Sonia, The ex?

17.3K 412 7
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente

[KABANATA 16]

~

Yumakap na lamang nang mahigpit si Nadine sa kanyang asawa saka niya ito pinabaunan ng halik sa pisngi at sa labi.

"I'll miss you more,mahal ko.
Always take care.I love you."
Sabi ni Nadine sa asawa saka tuluyan nang umalis mula sa kanilang silid.

Nang makaalis si Lewis ay bigla namang dinalaw ng antok si Nadine,kung kaya naman ay pinili na lamang niya ang matulog kahit pa tanghaling tapat.Nagkataon namang weekend kaya wala din silang mga pasok ni Lewis sa office ngayon.

■■■●

Samantala,halos magkapanabay pang dumating ang kotseng gamit nina Lewis,Ryan at Zedrick sa kotseng sinakyan naman nina Lloyd at Sonia.Mabuti na lang at kasama ni Ryan ang asawang si Shane,kaya di nag-iisang babae si Sonia sa mga sandaling iyon.

Nagulat pa si Lewis nang makita niyang narito sina Sonia at sina Lloyd.He's not comfortable with it,dahil kasama niya ang kanyang mga bayaw.Konting scene na maaaring gawin ni Sonia,tiyak niyang makakarating sa asawa niyang si Nadine.

Sana di na lang siya sumama sa mga bayaw niya.Sana di na lang niya iniwan si Nadine sa bahay.O di kaya,sana ay isinama na lamang niya ito.
Lewis is worried,knowing about what Sonia could do.At iyon ang ayaw niyang mangyari.Di siya makapapayag.

Nakita ni Lewis si Lloyd na papalapit sa kanya.

"Lewis.."tawag ni Lloyd sa kanya,at nang makalapit ay nakipagkamay pa 'to kay Lewis.Tinapik niya sa balikat ang kaibigan."Long time no see."

Tumango si Lewis at halatang dini-deadma niya si Sonia.
"Yes,it's been a while."tugon ni Lewis.

"I'm with Sonia,bro."Sabi ni Lloyd at nilingunan ang dalaga.Lumapit naman si Sonia sa pagitan ng dalawa.

Napatikhim si Lewis at nilingunan niya ang mga bayaw niyang sina Ryan at Zedrick.

"Ryan,Zedrick..this is Sonia and Lloyd.My friends."Pagpapakilala ni Lewis sa kanila.

Napangiti si Sonia saka napatingin nang makahulugan kay Lewis.She shook hands with them at kay Shane.

"I'm Sonia."Sabi niya't nakangiti pa."Lewis' ex-girlfriend."

Sinasabi na nga ba ni Lewis na kahit kelan ay walang maidudulot na maganda ang muling pagkikita nila ni Sonia!

Bigla namang napako ang tingin nina Ryan at Zedrick kay Sonia at nagpalipat-lipat na din kay Lewis.

Maging si Shane naman ay di rin makapaniwalang naririto din ngayon ang ex ni Lewis.Bigla siyang napaisip kung bakit naririto nga din si Sonia!

"Oh ano?Magtitigan na lamang ba tayo dito o maglalaro?"basag ni Sonia sa katahimikang namamayani sa pagitan nilang lahat.

"Oo nga naman,tara na at maglalaro na tayo."Sabi naman ni Lloyd at hinawakan sa kamay si Sonia upang matanggal na ang pagdududa ng mga bayaw ni Lewis dito.

Nang mapansin ni Sonia na nakahawak sa kamay niya si Lloyd ay agad naman nitong pinalis ang kamay ng kaibigan.

"Huwag mo nga ako'ng hawakan Lloyd.Baka isipin pa nilang ang cheap ko."Maarteng sabi ni Sonia at bigla na namang napatingin kay Lewis na nag-iiwas na ng tingin sa kanya.

"Tara na sa base."Sabi naman ni Ryan na medyo nakahuma na ngayon,at nagtungo na nga sila sa base upang maglaro.Talagang uncomfortable si Lewis sa presence ng dalaga lalo pa't napapansin niya ang paglagkit ng tingin ni Shane sa kanya.Gusto na lang ni Lewis ang umuwi na lang.
Di niya kasi nagugustuhan ang tensyon ngayon sa pagitan nila.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon