Welcoming Brianna & Xianna Elizondo"

17.6K 428 3
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente

[KABANATA 19]

HAWAK-HAWAK ni Nadine ang mga librong tungkol sa twin names. Sa sobrang dami ng mga pangalang naroon ay nahihirapan tuloy siyang pumili para sa kanilang kambal ni Lewis.Medyo sumasakit na rin ang ulo niya sa kakaisip kung ano nga ba ang kanyang ipapangalan para sa kambal.

"Sweetheart, is everything okay?" tanong ni Lewis nang makitang itinakip ni Nadine ang hawak na libro.

"Sweetheart, nahihirapan ako."Sabi niya at inilagay ang librong hawak sa bedside table saka pinaghahagkan ang pisngi ng asawa.Kaya naman si Lewis ay natatawa na sa ginagawa ng asawa.

"Gusto ko'ng isipin na ang babaeng malapit nang manganak ay bumabalik sa stage ng paglilihi. Sweetheart alam mo ba'ng ma-swerte ang mga bata dahil ako ang pinaglihian mo?" masuyong sabi ni Lewis saka hinagkan ang labi ng asawa.

"Ah gano'n? So, poging-pogi ka naman sa sarili mo?"Naiinis na natatawang sabi ni Nadine.

"Hindi lang naman ako ang nagu-gwapuhan sa mukhang 'to."Sabi ni Lewis at itinuro ang sariling mukha.

"Eh bakit, sino pa ba ang may sabi'ng gwapo ka nga?" tanong ni Nadine at hinimas ang kanyang tiyan.

Inginuso siya ni Lewis. Saka pinaraanan ng sariling dila ang kanyang mga labi'ng mamasa-masa.Kinindatan pa niya si Nadine, saka hinubad ang suot na white shirt at ipinakita sa asawa ang kanyang well-figured abs.

"Dito nga yata kita nadali eh."
May pagmamalaki sa tinig na sabi ni Lewis. Saka sumayaw-sayaw na animo'y macho dancer!

"Ano?Aba, bakit agad ko bang napansin yang anim mo'ng pandesal?" pilyang sabi ni Nadine.

"Wow! You called these a pandesal?" natatawang sabi ni Lewis. At heto na naman si Nadine, nai-inlove na naman yata sa gwapo niyang asawa.
She sit down and feel his face.Touched his nose and feel his lips, teasing his ears with her fingers and gave him a smack!

Mabilis namang nag-react ang bawat ningas sa katawan ni Lewis.Di na niya magawang pigilan pa ang sariling hagkan ang labi ng asawang napakaganda!

"Nadine, my love, my life! I love you so much."Romantikong sabi ni Lewis saka pinaraanan ng masusuyong halik ang labi ng asawa.Si Nadine naman ay naaaliw'ng pinagmasdan ang maamo at gwapong mukha ng asawang kahit kelan ay di niya pagsasawaang titigan.

"Masaya ako, dahil ikaw ang napangasawa ko.Masaya ako dahil ikaw ang ama ng magiging mga anak ko.Ikaw, Lewis Elizondo ang karugtong ng buhay ko.Ikaw ang lahat sa akin."Sabi ni Nadine at pikit mata niyang hinagkan ang tungki ng ilong ni Lewis, saka pinaraanan ng hintuturo niya ang mamasa-masang labi ng asawa.Si Lewis naman ay napasinghap, dahil sa ginawa ng asawa.

"Hindi ka na ba galit dahil sa nilihis ko ang kapalaran ninyo ni Gian?Kung inagaw man kita sa kanya? At nang gabing angkinin kita? Nang gabing maging akin ka?" tanong ni Lewis at ang mga mata niya'y tila nagmamakaawang, please wag mo na akong bitawan at wag mo na akong pakawalan.

Paano nga ba siya matitiis ni Nadine?
Nadine touched his face and gently claimed his lips.

"Nang gabing iyon, nagtagpo na ang landas natin.Pinagbuklod na tayo ng tadhana.If everything happens for a reason, then the reason why we've shared our intimate moments that one wonderful night was, God made me yours.Only yours.." sabi ni Nadine, bagay na ikinagalak ni Lewis.He's very happy.

Lewis is teary-eyed.He just can't help it but hug her so tight.Si Nadine naman ay nakangiti.Sobrang maligaya.

Maya-maya pa ay biglang natigilan si Nadine.She didn't talk.She paused.Nag-worry naman si Lewis nang mapansin 'yon.

"Sweetheart,are you okay?"tanong ni Lewis sa asawa.Biglang napapikit mata si Nadine.Biglang kumirot ang kanyang sinapupunan.

"Lewis, ma-manganganak na 'yata ako! Ang sakit ng tiyan ko!" namimilipit na sabi ni Nadine sa asawa.Si Lewis naman ay biglang kinabahan.

Magkahalong excitement at pag-aalala.Para pa siyang pusang di mapaanak, imbes na buhatin na ang asawa'y nagpaikot-ikot pa siya sa loob ng silid nila.

"L-lalabas na ang kambal!"aniyang nakangiti pa saka binuhat si Nadine.Maingat niyang tinahak ang mataas na hagdanan.Si Nadine naman ay napapabuga na ng malalim na hininga.Inhale. Exhale. Paulit-ulit  na animo'y may sugat na sobrang mahapdi!

"Zedrick! Pakihanda naman ng kotse! Manganganak na si Nadine!"sabi ni Lewis sa bayaw niyang mukhang kararating  lang.Nataranta din si Zedrick. At mabilis nga nitong inilabas mula sa garahe ang kotse.Saka niya tinulungan si Lewis na isakay sa backseat si Nadine.Sina Shane at Ryan naman ay sumunod na sa kanila nang marinig nila ang sigaw ni Lewis kay Zedrick.Everyone is just so excited to see the twin coming out of the world! Tinawagan na rin nina Ryan ang parents ni Lewis at pati na rin ang parents nila.

***

Mabilis namang ipinasok ng mga paramedics si Nadine sa loob ng Delivery Room sila ay nasa isang pribadong pagamutan para sa Lying-In and Maternal Care.

Si Lewis naman ay pumasok na rin sa loob ng Delivery Room dahil syempre nais niyang siya ang unang makakakita sa kanilang kambal na prinsesa pagkalabas nila sa mundong ito.Nakasuot na rin siya ng hospital gown, mask at head cap.Si Nadine naman ay mas piniling manganak siya ng normal kaya pinirmahan na rin 'yon ni Lewis.

Habang umi-ire si Nadine ay naaawa naman si Lewis.

Kung pwede nga lang sila magpalit ng posisyon ng asawa'y mas pipiliin niyang akuin 'yon wag lang itong mahirapan sa panganganak!

"Push some more, Mrs.Elizondo. Nararamdaman ko na ang ulo ng bata." Sabi ng Midwife sa kanya."Inhale,exhale.Dahan-dahan." Dagdag pa nito sa kanya.Sinunod naman iyon ni Nadine.Ngunit talaga namang nasasaktan siya, kaya napapasigaw pa siya. At sa malakas at maingat na pag-ire pa niya ay lumabas na ang unang sanggol. Malakas ang iyak nito nang hawakan ng doctor sa mga paa't pinalo ng marahan sa pwet.Napaluha pa si Lewis nang makita ang munti nilang panganay na prinsesa. At ilang minuto ang pagitan saka naman muling umire si Nadine at lumabas na nga ang ikalawa nilang anak.
Nakaraos naman ang mag-iina.Nanghina nga lang si Nadine.

Pagkalipas ng ilang sandali't nalinis na ng mga doctor ang kambal at nabihisan na'y inilagay nila 'yon sa dibdib ni Nadine, saka inilipat na sa regular room ang mag-iina.Sumunod na rin si Lewis.

****

Walang kasi'ng ligaya ang mga Elizondo at Alcantara habang minamasdan ang kambal. Magkamukhang-kamukha ito, parehong maputi . At parehong magaganda.Si Lewis nga ang naging kamukha nila.Palibhasa siya ang napaglihian.

Muling naging emosyonal si Lewis nang mahawakan na ang mga anak. Si Nadine ay lupaypay pa rin, pagkatapos ng ilang oras niyang labor sa loob ng delivery room.Tulog pa rin ito.

■■■

Mabigat pa ang mga mata ni Nadine nang siya'y magising.Ngunit nang makitang nasa loob ang pamilya niya't pamilya ni Lewis ay wala na siyang kasing ligaya.

"Hi mommy,kumusta ka na?"
Masuyong tanong ni Lewis at hinagkan siya sa mga kamay.

"Inaantok pa rin ako, where's our twin? Gusto ko silang mayakap at mahagkan."Sabi niya sa marahang boses.Kumikirot pa rin kasi ang bahaging 'yon ng kanyang pagkataon. Agad namang kinuha ni Lewis ang kambal saka marahang ibinigay kay Nadine.

"So, what's their names?"sabay na tanong nina Señora Lorraine at ng Mama ni Nadine.Nang magkatinginan sila ni Lewis ay pareho silang natawa saglit.

"This is Princess Brianna Samantha and this is Princess Xianna Sunshine Alcantara Elizondo."Sabi ni Nadine. "Baby Brianna and Baby Xianna."

Lahat naman ay natuwa sa naging pangalan ng kambal.
Lalo na si Lewis.Dumukwang si Lewis at hinagkan sa noo ang asawa.





■TO BE CONTINUED■

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon