Angel in Disguise - Chapter 21 *Best friend*

646 11 0
                                    


Chapter 21

*Best friend*

[Dionne's POV]

"ate Dionne, saan na po pupunta si Maya?"

"pupunta na siya sa heaven tapos magiging angel siya at babantayan niya tayo"

It's Maya's burial. Kasama ko ngayon yung mga batang nakasama ni Maya para makipag libing sa kanya.

"ate Dionne" nilapitan ako ng isang batang babae na ang pangalan ay Chloe. Napansin kong umiiyak siya "a-ate.. m-makikita k-ko p-pa po b-ba si Maya? *sniff* m-makakapag laro p-parin po ba k-kaming dalawa?"

Umupo ako para maging ka-level ko si Chloe then I hugged her "oo naman makikita parin natin siya balang araw. Pag dumating ang day na kailangan narin nating maging angel, makakasama na natin si Maya. Syempre matagal na matagal pang mangyayari yun pero dapat lagi nating iisipin hindi niya tayo iniwan. Lagi siyang nandito" tinuro ko ang dibdib niya "sa heart natin"

"t-talaga po?"

"oo naman!"

Biglang humagulgol ng iyak si Chloe kaya naman binuhat ko siya at hinayaan kong umiyak siya sa braso ko.

Sa lahat kasi ng mga batang nakasama ni Maya, si Chloe ang pinaka naging malapit sa kanya. Best friends silang dalawa kaya naman alam kong masyado ring nalulungkot ang bata sa pagkawala ni Maya.

"Dionne" nilapitan ako ni Jake "tara umupo na tayo"

"sige" ibinaba ko si Chloe then pinunasan ko yung eyes niya "Chloe tabi ka na sa mommy mo ah? mag ppray tayo para kay Maya" she nod then tumakbo narin siya papunta sa mommy niya.

Isang maikling mass lang din naman yun na offer para kay Maya. After nun, dinala na namin si Maya doon sa mismong lugar kung saan siya ililibing.

Habang naglalakad kami, hindi ako halos makalingon kay Japoy dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Alam kong grabe siyang nasaktan sa pagkawala ni Maya. In a very short period of time, na-attached siya ng husto doon sa bata. In some ways I feel glad dahil nakita ko ang kabilang side ni Japoy. Alam ko naman na mabuti siyang tao eh. But he always hide his kindness behind his cold personality. Pero ngayon, inilabas niya yun. He even cried for Maya.

Yun lang, sana in some ways, makatulong ako na ma-ease ang pain na nararamdaman niya ngayon.

"Dionne"

Napalingon ako kay Japoy ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko

"b-bakit?"

But instead na sumagot siya, nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"J-japoy-"

"please let me hold your hand for a while" sabi niya saakin na halos pabulong na.

Hindi na ako umangal at hinayaan ko na lang na hawakan ni Japoy ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun but I felt na dapat munang hayaan ko siya. Baka sa paraan na ito, kahit papaano matulungan ko siya.

And weird, in some ways, parang na-comfort din ako.

Bago ilibing si Maya, hinayaan muna nila kaming tignan siya sa huling pagkakataon. Hindi ko maialis ang tingin ko doon sa mukha ng bata. Napaka peaceful nito. Para bang sinasabi niya na kahit na maikli lang ang naging buhay niya dito sa mundo, naging napakasaya niya.

Naramdaman kong napahigpit ang hawak ni Japoy sa kamay ko then I looked at him, nakatingin din siya sa mukha ni Maya.

"she's safe now" bulong ko kay Japoy "she's now in the place where pain cannot reach her"

Angel in Disguise By AlyloonyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum