Angel in Disguise - Chapter 9 *Painful past*

827 14 0
                                    


  Chapter 9
 



*Painful past*









[Jake's POV]







"where's Dionne?!" salubong na tanong saakin ni Tito Jin habang kasama niya si Tita Chyna nang makarating sila dito sa rest house. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala kay Dionne.





Ibinaba ko yung dyaryo na binabasa ko then I look at them "she's in the room, sleeping. Nakatulog kakaiyak"





Bigla naman napa buntong hininga si Tita Chyna "I'm glad nothing happens" she told us in relief





Tumayo ako at nilapitan ko sila "ang dami kong  gustong itanong sa inyo. Naguguluhan talaga ko sa mga nangyayari! You two" tinuro ko silang dalawa "will explain to me everything! Kung hindi, talagang patay kayo saakin!"






Nginitian naman ako ni Tito Jin "hay I guess kailangan na namin sabihin sayo ang lahat"





"good. But before that, I want to clarify something" inilabas ko yung phone ko at ipinakita ko kay Tito Jin at Tita Chyna ang picture na nakuhanan ko nung makita namin ni Venus na magkayakap si Tito Jin at Dionne sa may parking lot "What's the meaning of this?! Tell me Tito Jin" tinignan ko si Tito Jin ng diretso sa mata "is Dionne your mistress?!"





Katahimikan. Nakatitig pareho si Tito Jin at Tita Chyna doon sa picture na hawak ko. Mukhang gulat na gulat sila sa sinabi ko to the point it made them speechless. I smirked. I guess my suspicion is right. Halata naman sa way kung paano mag alala si Tito Jin kay Dionne eh.





Dahang dahan na lumapit si Tita Chyna saakin at kinuha yung phone ko habang titig na titig siya doon sa picture. I pity her. She's been a good wife to Tito Jin and I can't even bare to think kung paano siya nagawang lokohin nito.





"J-jin.." sabi ni Tita Chyna habang pinapakita niya yung picture kay tito





"Chyna.."  


  Nagkatinginan silang dalawa and then...



























"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA"



"WAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHHAHAHAHA"



"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA"



"NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"







Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa dalawa kong abnormal na kamag-anak na walang humpay sa pagtatawanan. Ok? May nakakatawa bas a sitwasyon?! Na-sira na ba mga ulo nila?





"what the f*ck is happening?!" sigaw ko sa kanila "Would you please stop laughing?! It's f*ckin' annoying!"





"hahahaha o relax ka lang pamangkin! You cuss to much!" sabi ni Tito Jin





"tsk!" =___=





"hahaha ikaw kasi Jake, you're such a joker" sabi naman ni Tita Chyna





"huh?"





Lumapit si Tito Jin saakin at inakbayan ako "you know Jake, you got it all wrong. Dionne's my mistress?! Sira ka ba?! Eh napaka bait ng batang yun eh! paano mo siya napagisipan ng ganun ha?!"  


  "eh bakit nga madalas ka mag-alala sa kanya ha?! bakit binibigyan mo siya ng kung anu-ano?! Magkaano-ano ba kayo ha! and how can you explain this hug!" sabi ko kay Tito sabay kuha ng phone ko sa kamay niya at itinapat ko yung picture sa mukha niya.





"Jake, malapit kami ng Tito Jin mo sa family ni Dionne" pagpapaliwanag ni Tita Chyna "Jin's their family doctor and also best friend namin ang mga magulang ni Dionne. College pa lang eh magkakasama na kaming apat kaya naman ganun na lang namin sila pangalagaan"





"right. And kung ano man ang pinapakita ko kay Dionne is all fatherly love. Alam mo namang wala kaming anak nitong si Chyna eh kaya naman tinuturing na lang naming parang isang tunay na anak itong si Dionne"





Sumimangot ako. Tss, grabe naman kasing pagmamahalan yan eh! masaydong nakakairita! Tsaka malay ko ba na ganun?! Kahit naman sino magiisip ng ganun d iba?! di ba?! tsk =___=





"hahahaha pahiya si Japoy" pang-aasar ni Tito Jin sabay akbay saakin "bawi ka na lang bukas! Hahahaha!"





Tinabing ko yung braso niya na nakaakbay saakin "heh! Ewan ko sayo!" tinignan ko sila "eh yung nangyari kanina? Anong ibig sabihin nun? Bakit ganun na lang ang naging reaction niya  nung nandun kami sa bahay? And why did she cried like that habang paulit ulit niyang tinatawag ang papa niya? What's wrong with her?!" i ask them in frustration. Sa totoo lang, kanina ko pa pinapaulit-ulit sa isipan ko ang mga tanong na yan. Nung yakap yakap ko si Dionne, I felt that she's in great pain. Beside my mom, I never seen a person cried like that before. Dati nung iniwan kami ng hayop kong ama, laging umiiyak si mommy. Pinapakita niya sa harap ko na masaya siya but pag mag-isa na lang siya, naririnig kong umiiyak siya. During that time, wala akong magawa kundi ang titigan lang siya. Pero eventually, hindi ko na kinaya at nung makita kong umiiyak si mommy, nilapitan ko siya at niyakap katulad ng ginawa ko kanina kay Dionne. Hindi ko alam kung nakatulong ako sa ginawa ko o hindi, pero ayoko lang kasing nakakakita ng taong umiiyak ng ganun. It reminds me of my past and I hate it.

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now