Something She Has to Know

17.2K 484 2
                                    

NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen Brejente




KABANATA 13

LABIS ang pag-aalala ni Lewis habang buhat ang nawalang malay na asawa.Tinulungan na rin siya ng mga hotel staffs. Idineretso nila si Nadine tungo sa private suite nilang mag-asawa at doon ay tumawag na lamang sila ng doctor.

Hawak ni Lewis ang isang kamay ng asawa, saka marahang hinagkan.Wala pa rin itong malay tao.

"Nadine, please wake up." Lewis says worriedly.
Di naman nagtagal ay dumating na ang tinawagan nilang doctor sa may malapit na ospital lamang ng Kuala Lumpur. Ginawaran ni Mr.Syed ng ilang tests si Nadine.

Maya-maya pa ay unti-unti nang nagkakamalay si Nadine. Pilit niyang iminumulat ang kanyang mga mata at ramdam pa rin niya ang matinding pagkahilo. Mabigat pa rin ang ulo niya't parang kumakalam ang sikmura.Nagulat pa siya nang mamulatan niya ang isang lalaking di familiar sa kanya na nakasuot ng puting suit.

"Who are you?" tanong ni Nadine sa marahang tinig at pilit na bumabangon.

"I'm doctor Syed, Mrs.Elizondo." Tugong pagpapakilala ng doctor. "How do you feel by now?"
Dumako naman ang tingin niya sa kaliwang bahagi ng Kama ng hotel at nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Lewis.

"Hinimatay ka kanina.." sabi ni Lewis. Umirap si Nadine sa asawa. Mantakin ba namang di na siya nito pinansin mula pa sa NAIA, hanggang sa makarating na sila ngayon sa Hotel ng Kuala Lumpur.

Lewis tries to touch her hand at pinisil niya iyon nang marahan. Pilit na tumalikod dito si Nadine dahil di niya kayang makita pa ang hitsura nitong tumutunaw sa anumang inis niya.

"When was your last period, Mrs.Elizondo?" tanong ni doctor Syed. Napa-isip si Nadine, dahil di na pala siya dinaratnan. Akala niya'y irregular menstruation lamang iyon.Ngunit nagkakamali siya. Doctor Syed gave her a pregnancy kit at inalalayan siya ng asawang bumangon. Di na rin na munang nagreklamo si Nadine.

"Doc, I was delayed for about a month." Tugon ni Nadine at nagkatitigan sila ni Lewis and she could see the fondness in his eyes. Fondness na ngayon niya lamang ulit nakita pagkatapos nang gabing may namagitan sila sa isang abandonadong bahay sa Bulacan.

Maging si Nadine ay biglang lumakas ang pintig ng kanyang puso. May kung anong tuwa siyang bigla na lamang niyang naramdaman. Marahan siyang inalalayan ni Lewis tungo sa loob ng bathroom upang magpa-pregnancy test, gamit ang iniabot na pregnancy kit. At nang magkatitigang muli sila ng asawa ay biglang sumilay ang kani-kanilang mga ngiti sa labi.

Nang makapasok si Nadine sa loob ng bathroom ay di naman mapakali sa labas si Lewis.Maging si doctor Syed ay nahihilo na sa pagparoo't- parito ni Lewis. He's very excited to know what's the result of the pregnancy test. Sana nga totoong buntis na ang asawa, dahil talagang gustong-gusto na niyang magkaanak sila.

Nang bumukas ang pinto ng bathroom ay lalong bumilis ang tibok ng puso ni Lewis, but Nadine's face isn't happy, she look tensed.

"Lewis, I'm pregnant!" masayang balita ni Nadine at agad na sumugod ng yakap sa asawa. Maging ang doctor ay natuwa para sa mag-asawa. Wala namang pagsidlan ng ligaya sina Nadine at Lewis dahil sa balitang alam nilang babago na sa buhay nila.



"I can't wait to go back to the Philippines na." Sabi ni Nadine at naupo na ulit sa kama. Naisip naman ni Lewis ang posibilidad ng muling pagkikita nina Nadine at Gian. Gusto niyang mag-protesta.
Gusto niyang pigilan ang asawa.

Pero ayaw naman niyang ma-disappoint si Nadine. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng asawa. Ayaw niyang baka maramdaman nitong wala siyang tiwala.

"But baby, we didn't enjoy our stay here yet.We just arrived." Sabi ni Lewis sa malungkot na mukha.
Nadine starts to touch his face and gave him some soft kisses on his cheeks.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon