"Passionate Kiss"

20.3K 566 10
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente



KABANATA 10


NAKANGITI pa si Nadine nang tuluyan ng makaalis sina Lewis kasama ang kanyang mga magulang. Masaya naman palang kasama ang binata.

Bakas ang ngiti ng dalaga kahit ang magpahinga na siya sa kanyang silid. And right now, she just can't put herself to sleep thinking on what attire to wear tomorrow with since, susunduin siya ni Lewis upang maihatid sa kanyang office. Kung dati ay ayos lang at di na niya kailangang paghandaan pa nang mabuti ang anumang isusuot niya para sa pagpasok sa office, ngayon naman ay para siyang napa-praning kung ano nga ba ang dapat.

"My goodness! Bibigyan pa ba naman ako ng mokong na 'yun ng problema." Naiinis niyang sabi at halos lahat ng kanyang mga office attire ay nailabas na niya mula sa kanyang mga closet. Lahat na yata ng kulay ay nasa labas na at nakalatag na sa kanyang kama. "Mirror, mirror on the wall, which is the best attire of them all?" para pa siyang nasisiraan ng bait habang sinasambit iyon. Madaling araw na nang makatulog si Nadine, dahil sa pag-iisip kung ano nga ba ang kanyang isusuot. Mabuti na lang at napilit na rin niya ang sarili upang matulog na lamang kesa ang magka-eyebags bukas sa pagsundo ni Lewis sa kanya.


Madaling araw nang magising si Lewis, nagsuot siya ng White jersey sleeveless, with his boxer shorts and started his day with a warm up.He went out for jogging along the subdivision from which they're living in.Nakailang ikot din siya.Kailangan niyang maging maganda ang mood niya, lalo pa at magkikita sila ng dalaga sa araw na 'to, bilang unang araw sa kanyang panliligaw sa dalaga.

Pagkatapos niyang mag-jogging ay ilang push-ups din ang ginawa niya, saka siya nag-swimming sa malaki nilang pool sa may garden.

He took his breakfast and when the alarm clock's ringing ay agad na rin niyang sinuot ang black coat niya, na siya niyang nakaugaliang isuot tuwing Lunes.

"Kuya, mukhang excited na talagang lagi ay makasama si future bride, huh?" Kantiyaw ni Diane.
Lewis just gave her a smile at bago pa siya lumabas ng bahay ay hinagkan niya ito sa pisngi.


Si Nadine naman ay halos naka-ilang retouched na din dahil sa paghihintay kay Lewis.Hindi pa naman huli ang binata, pero mas napaaga lamang yata ang gising niya, kesa dito. Tinitignan niya ang reflection niya sa salamin and she smile. She's so beautiful just as the way she is. Maya-maya pa ay may kasambahay nang kumatok sa pinto ng silid niya.

"Ma'am Nadine.." tawag ng kasambahay sa labas ng silid niya.

"Yes, manang?" sabi niya sa marahang boses.

"Ma'am andyan na po si Sir Lewis." Sabi ng katulong. Agad namang kumabog ang dibdib ni Nadine. Sobrang kinakabahan siya, na para bang nae-excite na di maintindihan.

"S-sige ho, Manang.Susunod na ho ako." Tugon ni Nadine na pilit na kinakalma ang sarili.Nadine combs her hair again and sprayed her most expensive perfume all over her body.Muli siyang nag-apply ng light lipstick, inayos pa ang damit saka tuluyan nang lumabas ng silid niya.



Marahan pa siyang bumaba nang hagdanan at namataan niyang nasa sala si Lewis na nakaupo't naghihintay sa kanya.Ewan, ngunit sa tuwing nakikita na niya ang hitsura ni Lewis ay bigla na lamang nabubuo nito ang araw niyang kaka-simula pa lamang.

Lewis, on the other hand, look at her in wonder.He's really amazed of this lovely young woman that's probably making him in love with her again and again.

"You look more beautiful than the morning, itself.A beautiful morning to you.." bati ni Lewis at agad nitong kinuha ang kanang kamay niya,l nang makalapit sa kanya. He kissed her right hand, with his warm lips.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon