Angel in Disguise By Alyloony

By Vinz3Ryd3r

45.1K 729 24

Copy lang po ito... original Author po nito is Alyloony anyway pls join me here Join SOL REPUBLIC's SOLdiers... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Angel in Disguise - Chapter 1 *First meeting*
Angel in Disguise - Chapter 2 *Kiss*
Angel in Disguise - Chapter 3 *Suspicion*
Angel in Disguise - Chapter 4 *Voice of an angel*
Angel in Disguise - Chapter 5 *Mr. Spy*
Angel in Disguise - Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Angel in Disguise - Chapter 7 *Her smile*
Angel in Disguise - Chapter 8 *tears*
Angel in Disguise - Chapter 9 *Painful past*
Angel in Disguise - Chapter 10 *I miss you*
Angel in Disguise - Chapter 11 *Mr. Seduction*
Angel in Disguise - Chapter 12 *The Manager*
Angel in Disguise - Chapter 13 *flashback*
Angel in Disguise - Chapter 14 *Mr. Stalker*
Angel in Disguise - Chapter 15 *Blessing *
Angel in Disguise - Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Angel in Disguise - Chapter 17 *Stolen*
Angel in Disguise - Chapter 18 *unexpected news*
Angel in Disguise - Chapter 19 *The Wake*
Angel in Disguise - Chapter 20 *let go*
Angel in Disguise - Chapter 21 *Best friend*
Angel in Disguise - Chapter 22 *Subic*
Angel in Disguise - Chapter 23 *unrecognized feelings*
Angel in Disguise - Chapter 24 *first move*
Angel in Disguise - Chapter 25 *second*
Angel in Disguise - Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Angel in Disguise - Chapter 27 *One sided*
Angel in Disguise - Chapter 28 Mind vs. heart
Angel in Disguise - Chapter 29 *comfort*
Angel in Disguise - Chapter 30 *Request*
Angel in Disguise - Chapter 31 *trapped*
Angel in Disguise - Chapter 32 *hug*
Angel in Disguise - Chapter 33 *burst of emotions*
Angel in Disguise - Chapter 34 *I love you*
Angel in Disguise - Chapter 35 *another revelation*
Angel in Disguise - Chapter 37 *sandalan*
Angel in Disguise - Chapter 38 *Enchanted*
Angel in Disguise - Chapter 39 *Sayonara*
Angel in Disguise - Chapter 40 *questions*
Angel in Disguise - Chapter 41 *beach disaster*
Angel in Disguise - Chapter 42 *Venus' Plan*
Angel in Disguise - Chapter 43 *Dionne's Choice*
Angel in Disguise - Chapter 44 *Flight for freedom*
Angel in Disguise - Chapter 45 *POV*
Angel in Disguise - Chapter 46 *One and only*
Angel in Disguise - Chapter 47 *Will You Marry Me?*
Angel in Disguise - Chapter 48 *Kiss*
Angel in Disguise - Chapter 49 * Instant reunion*
Angel in Disguise - Chapter 50 *I-I love you too*
Angel in Disguise - Chapter 51 *China?*
Angel in Disguise - Chapter 52
Angel in Disguise - Chapter 53
Angel in Disguise - Chapter 54
Angel in Disguise - Chapter 55
Angel in Disguise - Chapter 56
Angel in Disguise - Chapter 57
Angel in Disguise - Chapter 58
Angel in Disguise - Chapter 59
Angel in Disguise - Epilogue

Angel in Disguise - Chapter 36 * Tight Hug*

601 7 0
By Vinz3Ryd3r


Chapter 36

*Tight Hug*

[Dionne's POV]

"Jake, nagkabalikan na ba kayo ni Venus?"

"ano ba ang naging dahilan ng break-up niyo dati?"

"totoo bang babalik narin sa condo unit mo si Venus at mag li-live-in na ulit kayo?"

"kelan pa kayo nagkabalikan?"

Nginitian ni Japoy lahat ng reporters na nagtatanong sa kanya

"no comment" sabi niya dito bat tuluyan narin siyang naglakad palayo habang hawak-hawak niya ang kamay ni Venus. Nung papunta na sila sa may way ko, agad naman akong tumalikod at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

"Dionne, let's go" rinig kong sabi ni Japoy

"o-okay" sabi ko sa kanya habang iniiwas ko ang mga tingin ko sa kanya

Naunang maglakad si Venus at Jake habang ako naman ay nasa likuran lang nila.

Hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Ilang beses ko na bang nakitang naghalikan si Japoy at Venus? Ilang beses na rin ba akong umiyak kada nakikita ko silang naghahalikan?

Pero bakit ngayon, mas tagus-tagusan ang sakit?

Para bang habang hinahalikan ni Japoy si Venus sa harap ng maraming tao, parang isinampal ang katotohanan sa mukha ko na kahit kelan, hindi ako mapupunta sa lugar na yun. Hindi mangyayari na ipapakilala ako ni Japoy sa harap ng maraming tao at sasabihin niya na mahal niya ako.

Nakakatawa lang isipin na kanina, may isang sikat na artista na gumawa saakin ng ganun pero wala akong naramdaman.

Bakit kaya ganun no?

Bakit kaya tayo nagmamahal ng taong imposible nating abutin samanatalang hindi natin magawang ibalik ang pagmamahal ng isang taong handa tayong saluhin.

Kung pwede lang na turuan ko ang puso ko, mas pipiliin ko na lang na hindi na lang mag mahal. Bakit ba kasi tumibok pa tong puso ko kay Japoy? Bakit ba ako minahal ni Rui?

Kung sana isang kaibigan na lang ang turingan namin, mas magiging madali ang lahat.

Kaso hindi.

Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa taong wala naman akong planong saluhin. Kaya eto ngayon, I am suffering....

[Jake's POV]

"Jake, what have you done?" bulong saakin ni Venus habang naglalakad kami papalayo sa media "bakit mo ako hinalikan ha? Ano na namang pakulo ito?"

Hindi ko siya pinansin but instead dire-diretso lang ako sa paglalakad. Napatingin ako bigla sa gilid ng crowd at nakita ko si Dionne na nakatalikod. Agad ko siyang tinawag.

"Dionne, let's go"

"o-okay" she told me while avoiding my gaze

Iniwas ko rin naman agad yung tingin ko kay Dionne. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya magawang matignan ng diretso.

Bakit ko nga ba ginawa lahat ng yun kanina? Bakit ko hinalikan si Venus sa harap ng madaming tao? Ano, gagawa na naman ako ng panibagong issue namin ni Venus?

Kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Simula ng makita ko kanina si Rui at Dionne, nakaramdam ako ng sobrang inis. Parang gusto kong manuntok ng tao. Pakiramdam ko galit na galit ako eh.

Pero bakit ba ko magagalit? Anong dahilan?

Bwiset naman na buhay to oh! Sarili kong nararamdaman hindi ko maintindihan!

Baka naman nagagalit ako dahil alam ko kung gaano kamahal ni Maisie si Rui tapos itong hayop na Hapon na to eh nagkagusto pa sa chimay ko!

Oo nga! Siguro yun ang dahilan! Nakita ko kung gaano iniyakan ng kapatid  ko ang Hapon na yan tapos bwiset na Hapon, nagtapat ng undying love niya kay Dionne sa harap pa ng kapatid ko! Kung sinasapak ko na kaya yan?!

Isa pa madadamay pa ko sa issue nila ni Dionne! Bigla tuloy ako napapanggap na pinsan ni Dionne! Bwiset! Wala akong kamaganak na abnormal! =__=

Nang makarating kami doon sa table namin, agad kaming nilapitan ni Manager Rhian

"Jake what do you think are you doing?!" galit na tanong niya saakin then tinignan niya si Venus "may relasyon ba kayong dalawa?!"

"Rhian, let's talk about it later okay?" sagot ni Jake "wag mo din muna guluhin si Venus"

"what?! Hey Jake we need to talk now!"

"i'm going home!"

"Jake! Wait nga lang!"

Hindi ko pinakinggan si Manager Rhian, instead tinalikuran ko na siya. Sakto namang pagtalikod ko, nagkatinginan kami ni Dionne at doon ko lang napansin na namamasa ang mga mata niya na para bang umiyak siya.

"uuwi na tayo" sabi ko kay Dionne sabay iwas ulit ng paningin ko sa kanya.

Umiyak siya? Dahil ba sa ginawa k okay Venus? Ibig sabihin ba nun nasaktan ko siya?

Bakit ba?! Wala naman siyang karapatan dahil hindi naman kami eh! Gagawin ko ang lahat ng gusto ko at wala siyang magagawa doon. Siya lang ang may gusto saakin pero wala akong gusto sa kanya!

Tama... siya lang ang may gusto saakin...

... pero bakit ako nakokonsensya?

[Maisie's POV]

"This is the girl I love. Nililigawan ko palang siya ngayon. Pero alam ko, mapapasagot ko siya"

Napabuntong hininga ako.

How I wish ako ang tinutukoy ni Rui nung mga panahong sinabi niya yun sa harap ng media. How I wish ako yung kaakbay niya nun, not Dionne.

Pero hindi.

Nakalimutan na nga niyang kasama niya ako nun eh. Nung hinatak niya si Dionne palayo sa mga press, para bang nawala na sa isip niya na nag eexist ako.

Hay buhay! Hanggang kelan ba ako mag da-drama ng dahil kay Rui! Gusto ko na talaga matapos to. Gusto ko ng mawala lahat lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko ng mainlove ulit sa ibang lalaki para maiba naman hindi yung puro Rui na lang ako ng Rui. Napakamanhid at tanga naman ng isang yun =__=

"MAISIE-CHAAAAAAAAAAAN!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na yun na tumatawag sa pangalan ko.

Speaking of the devil...

Nilingon ko siya "oh Rui..."

"buti nahanap kita! Nandito ka lang pala sa labas!" umupo si Rui sa tabi ko


"dito nga muna ko ng hindi ako mahanap ng mga reporters na yun. Tanong ng tanong eh naiirita na ko" =___=

"ikaw kasi eh, sukat umamin ka na nililigawan mo si Dionne sa harap ng maraming tao"

Napakamot naman sa ulo si Rui "ehhhhh wag mo na nga ipaalala, kinikilig ako..."

Binatukan ko nga

"aray ko Maisie! Masakit yun!!" T__T

"eh para ka kasing bakla diyan eh! Ano pala sabi ni Dionne sa ginawa mo ha?"

"uhmmm hindi naman siya nagalit pero alam mo ba sabi niya saakin may iba siyang mahal.."

Napalingon ako kay Rui "talaga?!" tanong ko sa kanya habang ngiting ngiti.

Siguro si Kuya Jake yun! Walang duda! Shaks! Kinikilig ako! Sana naman eh wag ng magpaka indenial si Kuya at ligawan na niya si Dionne!!

"grabe ka makangiti ka parang ang saya mo pang may ibang mahal ang mahal ko ah!" sabi naman ni Rui kaya bigla akong napasimangot

"sorry! Pero ibig sabihin ba nun hindi ka na niya pinayagan na manligaw?"

"uhmmm sabi niya pagiisipan pa niya pero kahit na! liligawan ko parin siya kahit anong mangyari! Kahit na ayaw niya saakin, ipapakita ko parin kung gaano ko siya kamahal. Malay mo...


" tumingin si Rui sa langit "... malay natin, may mangyaring miracle at magustuhan niya rin ako di ba?"

Napatingin din ako sa langit.

Miracle.

Isang bagay na matagal ko ng pinagdarasal. Sana magkaroon ng milagro at magbago ang ihip ng hangin at makagusto saakin si Rui. Pero ilang taon na ang nakalipas, nganga parin ako. Wala paring nangyayari. Walang pagbabago. Sobrang mahal ko parin si Rui ----- at sobrang best friend lang din ang turing niya saakin.

Siguro nga hindi talaga siya ang para saakin. Masakit tanggapin pero siguro nga tama na ang desisyon ko na pumunta sa France at magpakalayo-layo. Baka sakaling sa gagawin ko, maka-move on na ako sa kanya.

"ne Maisie-chan... tutulungan mo ako di ba? Tutulungan mo ako na ligawan si Dionne..." sabi niya saakin

Huminga ako ng malalim then tinignan ko si Rui "I'm sorry, mukha atang di na kita matutulungan.."

"h-ha?! B-bakit naman?"

"Rui..." tinignan ko siya sa mga mata niya "aalis na ako. I-I'm migrating to France. Doon na ako mag tatrabaho..."

Katahimikan.

Nakatingin lang saakin si Rui at hindi siya umiimik. Halata sa mukha niya na gulat na gulat siya ng dahil sa sinabi ko.

"R-rui-"

"is it because of me?" tanong niya saakin "d-dahil ba saakin Maisie? Tell me, m-mahal mo pa ba ko? Nasasaktan ba kita sa mga sinasabi ko?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya

"you want to know the truth?"

"please tell me.."

Nag buntong hininga ulit ako at tinignan ko si Rui.

This moment, gusto kong sabihin talaga sa kanya lahat lahat. Na oo aalis ako dahil gusto ko ng lumayo sa kanya, gusto ko ng kalimutan siya. Gusto kong sabihin kada babanggitin niya kung gaano niya kamahal si Dionne, parang paulit ulit din akong sinasaksak sa sobrang sakit.

Pero ano nga bang maidudulot ng pagsasabi ko nito? Malapit na akong umalis pero gusto ko bago ako umalis, maayos kami ni Rui. Ayokong maghiwalay kami ng landas ng may hindi pagkakaintindihan.

Nginitian ko si Rui "syempre hindi na ako inlove sayo no! asa ka naman hindi ka naman ganun ka gwapo!" I faked a laugh "syempre aalis ako dahil may pangarap din naman ako sa buhay. Ang ganda nung offer na binigay nila saakin. Ang tanga ko na kung hindi ko pa tatanggapin"

Yumuko si Rui "hindi na ba kita mapipigilan?"

Hinawakan ko ang kamay niya "Rui... sana maintindihan mo.."

"naiintindihan ko naman and I'm very very proud of my best friend. Yun lang hindi ko maiwasang malungkot. Ngayon lang ulit bumabalik yung closeness natin tapos iiwan mo na ko agad."

"ano ka ba! There are such thing as skype or viber! Napakadali na nating makakapag communicate sa isa't isa!"

Inangat ni Rui ang ulo niya at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hatakin papalapit sa kanya atsaka niya ako niyakap ng sobrang higpit.

"R-rui---"

"let's stay like this for a while.." sabi niya then naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya

"R-rui, are you crying?"

Hindi siya sumagot

"uy wag ka umiyak please. Hindi naman ako mamamatay eh..."

"nalulungkot lang ako best friend... nalulungkot lang ako..."

I hugged him back habang pumapatak na rin ang luha sa mata ko.

Nalulungkot din ako na iiwan ko na si Rui. Pero at the same time, masaya din naman ako na malaman na ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

Yun nga lang bilang isang kaibigan... at kahit kelan hindi na magbabago yun.

(to be continued....)


Continue Reading

You'll Also Like

172K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...