Angel in Disguise - Chapter 4 *Voice of an angel*

874 13 0
                                    

Inuulit ko lang po sa mga Readers nito, di po ako ang author nito, si mrs Alyloony po ang Original na gumawa ng story na ito...




  Chapter 4

*Voice of an angel*









[Dionne's POV]







'Mr. sleepyhead Japoy, sana wag kang magalit dahil in-alarm ko yung alarm clock mo ng 7am. You need to wake up early para di lumamig yung lugaw na niluto ko. See you this afternoon.



Dionne'







I'm giggling habang inilalagay ko sa bed side ni Jake yung note ko. For sure magagalit na naman yun. Lalaki na naman ang mata niya at butas ng ilong habang binabasa niya ang note ko. Sayang di ko makikita! I found him very cute pag nagagalit siya.





Tinignan ko yung natutulog na mukha ni Japoy. Para siyang angel, akala mo di makabasag pinggan. Ang amo amo ng mukha niya, napaka peaceful na parang walang dinadalang problema sa mundo.





Pero kahit naman gising siya at napaka sungit ng itsura niya, once he smile makikita mo ang napaka peaceful niyang sarili. Na parang kahit na sinong dumikit sa kanya, gagaan ang loob.





Kaya gustong gusto kong dumidikit kay Japoy. Parang pakiramdam ko nawawala lahat ng problema ko.





I smile then lumabas na ko ng unit niya  dala-dala yung gitara na niregalo saakin ni Kuya Dylan.










Dumiretso ako sa isang simbahan na malapit dito sa unit ni Japoy. Sumali ako sa choir nila and every morning before the 8am mass ang practice. Nung makarating ako sa simbahan, mukhang wala pa halos members na dumadating pero may nauna na saakin dahil may naririnig akong tumutugtog ng piano.





"I love the Lord, He is filled with compassion

He turned to me on the day that I called

By the snares of the dark

Oh Lord save my life, be my strength"





Teka, yung boses na yun. Kilalang kilala ko ang boses na yun.





Umakyat ako doon sa taas ng simbahan kung saan nanggagaling yung kumakanta





"Gracious is the Lord, and just.


Our God is mercy, rest to the weary.


Return my soul to the Lord our God who bids tears away.


I love the Lord. "





Nakita ko ang isang babae na napakaganda and kumakanta habang tumutugtog ng piano. Hindi nga ako nagkamali, siya nga yun.  Yung babaeng madalas pakinggan ni kuya Dylan na kumanta galing sa malayo.


"I love the Lord, He is filled with compassion

He turned to me on the day that I called

By the snares of the dark

Oh Lord save my life, be my strength"

Pinanood kong kumanta yung babae. Tama nga si kuya, napaka-ganda ng boses niya, like a voice of an angel. At kahit siya mismo napaka ganda niya. Napaka-amo ng mukha niya.

Napatigil siya sa pagkanta nung mapansin niyang nanunuod ako.

"uhmm excuse me, do you need something?" tanong niya saakin

Agad ko naman inayos ang sarili ko "ah, hello, a-ako si Dionne, yung new member ng choir"

Nginitian niya ako at dali-daling lumapit saakin at nakipag kamay "hello Dionne, I'm Ashley! Nice meeting you! Thank you sa pag sali mo sa choir namin ah? Naku talagang kailangan namin ng bagong member! Sana maging friends tayo!"

"h-ha? O-oo naman"

Hinila niya ako paupo doon sa tabi ng piano "wow, gitara ba yang dala mo? Pwede ko ba makita?"

"ah sige" nilabas ko yung gitara ko at pinakita ko sa kanya

"Wow ang ganda naman niyan!"

"gift saakin ng kuya ko"

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now