Hunks Series5... SHANNON...Th...

By Emmz143

235K 8K 707

Romance More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Pre- Finale
Finale

Chapter 7

6.5K 221 10
By Emmz143

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 7...

Kahit na ipinapagtulakan na ni Aslea palyao si Shannon ay hindi parin sumusuko ang binata. Sige parin ito sa pagpalit at kung hindi man ay tinatawagan niya ito sa telepono kahit na kung ilang beses na siyang binabagsakan at araw araw na nagpapadala ng mga sweet messages kay Aslea upang ipakita sa dalaga ang kanyang tunay na  damdamin.

.......Babe, how's your day today, Do you feel okay? Mayroon naba tayong little angel?....💕💕💕Shannon.....

"Haaahhh!..." iritadong sigaw ni Aslea sa loob ng kanyang opisina ng mabasa nito ang text message na galing kay Shannon. Halos kadarating lang niya sa kanyang opisina ay heto ang pambungad sa kanya. At sa totoo lang ay problemado narin siya dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng may mangyari sa kanila ni Shannon ay wala pa ang kanyang buwanang dalaw, bali tatlong araw na siyang delayed.

Halos maibato an ni Aslea ang kanyang cellphone sa sobrang inis nito at napaiyak na nga siya dahil sa sobrang pag aalala......."Wag naman sanang magkatotoo ang hinala ko? Sana hindi magbunga ang nangyaring iyon!.." kung ilang beses nang nasabi ni Aslea ang mga katagang iyon dahil kung sakaling magkatotoo ay hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil baka mapatay pa siya ng kanyang kuya Ulysses.

Maya maya ay napatigil si Aslea sa kanyang emosyon ng may biglang kumatok......"Come in!.." aniya saka pinakalma ang kanyang sarili, pagbukas ng pinto ay ang isa sa mga tauhan niya ang pumasok at may dala dala itong  isang dosenang pumpon ng mga bulaklak at alam na ni Aslea kung saan galing ang mga iyon dahil araw araw ba namang iyon ang pinapadala ni Shannon.

Matapos maihatid ang bulaklak ay nagpaalam narin ang tauhan ni Aslea at naiwan siyang mag isa sa kanyang opisina at maya maya pa ay tumunog na ang kanyang cellphone. Dahil sa sukdulang galit ni Aslea ay agad niyang sinagot ang tawag na iyon ni Shannon.

"Hinding hindi mo ba talaga ako tatantanan huh Shannon!.." bungad na singhal nito sa binata.

"Babe, relax! Parang naglilihi kana sa hitsura mong iyan ah, meron na ba?" kalmadong sagot naman ni Shannon dahil nasanay na siya sa katarayan ni Aslea.

"Para sa kaalaman mo ay hindi ako buntis!.." mariing sabi nito kay Shannon.

"Sure kana ba? Baka naman pinaglilihiman mo lang ako?.." nagdududang wika ni Shannon dahil mula ng mangyari sa kanila ni Aslea ay binibilang nito ang mga nagdaraang mga araw........"Aslea, isang buwan na ang nakakalipas at kung sakaling wala ka pang monthly period ay malamang na buntis ka" mahinahong turan ni Shannon.

Hindi kumibo si Aslea dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng binata at dahil sa walang marinig na kasagutan si Shannon ay muli niyang tinanong si Aslea........"Dumating naba ang buwanang dalaw mo?.." parang may sabik sa boses na tanong ni Shannon.

"Wala ka ng pakialam kung dinatnan na ako o hindi pa dahil pribado kong buhay ito at hindi kita binigyan ng karapatan para alamin ang tungkol sa aking buhay!..." deritsahang sagot ni Aslea saka nito pinatay ang kanyang cellphone at maya maya ay impit na napaiyak ito......."Walang hiya ka kasi Shannon eh, kasalanan mong lahat ng ito kung bakit nalalagay ako ngayon sa napakalaking problema!.." humihikbing tinungo ni Aslea ang kanyang toilet room at doon humagulgol ng humagulgol.

Pagkalipas ng dalawang araw ay nawala ang pag alinlangan at takot ni Aslea sa sarili dahil dumating na ang kanyang pinakahihintay, ang kanyang monthly period.

"Salamat at hindi ako buntis!.." aniya sa sarili saka nito hinaplos haplos ang kanyang tiyan ngunit parang may kung anong panghihinayang siyang naramdaman ng mga sandaling iyon kaya napabuntong hininga siya..........."No Aslea, wag kang maging ganyan! This is not the right time para sa bagay na iyan at hindi siya ang karapat dapat sa iyo dahil isa siyang lalaking mapaglaro sa mga babae" kausap niya sa kanyang sarili saka pumasok sa kanyang kwarto at sumampa sa kanyang kama uoang i relax ang pagod na katawan at isipan.

-----------

ONE WEEK LATER....

Dahil sa walang malamang balita si Shannon kay Aslea tungkol sa napag usapan nila sa telepono noon ay minabuti niyang puntahan ang dalaga sa kanyang opisina. Saktong papauwi na si Aslea dahil oras na ng uwian ata ng mga tauhan niya sa kanyang Spa ay nakauwi na.

Saktong papalabas na sa may maindoor si Aslea ng makasalubong niya si Shannon sa may pinto. Salubong ang kanyang kilay dahil sa pagkakakita niya sa binata ngunit si Shannon ay nananatiling nakangiti ng makita siya.

"Hi babe!.." agad na bati sa kanya ni Shannon.

"What are you doing here!.." mataas ang boses ni Aslea at padabog nitong isinara ang pinto ng kanyang Spa Saloon.

"Siyempre binibisita kita! Ang tagal na kaya nating hindi nagkita kaya na mi miss na kita at saka gusto ko lang malaman kung buntis ka ba o hindi?" lantarang pahayag ni Shannon.

"Para sa kaalaman mo Shannon, hindi ako buntis at kahit na ipa doctor mo pa ako ngayon ay malalaman mo kung buntis ako o hindi! Two days after nating mag usap noon ay dinatnan ako ng buwanang dalaw ko kaya wag ka ng mag inarte na kunwari ay concern ka dahil wala namang saysay iyon eh!.." mataray na sagot ni Aslea.

"Su-sure kaba na hindi ka buntis?.." parang lumungkot ang boses ni Shannon ng malaman nito na hindi nagbunga nag namagitan sa kanila ni Aslea.

"Sinabi na ngang hindi eh, ayaw mo pang maniwala!".........pairap na sabi ni Aslea......."Siguro naman ay lulubayan mo na ako ngayon dahil wala ka ng dahilan pa para bunto't buntutan mo ako?"..

"Aslea, mahal kita at kahit na anong gawin mo o kahit na anong masasakit na salita ang sabihin mo sa akin ay hinding hindi ako susuko at ipaglalaban ko ang damdamin ko saiyo kahit na kinasusuklaman mo ako" madamdaming saad ni Shannon. 

"Nakikiusap ako saiyo Shannon, kung talagang mahal mo ako ay bigyan mo ako ng space! Leave me alone dahil sakal na sakal na ako sa palaging pambu bwisit mo sa akin!  Araw-araw mo nalang na sinisira ang mood ko, kaya pwede ba na tigilan mo na ako para matahimik na ang buhay ko!.."

"Ang sakit mong magsalita Aslea! Mas matalim pa sa balisong ang bawat salitang binibitawan mo, but it's okay for me I understand you dahil mahal kita. And I will tell you this, hinding hindi ako magsasawang intindihin ka dahil iyon ang sabi ng puso ko, wag daw kitang isusuko dahil alam niya na balang araw ay mamahalin mo rin ako" makahulugang wika ni Shannon saka laglag ang balikat na tinungo ang kanyang kotse at saka agad na pinaandar iyon.

"Isa kang hangal Shannon!.." buntong hiningang bulong ni Aslea.

.......

Matamlay na umuwi ng kanilang mansion si Shannon, doon niya naisipang umuwi ng gabing iyon. Nabungaran niya si manang Helen ang kanyang yaya na angpalaki sa kanya.

"Oh iho, bakit ganyan ang hitsura mo? Parang daig mo pa ang natalo sa lotto?" pabirong wika ng matanda.

"Wala manang Helen!.." matamlay na sagot nito saka pabagsak na naupo sa may sofa ngunit maya maya ay........"May pagkain pa po bang natira?"... ani Shannon dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom.

"Ay kung pagkain lang iho ay marami! Sandali at ipag iinit kita ng makakain mo" anang matanda at saka deritso na sa kusina at nakasunod naman si Shannon.

Ilang minuto lang naman ang ipinaghintay nito at maya maya pa ay kumakain na ngunit ang kanyang isipan ay nasa kabilang dako, kay Aslea. Parang hindi makapaniwala si Shannon na hindi nabuntis ang dalaga dahil wala nga siyang ginamit na proteksiyon noong may nangyari sa kanila at inaasam din niya na sana ay magbunga iyon ngunit wala naman pala........."Bakit hindi siya nabuntis?".. may paghihinayang na tanong ni Shannon sa sarili.

Patapos ng kumain si Shannon ng biglang dumating ang kanyang daddy sa kusina at may dala dala itong brown envelope.

"Buti naman at dito ka umuwi" anang Don Robert saka naupo ito sa tapat ni Shannon.

"Bakit po dad?.." maang na tanong nito habang nakamasid sa hawak hawak ng ama.

"May emergency meeting sa New York at ikaw ang gusto kong pumunta roon para ma train ka sa bawat transaction ng ating negosyo. You can not say no dahil naasikaso ko na lahat pati ang air ticket mo" pahayag ni Don Robert kaya tigagal si Shannon.

"But daddy, you surprised me!.." himutok ni Shannon.

"I also surprised dahil katatagnggap ko lang ng noticed but no choice kaya you have to deal with it, wether you like it or not" seryosong wika ng Don.

Walang magawa si Shannon kundi ang tumango nalang sa kanyang ama, dahil sa totoo lang ay kailangan niyang pag aralan ang lahat ng bawat aspeto ng kanilang negosyo dahil tanging siya lang naman ang maasahan nila dahil nag iisa lang siyang anak.

Maya maya ay naalala niyang bigla ang mga sinabi ni Aslea sa kanya, napabuntong hininga siya na tumingin sa hawak ng kanyang ama at saka inabot ito.

"How long that I will stay there?.." tanong nito sa ama.

"One month is good enough!.." walang paligoy ligoy na sagot ni Don Robert.

"One month!.. Ang tagal naman dad!.." agad an reklamo ni Shannon dahil isipan lang niya na kaytagal niyang hindi makikita si Aslea ay parang ayaw an niyang pumunta.

"Shannon, don't be stupid! Marami kang dapat na gawin doon at hindi kakayanin ng ilang araw o linggo lang kaya kita binigyan ng isang buwan!"  napalakasa ng boses ng Don dahil sa sinabi ng anak......"Bakit may mahalaga bang bagay ang hindi mo maiwanan dito?.." may inis sa boses ng Don at alam ni Shannon kung papaano magalit ang kanyang ama.

"No-nothing daddy" nakayukong sagot ni Shannon.

"So, tomorrow ang flight mo ay 10:am in the morning. Ihanda mo na ang mga gamit na kakailanganin dahil ako ng bahala sa mga papers na dadalhin mo doon sa States" anang Don at napatango nalang si Shannon.

Pagkatapos mag usap ni Shannon at ng kanyang ama tungkol sa mga detalye sa kanilang negosyo ay  kinuha na niya ang kanyang dapat na dalhin at umuwi na siya ng kanyang pad para ihanda ang mga gamit na dadalhin niya.

Nang matapos na niyang ayusin ang kanyang bagahe ay tinawagan niya ang cellphone ni Aslea para makausap sana ang dalaga ngunit hindi niya ito sinasagot at ng muli na naman sana niyang tawagan ay nakapatay na ito........"Sana sinagot mo man lang ang tawag ko Aslea dahil matagal kitang hindi makikita mahal ko" malungkot na bulong ni Shannon saka nito tinungo ang fridge at kumuha ng beer at ng nakainom na siya ng dalawang bote ay nahiga na siya sa kanyang kama dahil kailangan niyang bumabog ng maaga bukas para sa kanyang pag alis.

.........

Kinabukasan ay maagang nagising si Shannon, alas siyete palang ay nakahnada na siya at bitbit na nito ang kanyang luggage at personal bag niya.

Sumakay siya ng taxi at dahil hindi niya makontak si Aslea ay minabuti niyang daanan nalamg ang dalaga sa kanyang Spa kahit na alam niyang alas nuwebe ang bukas nito sa kanyang Saloon.

Samantala.. Dahil may dadaluhang meeting si Aslea ay napaaga ang kanyang pasok sa kanyang Spa Saloon. Eksaktong alas otso ay naroroon na siya upang buksan ito at hihintayin nakang niya ang kanyang secretary para ihabilin ang mga dapat gawin.

Bubuksan an sana niya ang pinto ng makarinig ng yabag na papalapit sa kanyang likuran si Aslea kaya naman napalingon siya.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang si Shannon pala iyon na nakatitig sa kanya ngunit ang mga mata nito ay parang kaylungkot......."A-anong ginagawa mo rito?.." agad na tanong ni Aslea ngunit nagtataka siya dahil naka pustura ito at naka jacket pa ng itim.

Walang salitang namutawi sa mga labi ni Shannon basta't niyakap lang niya ng mahigpit si Aslea. Sa gulat ni Aslea ay hindi ito nakapalag man lang, para siyang natuka ng ahas nang yakapin siya ng kayhigpit ni Shannon na ang mga mata nito ay parang maiiyak.

"A-anong ginagawa mo rito?..." ulit na tanong ni Aslea kay Shannon ngunit ang sagot ng binata ay.

"Babe, I will miss you" pabulong na wika ni Shannon at bigla nalang niyang hinagkan sa labi si Aslea at tumagal ng mga limang minuto at maya maya pa ay tiningnan ni Shannon ang kanyang relo na nakasuot sa kanyang kamay saka napabuntong hininga at muling tinitigan ang mukha ni Aslea na para bang may gustong sabihin na hindi niya masabi sabi. Ilang sandali pa ay muling niyakap ni Shannon si Aslea at agad na itong tumalikod at naglakad patungo sa taxi na naghihintay sa kanya.

Hindi malaman ni Aslea ang naramdamang iyon dahil pakiramdam niya ay parang may ibig ipahiwatig ang kakaibang yakap na iyon ni Shannon, at ang hitsura nito ay hindi pang pasok sa opisina kundi may pupuntahan siyang isang lugar.

"Saan pupunta ang taong iyon?.." maya maya ay biglang naitanong ni Aslea sa sarili na noon ay nakatanaw pa sa kalsadang dinaanan ng taxing sinakyan ni Shannon.

Ano ang mangyayari sa pag alis na iyon ni Shannon na hindi nagpaalam kay Aslea? Tuluyan na bang matatahimik ang mundo ni Aslea sa pag alis an iyon ni Shannon?..

Abangan...

Continue Reading

You'll Also Like

854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.5M 99.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.