"A Deal"

18.8K 525 4
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente



KABANATA 9

GUSTONG matawa ni Nadine nang makitang halos ay mamilipit sa sobrang sakit si Lewis nang ito'y malingunan niya matapos niyang lampasan. Pakiramdam niya'y nanalo siya sa isang karera.

Namumula naman ang pisngi ni Lewis.He couldn't believe na kayang gawin iyon ng dalaga sa kanya.Nang siya'y makahuma ay agad niyang inayos ang sarili at sumunod nang nagtungo sa may garden.

Nang makarating sa may garden si Nadine ay magiliw siyang naupo sa silyang malapit sa kanyang hipag na si Shane.

Nagkatinginan naman sina don Leandro at doña Patricia. Ewan ngunit parang good mood yata ang dalaga.Maging ang dalawang kuya niya'y nagtataka rin sa mga kilos niya.

Seryosong dumating si Lewis sa may garden. Kailangan niya ring huwag magpahalata.But
of course, di niya palalampasin ang ginawa ni Nadine. Kailangan niya ring bigyan ng leksyon ang dalaga.

"Oh hijo, halika na." Tawag ni don Leandro sa kanya.

Lumapit si Lewis at naupo sa tabi ng Mama niyang si Señora Lorraine na paharap kay Nadine.

Nang magtama ang mga mata nila ng dalaga ay tinitigan niya ito nang matalim. Nanunumbat at parang puno ng galit ang mga mata niya.Parang naiilang naman si Nadine sa tingin na 'yon.
Ang mga katulong na mismo ang nag-served sa kanila ng mga specialties ni Doña Patricia.

Sa kalagitnaan ng dinner meal nila ay lihim na tinanggal ni Lewis ang isa niyang sapatos.
Habang si Nadine ay tahimik lang na kumakain.

Maya-maya pa'y nakaramdam ng kiliti si Nadine sa pagitan ng kanyang mga paa tungo sa kanyang mga hita.Gusto niyang mapasinghap at nais niyang mapa-ungol. She loves that feeling.That kind of feeling na minsan na niyang naramdaman.

Lewis foot is sliding to her legs up to her thighs, up and down.Vertically and horizontally! It's making her feel crazy.

"Damn!" bulalas ni Nadine sa sarili.Kung malaya lang sana siyang makasigaw dito ay talagang ginawa na sana niya.

Lewis on the other hand wanted to burst in laughter. He just knew where to tickle her. And he knew that it's her weakness.

Nadine's hand went down to her lap at nang matiyempuhan niya ang isang paa ng binata ay agad niya itong kinurot nang pinung-pino. Pero ewan kung manhid ba si Lewis o tinitiis lang nito ang sakit ng mga kurot niya.

"Damn this man!" sabi ni Nadine sa loob-loob niya. Kung pwede lang sana siyang magwala at sumigaw eh talagang gagawin na niya.

Napaubo tuloy nang wala sa oras ang dalaga. "Excuse me." Aniyang humingi agad nang paumanhin. She took the table napkin at agad siyang tumayo.

"Nadine, where are you going?" tanong ni don Leandro.

"Papa,I need to go to the bathroom for a while." Sabi ni Nadine.

Nakangiti namang nakasulyap sina Señor Beltran at Señora Lorraine sa dalagang talaga namang kinagigiliwan nila. After some time ay napansin na nilang tumalikod na si Nadine.

Lewis smiles. Alam niyang di magtatapos sa ganon ang dalaga. Alam niyang mayroon na naman itong ibang naiisip upang gantihan siya. He stops eating.

Galit na galit si Nadine dahil sa ginawa ni Lewis. Alam niyang iyon ang paraan ng paghihiganti nito sa kanya. She's so mad like hell.

"Ang bwisit na 'yon! Ang kapal ng mukhang gawin 'yon sa akin!" sabi ni Nadine sa sariling nagdadabog pang paakyat sa hagdanan.

Si Lewis naman ay tila di na niya kayang mawalay pa sa tingin niya si Nadine nang kahit isa pang saglit. Kaya naman ay mabilis na siyang sumunod dito. Nadatnan niya si Nadine na nasa may hagdanan pa't nakikita niya kung gaano ito nagalit.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon