Angel in Disguise - Chapter 51 *China?*

525 10 1
                                    


Chapter 51

[Jake's POV]

"Nilayasan ka na naman ni Dionne?" naka-pamewang na tanong sa'kin ni Venus habang nandito kami ngayon sa office ng bagong talent agency ni Manager Rhian

Alam kong hindi na dapat ako pumunta sa office na 'to dahil binitiwan ko na ang pag-aartista pero eto pa rin ako, nakiki-epal sa meeting nila sa kadahilanang ikababaliw ko ang pag-iisa ngayon sa condominium ko.

"Baka naman bumili lang ng manok 'yun?" sabi naman ni Rui na busy sa pagkain ng cake na nasa harap niya. "Gusto kong matikman ang chicken cordon bleu ni Dionne-chan. For sure masarap 'yun!"

Tinignan ko ng masama si Rui, "mag papasalamat ako kung nag grocery lang siya ng manok! Pero ba't wala na ang mga gamit niya? She's not even answering my calls! Ni-text wala!"

Nilapitan ako ni Manager Rhian at inabutan ng juice, "o eto uminom ka muna. Mag relax ka lang okay? Malay mo naman nag papaturo lang ulit 'yun magluto o may surprise lang siya sa'yo."

"O baka pinagpalit ka na niya sa iba," duktong ni Venus.


Sabay kaming napa-lingon sa kanya ni Manager Rhian at pareho namin siyang tinignan ng masama.

"Okay fine. I'll just zip my mouth," sabi ulit ni Venus sabay irap.

Nilingon ulit ako ni Ms. Rhian at tinapik ang balikat ko, "don't worry Jake, hindi ka naman iiwan ni Dionne. Nakakaramdam ako na may inihahanda lang ulit siya para sa'yo."

"Oo nga bro. Mahal na mahal ka nun eh," dagdag pa ni Rui.

Nginitian ko lang sila at hindi na ako nag react. Tinignan ko ang phone ko. Still, no reply from Dionne.

Maya-maya lang din ay nag start na sila ng meeting kaya naman lumabas muna ako at nag stay sa lobby para mag-kape.

Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Manager Rhian na may balak lang si Dionne na i-surprise ako. Gusto kong makapante na ganun lang talaga 'yun. Pero ewan ko, hindi ako mapakali. May kung anong bumabagabag sa'kin eh.

Pakiramdam ko iniwan niya na talaga ako.

Napa-hinga ako ng malalim. Napapraning na ba ako? Ang ne-negative ng nasa isip ko eh! Wala ni-katiting na positive thoughts na pumasok kahit pa kung anu-anong encouraging words na ang sinabi sa'kin nina Manager Rhian at Rui.

Hindi kaya tama ang sinabi sa'kin ni Venus na ipinagpalit na nga ako ni Dionne sa iba?

Napa-pukpok ako sa ulo ko.

Bwisit naman oh! Bakit ba mas madaling paniwalaan ang negative kesa sa positive?!

Biglang nag vibrate ang phone sa bulsa ko at agad-agad ko itong kinuha expecting na si Dionne ang tumatawag sa'kin.

Na-disappoint lang ako nang makita ko ang pangalan ni Ninong Jin sa screen ko.

Wala ba talaga siyang plano na tawagan ako?!

I answered the call.

"I'm busy!" pambungad ko kay Ninong Jin.

"Okay, about sana kay Dionne ang sasabihin ko. Next time na lang. Bye!"



"Wait! W-wait! Ano ang tungkol kay Dionne ha?!"

"O akala ko ba busy ka?"

"Ninong naman ano ba! Tell me where is she? Nababaliw na ako dito!"

"Okay, sorry. She's in Bicol right now."

Angel in Disguise By Alyloonyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें