Angel in Disguise - Chapter 12 *The Manager*

779 9 0
                                    


  Chapter 12


*The Manager*









[Jake's POV]







Saang lupalop ng mundo ba nag suot ang chimay na yun?! Nak ng tokwa naman eh!! kailangan ko na yung alcohol ko!! Paano ba naman hinawakan ako nung baklang make-up artist ni Venus! Brrr hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang pangingilabot ng katawan ko!





Pero saan na ba nagsususuot yung chimay na yun?! Tss wag niyang sabihing hanggang ngayon eh kilig na kilig siya sa pinag gagagawa ko?! sus! pakiligin ko siya diyan everyday eh! >:))





Nakita ko naman si Dionne na nakaupo sa sofa sa lobby ng hotel. Aba yung chimay ko ang galing! Paupo-upo na lang! ni hindi manlang naisipang pagsilbihan ang amo niya!





Nilapitan ko siya "Hoy! Kanina pa kita hinahanap!!"





"Ah J-japoy kaw pala"





Tinignan ko siya. Sus nag i-stammer parin siya hanggang ngayon? Malamang kinikilig pa to.





"alcohol ko asan?!"  

Kinuha niya sa bag niya yung alcohol at inabot saakin ng hindi umiimik. Hmm, ganyan ba kagrabe ang epekto ko sa kanya?

"huy" kalabit ko kay Dionne "tahimik ka diyan?" nginitian ko siya ng nakakaloko "wag mo sabihing kinikilig ka parin dahil saakin?"

Nagulat naman ako when she look at me with confusion "kinikilig? Errr tinataasan ka ba ng balahibo pag kinikilig ka?" she ask me innocently

"ha?!"

"kasi kanina tinaaasan ako ng balahibo! Akala ko kinikilabutan ako" ^__^

Tinignan ko siya ng masama "ibig mo sabihin kinilabutan ka ng dahil saakin?!?!?!" madiin kong tanong sa kanya

"eh hehehe hehehehe"

"HEH! WAG MO KONG TAWANAN! HINDI KITA SUSWELDUHAN NG ISANG BUWAN!!" after kong sabihin yun, tinalikuran ko na siya habang dinig ko ang mga pigil niyang tawa.

Buwiset!!! Kinilabutan daw! Sa gwapo kong to kikilabutan siya?! hmpf! =__=

Maya-maya lang, pinatawag na kami para masimulan na yung meet-and-greet sa amin ng mga fans. Bawat isa sa mga lead cast ay may isang fan na i-ddate. Kakain lang naman kami ng lunch dito sa hotel habang nakikipag kwentuhan. Parang "get-to-know-each-other" ang dating. At syempre, habang ginagawa namin yun ay kinukuhanan kami ng pictures para sa magazine kung saan ilalabas itong meet-and-greet na to. After nun magkakaroon din ng onting interview. All in all, halos buong araw kaming magkasama ni fan.






Tsk, sana naman yung fan na immeet ko eh yung naliligo, mabango, maganda at sexy para naman ganahan ako dito! Pag dugyutin yun, mabaho at panget ay ewan ko na lang. Baka maging sanhi ng kamatayan ko ang meet-and-greet na to.





"Japoy" naramdaman kong kinalabit ako ni Dionne "bat nakasimangot ka?"





Tinignan ko siya "malamang kasi hindi ako nakangiti!" =__=





"hindi ka ba masaya na may ma-mi-meet kang taga hanga mo?"





"mukha bang masaya ang mukhang to ha?!" sabi ko habang tinuturo-turo ko ang mukha ko





"bakit di ka masaya?"





"bakit ba ang dami mong tanong?!" tsk asar eh! Ang kulet-kulet!! Tanong ng tanong! Dada ng dada! Pinaglihi ba to sa pwet ng manok?! =__=





Maya-maya lang, dumating na yung organizer ng event na to kasama yung mga fans namin at isang make-up artist ata na bakla para ipakilala saamin. Nakita kong may babaeng lumapit  kay Rui at nakipag kamay dito samantalang kay Venus naman ay isang lalaki. Ok? Wala akong fan? Ayos lang. Mas preferred ko yun! Atleast di ko na kailangan mag-alala sa health ko!






Kaso nagitla ako ng lumapit yung organizer saakin kasama yung make-up artist





"Jake this is your fan. Be nice to him ok?"





"t-teka! Hindi ba make-up artist yan?!" O___O





"ano kabalalu Papa Jake! Hindi no! isa akey dyosang bumaba galing sa Mt. Olympus para ma-meet ka! Anyways France is the name! France Kagandahan!" sabi nung bakla sabay lahad ng kamay niya na parang gustong makipag shake hands.





"o siya maiwan ko muna kayo diyan" sabi nung organizer sabay talikod saakin





Anak ng tokwa! Sino ba ang may balat sa pwet dito! Mukhang nahawahan ako ng kamalasan ng taong yun! Pag nalaman ko kung sino ang may balat sa pwet dito ipapalapa ko siya ng buhay sa leon!! =__=





"Papa Jake the you is making shaking handness na to meow! Ako is nangangawit na!"





Tinignan ko yung kamay niya ng diring diri "naghugas ka ba ng kamay?"





"ay oo naman! Pak na pak! Naligo pa nga ako eh! I'm so mabango! Amuyin mo ako oh!" biglang dumamba saakin yung baklang shokoy at ipinagduldulan niya  ang dibdib niya sa ilong ko

Angel in Disguise By AlyloonyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ