Angel in Disguise - Chapter 36 * Tight Hug*

601 7 0
                                    


Chapter 36

*Tight Hug*

[Dionne's POV]

"Jake, nagkabalikan na ba kayo ni Venus?"

"ano ba ang naging dahilan ng break-up niyo dati?"

"totoo bang babalik narin sa condo unit mo si Venus at mag li-live-in na ulit kayo?"

"kelan pa kayo nagkabalikan?"

Nginitian ni Japoy lahat ng reporters na nagtatanong sa kanya

"no comment" sabi niya dito bat tuluyan narin siyang naglakad palayo habang hawak-hawak niya ang kamay ni Venus. Nung papunta na sila sa may way ko, agad naman akong tumalikod at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

"Dionne, let's go" rinig kong sabi ni Japoy

"o-okay" sabi ko sa kanya habang iniiwas ko ang mga tingin ko sa kanya

Naunang maglakad si Venus at Jake habang ako naman ay nasa likuran lang nila.

Hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Ilang beses ko na bang nakitang naghalikan si Japoy at Venus? Ilang beses na rin ba akong umiyak kada nakikita ko silang naghahalikan?

Pero bakit ngayon, mas tagus-tagusan ang sakit?

Para bang habang hinahalikan ni Japoy si Venus sa harap ng maraming tao, parang isinampal ang katotohanan sa mukha ko na kahit kelan, hindi ako mapupunta sa lugar na yun. Hindi mangyayari na ipapakilala ako ni Japoy sa harap ng maraming tao at sasabihin niya na mahal niya ako.

Nakakatawa lang isipin na kanina, may isang sikat na artista na gumawa saakin ng ganun pero wala akong naramdaman.

Bakit kaya ganun no?

Bakit kaya tayo nagmamahal ng taong imposible nating abutin samanatalang hindi natin magawang ibalik ang pagmamahal ng isang taong handa tayong saluhin.

Kung pwede lang na turuan ko ang puso ko, mas pipiliin ko na lang na hindi na lang mag mahal. Bakit ba kasi tumibok pa tong puso ko kay Japoy? Bakit ba ako minahal ni Rui?

Kung sana isang kaibigan na lang ang turingan namin, mas magiging madali ang lahat.

Kaso hindi.

Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa taong wala naman akong planong saluhin. Kaya eto ngayon, I am suffering....

[Jake's POV]

"Jake, what have you done?" bulong saakin ni Venus habang naglalakad kami papalayo sa media "bakit mo ako hinalikan ha? Ano na namang pakulo ito?"

Hindi ko siya pinansin but instead dire-diretso lang ako sa paglalakad. Napatingin ako bigla sa gilid ng crowd at nakita ko si Dionne na nakatalikod. Agad ko siyang tinawag.

"Dionne, let's go"

"o-okay" she told me while avoiding my gaze

Iniwas ko rin naman agad yung tingin ko kay Dionne. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya magawang matignan ng diretso.

Bakit ko nga ba ginawa lahat ng yun kanina? Bakit ko hinalikan si Venus sa harap ng madaming tao? Ano, gagawa na naman ako ng panibagong issue namin ni Venus?

Kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Simula ng makita ko kanina si Rui at Dionne, nakaramdam ako ng sobrang inis. Parang gusto kong manuntok ng tao. Pakiramdam ko galit na galit ako eh.

Pero bakit ba ko magagalit? Anong dahilan?

Bwiset naman na buhay to oh! Sarili kong nararamdaman hindi ko maintindihan!

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now