text messages ni Gian para sa kanya. Ngunit imbes na sagutin iyon ay kinuha niya ang kanyang Sim Card saka, ibinasura.

"Patawarin mo 'ko, Gian. Buo na ang pasya ko. Hanggang dito na lamang tayo." Umiiyak na sabi ni Nadine, habang minamasdan ang larawan nila ni Gian, na siya niyang ginawang wallpaper sa screen ng kanyang mobile.



Si Gian naman ay habol pa rin ng habol sa dalaga, ngunit sadyang buo na ang pasya ni Nadine.Di na mababago pa ang isip nito.




PAGKALIPAS NG MAHIGIT TATLONG BUWAN..

Nagising na mula sa Comatose si Don Leandro. Ngunit hindi na ito makalakad pa.Tanging wheel chair na lamang ang ginagamit niya. Naiuwi na rin nila ang matanda sa mansion.

Sa bawat araw na nagdaraan ay lalo pang nananabik si Nadine na muli ay makita si Gian. Three months ago ay di pa rin niya ito nagawang limutin. Mahal na mahal niya pa rin ang binata.

"Hija, bukas na bukas ay papunta na rito ang Wedding planner ninyo ni Lewis." Sabi ni Doña Patricia habang ipinagbabalat ng Apple si don Leandro.

Sobrang tamlay ni Nadine.Mas lalo pa siyang nangangayayat ngayon. Halos walang araw o gabi siyang di umiiyak. She didn't say anything. Wala rin namang magbabago eh. Siya na mismo ang nag-desisyong pumayag na sa gusto ng mga magulang niya.Di na siya pwedeng mag-back out!

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon