Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 9

7.5K 159 7
By darkkkAJ

Naisipan kong isama ang SHINee sa story. Wala lang... Real names nalang nila gagamitin ko para hindi nakakalito. F(x) din, soon.

-----

CHAPTER 9 - Apat na Baliw

Taejoon's POV

Pagdilat ng mata ko, nasa kwarto na ako bahay. Nakabihis na din ako, hindi na ako naka-suit. Teka, ano bang nangyari kagabi? Bigla nalang sumakit ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon ng kama at lumabas. Nadatnan ko si Mommy sa may garden, nagtritrim ng mga halaman.

"Gising ka na pala." sabi niya.

"Teka, Ma. Ano pong nangyari kagabi?" tanong ko.

"Hindi mo naaalala? Ikaw talagang bata ka, bakit kasi uminom ka ng alak? Alam mo naman ang nangyayari sa iyo kapag umiinom ka ng alcoholic drinks diba?"

"Si Tito Minwoo po kasi eh..." mahinang sagot ko. So ayun pala ang nangyari. Uminom nga pala ako ng alak kagabi. "...pero isang baso lang naman po yun. Tapos last dinner natin sa Byeokjae, uminom ako ng wine, wala namang nangyari eh."

"Taejoon talaga. Mababa ang alcohol content ng wine!"

Hindi na ako sumagot. Pumunta na ako sa loob at nagbreakfast. Sino naman kaya...

Sinong nahalikan ko?

***

Dahil wala akong magawa, tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Ito yung mga taong siguradong mapagkakatiwalaan ko, Magkakaibigan na kami ng mga ito mula unang apak ko sa school.

Nakipagkita ako sa kanila sa pinakamalapit na Starbucks. Dahil bawal ang alak sa akin! Baka mahalikan ko pa si Taemin! Hahaha.

"Bro, grabe. Ikaw na nga yung nagyaya, ikaw pa yung late. Hiyang-hiya naman kami noh?" bati sa akin ni Kibum hyung. Tumawa lang ako. At umupo ako sa upuang bakante sa tabi ni Jinki at Jonghyun hyung.

"Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ko sabay sipsip sa Iced Cafe Mocha na nasa harap ko. "Sino nanlibre?" Dagdag ko.

"Hoy hyung, utang yan! Sa sobrang tagal mo, umorder na kami. Syempre, bilang mabubuting kaibigan, inorderan ka na rin namin pero bayaran mo yan! Ako nagbayad!" sabi ni Taemin.

Nakaka-miss din itong mga baliw na ito eh. Nakakatuwa na kumpleto ulit kami ngayon.

"Ano bang meron bakit nagpa-emergency meeting ka?" tanong ni Kibum hyung.

Ibinababa ko sa table yung drink ko at huminga ng malalim.

"May mission ako..."

Puro poker face sila at nakatitig lang sa akin hanggang sa... "HAHAHAHAHAHA! Ano yan, mission impossible? HAHAHAHA." halakhak ni Jinki hyung. Tapos nakitawa na rin yung tatlo.

"Hindi! Makinig nga lang kayo..." Tumahimik naman sila kaya nagpatuloy ako sa kwento. "Naaalala niyo ba si Jaehee? Goo Jaehee?"

Sabay-sabay naman silang nag-nod.

"Yung girlfriend mo, hyung?" sabi ni Taemin.

"Yung fashionistang babae?" sabi ni Kibum hyung.

"Yung maputi?" sabi ni Jonghyun hyung.

"Yung cute?" sabi naman ni Jinki hyung.

"Oo, oo, oo." sagot ko kina Kibum, Jjong at Jinki hyung. "HINDI!" sagot ko naman kay Taemin. "Ex! Ex-girlfriend! Nakalimutan niyo na ba?" iritang tanong ko.

"Syempre naman hindi! Iniinis ka lang namin, hyung! HAHAHA." sabi ni Taemin. "Ano bang problema sa kanya?"

"Bumalik na siya dito." kwento ko ulit. "At ikakasal kami."

Naglakihan ang mga mata nila. "Ikakasal kayo? Wow!" reaction ni Jinki hyung at nagsiinuman sila ng mga drinks nila. Alam kasi nila na iniwan ko si Jaehee noon, na gago ako noon. Tapos ngayon ganito ang sitwasyon...

"Eh anong kinalaman niyan sa mission impossible mo?" tanong ni Jonghyun hyung.

"Dapat maibalik ko ang pagkababae niya." At narealize kong mali ang term na ginamit ko, nagpigil ng tawa yung apat na baliw.

"HAHAHA. Hyung, mission impossible nga yan! Paano mo naman ibabalik ang pagkababae ng isang babae kung wala na nga? May undo button ba yun?" Mga utak talaga nitong mga ito, puro green. =="

"Hindi yu-"

"Bakit ba kasi kinuha mo ang virginity niya? Di mo na mababalik yun!" natatawang sabi ni Kibum hyung at kung ano-ano pa ang pinagsasabi nilang apat.

"HINDI NGA YUN ANG IBIG KONG SABIHIN!" nilakasan ko ang boses ko. "Tomboy na kasi siya. At dapat magawa ko ulit siyang puso at itsurang babae. Dahil kung hindi..."

"Hindi matutuloy ang kasal?" sabi ni Jinki hyung.

"Kung hindi matutuloy ang kasal, hindi matutuloy ang merging ng mga kumpanya niyo?" dagdag ni Jonghyun hyung.

"Kung hindi matutuloy ang merging ng mga kumpanya, ikaw ang susunod na CEO ng Kang Enterprises?" sabi naman ni Kibum hyung.

"At kung nangyari lahat yun, titigil ka sa high jump. Awwwwww." sabi naman ni Taemin.

"Alam niyo na pala eh!" sabi ko. Leche, alam pala nila.

"Malamang, napanood namin sa TV yung balita tungkol sa pre-merging party niyo. Tapos naanalyze nalang namin yung mga sumunod na details." paliwanag ni Jinki hyung.

"Anong gagawin ko? Paano ko maibabalik si Jaehee sa dati?" malungkot na tanong ko.

"Isa lang naman ang naiisip kong pwede mong gawin." sabi ni Kibum hyung. "Ligawan mo ulit. Paibigin mo ulit. Yun lang naman yun eh. Ano bang pwedeng makapagpalambot sa matigas na puso, edi LOVE! True love!"

"Tama." pagsang-ayon ni Taemin.

"Pero bago mo gawin yan, isipin mo muna ito." sabi naman ni Jinki hyung. "Mahal mo ba si Jaehee? Or... Mahal mo pa ba siya?"

Hindi ako nakaimik sa tanong niyang yun.

"Kasi Taejoon, kung ginagawa mo lang ito para sa high jump, pag-isipan mong mabuti. Nasaktan mo na siya dati diba? Iniwan mo na siya dahil sa high jump. Ngayon, kung gagawin mo ito dahil ulit sa high jump at hindi dahil mahal mo siya at gusto mo talagang makasal sa kanya, magdalawang isip ka. Gagawin mong double dead yung tao eh. Babae yun, bro." dagdag ni Jonghyun hyung.

***

Gabi na, andito ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip yung pinagsasabi nung mga kaibigan kong baliw kanina.

Ano ba, mahal ko pa ba siya? Mahal ko ba siya?

Bumalikwas ako.

Hindi ko pa alam...

Continue Reading

You'll Also Like

66.8K 1.1K 90
Bata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-au...
38.6K 753 31
[Story of Shen Ken Hidalgo and Kristine Mae Lopez](Sequel of Meet My Fiance) "Our biggest regrets are not for the things we have done but for the thi...
886K 33.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
7.2M 183K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...