"You're Mine Nadine, Only Mine"

22.5K 532 8
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA


by:Yeshameen Brejente






KABANATA 2




LABIS pa ring masama ang loob ni Nadine sa kanyang ama.Kaya naman nang siya'y makarating sa kanilang mansion ay di na niya ito kinausap pa.


Nagkasalubong sila ni don Leandro sa may sala.Gusto pa sana siyang kausapin nito, ngunit nakaunawa naman ito. Alam niya ring wala itong balak na kausapin siya.Inirapan pa ni Nadine ang ama, bago siya tuluyang pumanhik tungo sa silid niya.





Pinuntahan ni don Leandro sa may garahe ang kakarating lang na si Zedrick.

"Saan ba nanggaling si Nadine?" tanong nito sa seryosong mukha.Ngumiti naman si Zedrick, upang agad na ma-kampante ang ama. Ayaw niya kasi itong bigyan nang sama ng loob, dahil may sakit sa puso ang kanilang ama.

"Nakipagkita ho kay Gian, but they've just talked." Tugon ni Zedrick.

"Bantayan niyong mabuti si Nadine.Baka maisipan niyang makipagtanan pa sa Gian na 'yon." Sabi ni Don Leandro.

"Opo, Papa." Tugon ni Zedrick.Tinapik naman ni don Leandro sa balikat si Zedrick and he made his way inside.



Kinabukasan habang nag-aalmusal ang mag-anak na Alcantara..

"Hija, nakapag-decide ka na ba?" marahang tanong ni don Leandro sa dalaga.Biglang nag-angat ng mukha ang dalaga.Tuloy ay nawalan na siya nang ganang kumain.

"Pa, I don't wanna lose my appetite. Can't you see that I'm eating?" sabi ni Nadine at binitawan ang hawak na mga kubyertos.

"Nadine!" saway ni doña Patricia sa takot na baka sumama ang loob ng asawa.Di na nagsalita pa si Nadine.Tumayo siya at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin.

"Excuse me." Sabi niyang marahan

at mabilis nang tumalikod sa mga ito.

Tumayo naman agad si Zedrick upang sundan ang kapatid. Sa silid nito na niya naabutan si Nadine.

"Nadine, let's talk.." marahang sabi ni Zedrick.

"Kuya, just stop it! If you're here to convince me para pumayag sa gusto ni Papa, well I won't and never will!" asik niya dito.

"Nadine, alam mong may sakit sa puso si Papa, gusto mo bang mamatay siya?" malumanay na sabi ni Nadine.

"At gagamitin niyo 'yon para mapa-payag ako? Paano naman ako kuya? Paano ang kaligayahan ko?" sabi niyang naluluha na.

"Ang isipin mo dito ay gaganda ang buhay mo pag nagpakasal ka na kay Lewis Elizondo." Kalmadong sabi ni Zedrick.

"My God! How would you know what's best for me? How you guys

know na sa Lewis Elizondo na 'yon ay gaganda ang buhay ko? Kuya, I'm working.I have a good job, mabubuhay na ako in any way that I want.I don't need to become an instant millionaire by just marrying someone, whom I never knew!" luhaan na ngang sabi ni Nadine. Ang sama talaga ng loob niya.Bigla na tuloy siyang napa-hagulgol.Mabilis naman siyang niyakap ni Zedrick. Hinagod nito ang kanyang likod.

"Nadine, trust me.Di ko gustong supilin ang kaligayahan mo. Pero ayoko ding may masamang mangyayari kay Papa." Sabi nito sa kanya.

"Kuya, ang pagpapakasal ay isang sagradong commitment.I couldn't imagine, how my life would be if I ever marry that stranger!" sabi ni Nadine na talaga namang napapasinghok na.Niyakap na lamang siya ni Zedrick. A part of him, understands her feeling.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon